Chapter 16

201 6 0
                                    

“Ayaw ko na! Pagod na pagod na ako! Ayaw ko nang maging doctor!” kanina pa reklamo ng reklamo si Yohan dahil pagod na pagod na daw siya.

It’s already finals, after this one semester is over. It’s been months since we talked. Nagkikita pa rin naman kami ni Liam minsan. Kapag umuuwi ako sa unit to get some things, kapag may mga salo-salo kasama mga pamilya namin, at kapag nandito kami sa school. Pero lahat ng mga pagkikitang ito, hindi kami masyadong nag-uusap. Minsan lang naman din kung madatnan ko siya sa unit, minsan nga tulog pa siya. Sa apartment na naupahan ko na ako tumutuloy, wala namang reklamo ang mga parents namin. Kapag kasama naman namin mga pamilya namin, wala naman kaming imikan at minsan naghihiwalay pa kami dahil sa pakikipag-usap sa mga kasama. Kapag nandito naman sa school, di naman kami masyadong nagkakalapit, nagkikita lang dahil dumadaan talaga kami sa harap ng room nila.

“Cafeteria tayo! We still have 2 hours left for break oh! Buti pa sina kuya, tapos na lahat ng exam. Bakit ba kasi iniba pa ang mga sched natin!” inis na saad din ni Tiffany. Natatawa na lang talaga ako sa dalawang ‘to.

“Kung hindi iniba, mahihirapan po tayo. Lahat ng subject ang hihirap at may mga practical exams pa lahat. Namumuro na sila sa atin ah.” Napatango na lang dalawa sa tinuran ko.

“Kain na lang kasi tayo.” Tumayo na talaga si Yohan mula sa pagkakaupo sa sahig ng kiosk.

“By the way, ang hot mo ngayon Doc Reese. Fitted blue pants, sleeveless black top, flat sandals, and a doctor's coat? Ba’t ang hot mo tingnan samatalang kami, parang mga pasyente sa mental, instead of being a doctor.” Natawa ako sa tinuran ni Tiffany. Kung ano-ano na lang talaga ang makita nito sa akin. Hindi naman totoo na para na silang mga pasyente sa mental. Ang gaganda rin kaya nila.

“And her hair Tiff, naiingit ako kasi hindi nagugulo. I mean, tingnan mo oh. Nakamessy bun pero ang ganda pa rin. ‘Wag na nga natin ‘yang isama. Nakakainsecure naman.” Di na ako nakatiis kaya’t napahagalpak na ako ng tawa at binatukan ko na sila isa-isa.

“Tayo na nga.” Nagtatawanan pa rin kami habang naglalakad papunta sa cafeteria. Nasa labas na naman ang grupo nina Liam at parang ang sasaya na ng mga ito.

“Oh my, nandiyan na naman ang mga asungot.” Bulong ni Yohan sa amin. Napairap na lang din si Tiffany ng makita niyang nakatingin na sa amin ang mga ito.

“Hi girls. Saan punta niyo? Hi doc Reese, pwede magpagamot ng kaibigan ko? Para kasing may PMS kahit lalaki siya.” Natawa naman ang mga kasama nila ng pasimpleng balingan pa ni Evan ang tahimik na si Liam sa gilid. Napairap na lang ako dahil sa mga kalukuhan niya. Since that day na nag-usap kami ni Liam, wala ng issue pa na lumabas sa mga gossip sites. Naging tahimik ang mga ito dahil di na nakikita sina Liam at Tatiana na magkasama. Though may time na tinanong si Tatiana kung bakit nag-iisa siya sa isang ball na dinaluhan, di na ito nakasagot ng biglang dumating si Brent at sinabing siya ang kadate ng kapatid.

Liam is also posting pictures of us taken during those family gatherings we attended. Minsan stolen pics, minsan naman kapag nagseselfie siya na napipilitan ako sumama.

“Funny. Tara na nga.” Inirapan ni Yohan ang kapatid at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pero hindi pa man kami nakakalayo ay may tumawag na sa akin. It’s our classmate.

“Miss Therese, pinapatawag ka ni dean.” This time, napairap na talaga ako ng todo dahil alam ko na kung ano ang pakay nito.

“Kapag ako inalok na naman, sasapakin ko na talaga si dean.” Naiinis na saad ko. Natawa naman ang dalawa dahil sila lang ang may alam about sa offer na ito.

“Hintayin ka na lang namin dito Reese.” Saad ni Yohan.

“No, mauna na kayo. Order for me please.” Nagmadali na agad akong umalis at nagbalik sa building namin, demeretso agad ako sa office ni dean.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now