Chapter 38

246 6 0
                                    

"Doc Suarez, break po. Cafeteria?" Yaya sa akin ng mga kasama kong nurse sa ER. Dalawa kaming doctor ang nakaduty ngayon dahil day-shift ako. Tapos na rin siyang kumain.

"Doc, cafeteria muna kami." Tumango lang ito. He is already in his early 50s kaya't mahinhin kaming lahat gumalaw. Naiwan naman ang ibang nurse na nauna nang magbreak kanina.

"Nakakatakot talaga si Doc Santos kasama sa duty. Parang isang mali mo lang, masisigawan ka na." Natatawang saad ni Ann. Isang nurse na nakasama ko na rin sa common ward.

"Matanda na kasi." Saad naman ng isang lalaking nurse.

Malapit na kami sa cafeteria ng biglang umirit ang mga kasama kong nurse na babae.

"Tumigil nga kayo, asawa yan ni Doc Suarez." Napaangat ako ng tingin sa lalaking nakapamulsa sa may entrance ng cafeteria. Liam, on his baby blue dress shirt, black slacks, and black shoes, stand proudly. Pinagtitinginan na siya ng mga nurse at doctor na kumakain sa cafeteria ngunit hindi niya man lang nahahalata o napapansin ang mga ito.

What is he doing here?

"Hinihintay ka yata doc. Mauna na kami? Orderan ka na lang ba namin?" Kinikilig na saad ni Ann.

"Yes please. Veggies and rice." Nakatingin na si Liam sa amin ngayon. He smiled at me when I reach near him.

"Hi." He kissed me on my cheeks, I just let him dahil ayaw kong pag-usapan pa kami lalo.

"What brings you here?" Casual na saad ko.

"Dumaan lang. I met with a client near here. I asked the guard if saan ka, and you're in the ER. I just waited here since it's lunch time. Tiyak pupunta ka dito." Nakangiti nitong saad.

After the family day we had in our house, hindi na kami nagkita pang dalawa. It's almost a month then. Minsan nag-aaya sila nina Ash ng night out pero hindi ko na pinapaunlakan. Nakikita ko sa mga post nila na tinatag ako, naroon si Liam.

I also filed an appeal for annulment pero ilang linggo na at wala pa rin akong natatanggap na response.

"I mean, may pasyente ka ba dito? Perhaps, a companion?" He chuckled, making me cringe.

"I just want to see my wife." Maraming nakarinig sa amin kaya't nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Don't make issues Liam. You can go, and please don't do nasty things. Baka pag-usapan na naman tayo." Mahina kong saad, sapat lang na marinig niya.

"What? It's true. Bakit? Hindi na ba kita asawa ngayon? If I'm not mistaken, you are still addressed as Doctora Suarez. I'm sure Suarez is not your maiden name. Hindi kita kadugo." He smirked at me.

"Doc Suarez! Oh hi Attorney. Lunch?" Napabaling ako kay doc Abellana na kakapasok pa lang. God! Can these things get any worse?

"If my wife wants to Doc." Liam said playfully.

"Dito mo na lang pakainin doc Suarez, lunch time na." Nauna nang pumasok si Doc Abellana at doon pa talaga umupo sa table nina Ann.

"Gosh. Halika na nga!" Natatawa siyang sumunod sa akin papasok.

"Doc, we already ordered food for you." Masiglang saad ni Ann.

"Sasamahan ko lang muna si Liam bumili ng pagkain. Thank you." Saad ko at hinila na siya papunta sa counter.

"Hindi halatang inis ka sa akin ah." Natatawa pa ring saad niya at tiningnan ang kamay kong nakahawak sa palapulusuhan niya.

"Just order food, eat and then leave." Malamig kong saad. Hindi naman kami narinig ng mga nasa counter dahil busy sila. May mga bumati pa sa akin at binati na din si Liam. I bet he's famous huh.

"Ang sweet naman ni Attorney. Nag-aadjust kay doc." Saad ni Ann ng kumakain na kami.

"I have a flexible time and I usually have meeting just around here. It's not a bother to drop by here for a little moment." Masaya niyang saad.

"That's good Attorney. Kahit maging busy sa trabaho, dapat isa sa inyo ang mag-adjust. Iba pa rin talaga ang magkasama kayo kahit araw, kaysa sa gabi lang. Minsan kasi tulog na pag-uwi ang isa sa inyo diba? I understand why you don't still have a baby until now. But your age are not dropping low, better have yours now para mas madaming magawa." Naubo ako dahil sa mga pinagsasasabi ni Doc Abellana. God! They really think we're together huh. Hindi ba sila nakabalita ng mga issues noon na naghiwalay kami?

"We're already planning for that doc." Natatawang saad ni Liam.

I glared at him after I drank the water I have.

Natatatawa lang siyang tiningnan ako at nagpatuloy na sa pagkain.

Nang matapos kami ay sabay-sabay na kaming naglakad palabas ngunit inihatid ko siya papunta sa sasakyan niya. I dragged him outside because of irritation.

"What the hell was that for Liam?! Don't play mind games to my colleagues! Stop making them think that we're still together dahil matagal ng hiwalay tayo." Inis na saad ko ng nasa harapan na kami ng sasakyan niya.

"We're still married and that's the truth Margareth." He held my hand and showed me my rings. Ipinakita niya ring ang singsing niya.

"As long as these rings remains in our fingers, we are together. At mawawala lang 'tong mga 'to kung maaannulled na tayo. There will be no annulment that'll happen Margareth." Matigas nitong saad.

"How dare you! Kaya ba wala pa rin akong natatanggap na response dahil sa hindi ka nakikipagcooperate?! Damn you Liam!" Galit na saad ko sa kanya. I don't care if people will hear us.

"Yes. Walang annulment na magaganap." Aalma pa sana ako ng marinig kong pinage na ako ng ER.

"You better go, duty mo pa. Mag-usap na lang tayo ulit." He kissed me on my cheeks again. Mabilisan niya itong ginawa at sasampalin ko na sana siya ngunit nakapasok na siya sa sasakyan.

Nag-aalburuto akong pumasok sa ER. Damn him, usap ulit? In his dreams! Kainis siya!

Parang walang nagawang kasalanan noon. Parang walang babaeng pinoproblema ngayon! Parang walang Maureen! Damn him! Damn him! I'm so pissed at him. Bakit ba nagpaparamdam na naman siya?! Uggh! I don't wanna get hurt again...

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now