Chapter 18

211 6 0
                                    

“Saan ka uuwi ngayon Reese?” paalis na sina tita Lisa. Ash and her parents already left. Si Alexa lang ang nagpaiwan dahil gustong sumama sa Tagaytay with mom and dad. Liam’s friends already left too.

“She’s going home with me mom.” Si Liam ang sumagot kay mommy. Napabaling ako sa kanya ng sabihin niya ito. Wala akong plano na umuwi ngayon sa unit niya.

“Pwedeng kayo na muna magdala kay Kisha, Liam? May dadaanan pa kasi kaming meeting with my client eh.” Napatingin ako kay ate Lindsy na karga-karga si Kisha. Aayaw pa sana akong sumama kay Liam pero kawawa naman si Kisha kung dalhin pa ni ate sa meeting.

Hindi sumagot si Liam but instead, he looked at me.

“Okay ate.” Tumayo na agad si ate at ibinigay sa akin si Kisha. Kinuha naman ni Liam ang mga gamit nito kay kuya.

“Mauna na kami. Importante lang talaga ‘to eh. Sorry for the bother.” Hinalikan ni ate si Kisha at lumabas na ang mga ito.

“I already told that couple to hire a nanny for Kisha kasi hindi naman lahat ng panahon may maiiwanan nila pero ayaw. Mahirap daw maghanap ng mapagkakatiwalaan.” Nagpaalam na rin kami ni Liam na mauuna na dahil may pinag-uusapan pa si tito at si daddy. Laila is just talking to Alexa while waiting.

Tahimik lang ang naging biyahi namin papunta sa unit niya. Inalalayan niya pa ako sa pagbaba dahil tulog na si Kisha. Siya na rin ang nagdala ng gamit nito at ng bag ko.

Inilapag ko kaagad si Kisha sa kama namin ng makapasok kami. Si Liam naman ay nagtungo agad sa study room, maybe he will read those advance study guides nila. Naligo ako at nagbihis ng pambahay. Inayos ko muna sa gitna ng kama si Kisha at hinarangan ang magkabilang gilid nito ng mga unan namin bago lumabas sa silid para maghanda ng pagkain.
Natapos na akong magluto ng hapunan namin, it’s already 7. Hindi ko alam kung anong oras kukunin ni ate si Kisha.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatawagin ko si Liam o hindi pero sa huli ay tinawag ko na rin ito para kumain.

Kumatok ako sa pinto ng study room but he is not answering so I decided to open it slowly. Baka makaistorbo ako. He shifted his gaze from his laptop to me. He raised his brows when he noticed that I am just standing at the door.

“You’re allowed to enter without knocking.” He said as if he is scolding me.

“Dinner’s ready.” Maikli kong saad sa kanya.

“Sabay na tayo.” He immediately closed his laptop and walk towards me. Umatras naman na ako para makadaan siya sa pinto. I closed the door when he is already out and followed him towards the dining.

“Kisha’s asleep?” sinulyapan niya ang pinto ng kwarto na iniwan kong nakabukas lang.

“Yes. Iniwan kong bukas ang pinto dahil baka di ko marinig kung umiyak siya.” Kinuha niya ang lalagyan ng kanin at linagyan ang plato ko. Simula pa noon, may mga galaw talaga si Liam na nakasanayan ko na. During meals, he wil always fill my plates first before his. Unless, I’m already eating when he arrive. Kapag nandito din ako, gusto niyang pinipilian ko siya ng damit. I wonder if he does that to Tatiana too.

Tahimik lang kami habang kumakain. Umiinom na lang ako ng tubig ng tumayo siya. Sakto namang siyang pag-iyak ni Kisha sa kwarto.

“Ako na.” nag-offer agad siya. I just nodded at him.

Nagligpit na din agad ako ng mga pinagkainan namin at lininis ang kusina. Nang matapos ako ay tinungo ko na agad ang  kwarto. I saw Liam lying on the bed next to Kisha. He is still holding the milk bottle in his hand which is protectingly draped over Kisha’s body. Tulog na silang dalawa.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now