Chapter 30

243 5 0
                                    

“Hoy Reese, sobra naman na yata ‘yan ah. Nagiging free ka lang kapag iniiwan namin sayo si Akilah. Pero kapag inaya ka na mag-outing o gumala, agad-agad may rason!” inis na saad saa kin ni Ash ng dumating siya dito sa bahay.

Kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa kanila magTagaytay pero sadyang duty ko nga mamaya.

“Duty ko nga mamaya!” sigaw ko sa kanya. Nasa loob ako ng bathroom habang siya naman ay nasa kwarto ko.

“Eh kung sunugin ko kaya ‘yang hospital niyo?!” inis na talaga siya dahil may binato siya sa pinto ng bathroom.

“Hoy ‘wag ka ngang manira ng mga gamit diyan!” natatawa kong saad.

“Reese naman, it’s almost 6 months. Sina Lauren nga eh nakakasama sa amin, sina Yohan sasama din daw. Sabi ni Sally, makakatanggap ka na raw talaga ng award nito. Ikaw na ang most hard working doctor. Hindi ‘yan nakakaganda Reese!”

“Diba sabi ko ay sasama na ako sa inyo sa susunod. Nag-aya si Lauren, remember? Doon ako nag-oo!” narinig ko pa ang pagdadabog niya at pagsasalita bago lumabas. Nasa labas yata si Brent.

Last duty ko na ‘to for night shift.
Naging maayos naman ang trabaho ko ng buong lingo kaya’t wala na talaga akong excuse ng mismo sina Lauren, Sally at Aemie na ang pumunta sa akin matapos ang duty nila para siguruhin na makakadalo ako bukas.

“Oh kanino ba talagang anak ‘yan?” natatawang bungad sa amin ni Yohan.

“Akin, syempre. Pero mas gusto niya si Reese. Ewan ko anong pinakain.” Nagtawanan naman ang mga kasama namin.

Kami pa lang ang nandito, wala pa ang mga lalaki. Mas gugustuhin ko nga yatang wala na lang sila.

Nalibang lang kami sa catching-up namin. Yohan and Neil are together na pala. Si Tiffany naman ay nililigawan pa daw si Vince. Talaga lang ha, siya na daw manliligaw kasi pahard-to-get daw ito.

“Palitan ko lang diaper nito.” Paalam ko sa kanila, si Ash naman ay umalis din.

“Kapag may mga anak na kami, sayo namin ipapaalaga.” Natawa lang ako sa kanila at tumayo na.

“Reese, ako na bahala kay Akilah. Parang kayo na ‘tong mag-ina eh.” Tinawag ako ni Ash ng makita niyang karga-karga ko si Akilah papunta sa sasakyan ko.

“No, ako na Ash. Pumunta ka na doon at babalik din kami. I’ll just change her diapers.” Anak ni Ash si Akilah pero parang anak ko na rin ito. For 2 years, we stayed together in New York, hindi pa kami nagkakahiwalay ever since.

“Kaya talaga ikaw pinipili niyan eh, sayo na lang yan? You’re so good at handling kids, pwede ka nang mag-asawa. Ooops may asawa ka na nga pala.” biro niya pa bago naglakad pabalik sa mga kabatch at mga kaibigan namin na nagkakatuwaan. Lauren invited us for some get together.

We’re friends during college. We’ve been here for 6 months at ngayon lang kami nagkaroon ng oras para magtipon dahil pawang may mga trabaho kami. After I changed Akilah’s diapers, I walked towards the group again.

“Doc, long time no see. Until now, ikaw pa rin ang favorite niya ah.” I turned to face Brent, Akilah’s father.

“Hey baby, daddy’s here.” Akilah is turning 3 years old, this coming June. She just looked at her dad and hugged my neck again. Brent chuckled.

“Minsan talaga, naiisip namin ni Ash na di siguro siya namin anak. Kung di lang nagmana sa ina, talagang masasabing anak mo siya eh.” I smiled, sasagot pa sana ako ng may grupo ng mga lalaking pumasok, and one of those guys is my husband, my so-called husband. Ngayon pa lang kami ulit nagkita after that incident in the hospital and in outreach program.

Simula nang ikasal kami, parang naging isang malaking grupo na ang mga kaibigan namin. Some of the boys are already husband or boyfriend of my girl friends. After almost 5 years, we’re here face to face. I mean 'yong talagang magsasama ng medyo matagal. Ito din ang isa sa mga iniiwasan ko eh, ang magkita kami. The wounds are still fresh for me. And the are all part of the wound.

“Doc Reese! You’re here!” nag-unahan sa pagbati at pagyakap ang mga ito. Only Liam stood still. Agad akong sumabay sa iba sa pagpasok. Doon ko pa naramdaman ang paggaan ng pakiramdam ko, kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga.

“Reese, you left your phone, kanina pa yan ring ng ring. Sa hospital yata kaya di ko pinakialaman.” Hindi pa ako nakakaupo ay ‘yon na ang ibinungad sa akin ni Ash.

My phone ring again, sa hospital nga iyon. I answered immediately, still carrying Akilah. Sinusubokan naman itong kunin ni Ash sa akin pero ayaw kaya’t habang sinasagot ang tawag at lumalayo ng konti ay karga ko siya.

“Hello, Dra. Suarez speaking.” Yes, I am still a Suarez. Kahit ilang buwan na ako dito ay di pa rin ako nagkalakas ng loob na kausapin siya tungkol sa annulment namin. It’s been years at dahil nandito na ako, pwede na namin itong asikasuhin.

“Doc, may emergency po. One of Doc Abellana’s patient is having a seizure. Ikaw po ang doctor
-on-call sa leave niya.” Hys, call of duty.

“Give the patient essential meds and first hand aid, I’m on way. Prepare his records.” I immediately down the phone.

“Ash, I have an emergency at the hospital.” Ibinigay ko sa kanya si Akilah na nagsimulang umiyak agad.

“Diba day-off mo ngayon, Reese?” tanong ni Lauren.

“Doc Abellana is on leave, ako ang on-call. Sorry guys.” I did not bother to glance back again dahil iyak na ng iyak si Akilah. I was busy running through my bag for the keys when I bumped into someone along the way.

“Sorry-“ I stop midway when I saw who it was. Pati ang mga nasa garden ay napatayo dahil nahulog pala ang dala nitong wine at mga baso.

“Careful.” Instead of helping him get the glasses na hindi naman nabasag dahil sa damo nahulog, I ran towards my car dahil nagring na naman ang phone ko at mula sa hospital ito.

God, wala pa ring nagbago sa kanya. Kung meron man, it’s just his manly features, it became more mature. Hindi ko man lang ito napansin sa ilang beses naming pagkikita, ngayong lang ng sobrang lapit na talaga namin sa isa’t isa. I glanced at my ring finger, nandoon pa rin ang wedding ring namin, and kung hindi ako nagkakamali, suot niya rin ang sa kanya. Oh my God.  Bakit nga ba suot ko pa rin ito?

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now