Nagising ako sa lakas ng pag-iingay ng phone ko. I reach for it in the side table. Ilang missed calls na rin pala ang naroon, lahat mula kay mommy.
"Mom! I'm sorry, I over slept!" Natataranta kong saad. I felt Liam stirred beside me.
"Nasaan na ba kayo? Aren't you two going to attend the conference? It's almost 1 o'clock." Napatingin ako sa orasan na nasa dingding.
"Mag-aayos lang kami mom. Nakatulog din kasi si Liam. Akala ko hindi na kami kasali." Bumangon ako. Si Liam naman ay tinalikuran lang ako at natulog yatang muli.
"Just wear a beach dress. Hindi formal ang conference. Alam na 'yan ni Liam." Ibinaba ko na agad ang tawag at hinarap na si Liam.
"Liam. Wake up. Malelate na tayo." He just covered his whole body with the comforter. Aba't!
"Attorney Suarez, kailan ka pa naging ganyan? Where's the attorney Suarez who values panctuality so much?" Hinila ko ang kumot ngunit dinaganan niya yata ito.
"Liam, iiwan kita dito. Bahala ka." Doon pa siya bumangon agad. He glared at me.
"Huwag mo akong dramahan. Get up! Order lunch for us, maliligo lang ako." Tinalikuran ko siya at kumuha na ng towel sa closet.
"Sabay tayo." I immediately glared at him.
He smiled defensively.
"Sabay tayong pupunta doon. Sabay maliligo? Better luck next time attorney. Doon ka sa Maureen mo." I smirked when his lips twitched into a frown.
"I already told you, we're not a thing." He said, now serious again. His suplado mode on.
"Whatever." Akala ko magsasalita pa siya ngunit bumuntonghininga lang ito at kinuha na ang telepono para makatawag sa resto ng resort.
Naligo na lang din agad ako. Pagkalabas ko ay siya naman at ako na ang naghanda ng mga pagkain namin. Nakita ko sa balcony na may table at dalawang upuan kaya't doon ko na inihanda ang mga pagkain namin.
I choose a floral beach dress and partnered it with my one strapped flat sandal.
Basang-basa pa ang buhok niya ng lumabas siya ng banyo ngunit nakabeach shorts na siya.
"Let's eat. Late na yata tayo sa conference." Saad ko. Tumango lang siya at naupo na sa upuan. Really? Ano na namang problema nito.
"Let me dry your hair. And where's your shirt?" Itinuro niya lang ang closet niya. Kinuha ko ang towel sa kanya kahit na pinigilan niya ako. Pinunasan ko ang buhok niya na medyo mahaba na.
Kumuha ako ng isang puting polo sa closet niya. Binato ko ito sa kanya at isinuot niya naman.
Tahimik kaming kumain. Tahimik din kami papunta sa venue ng conference na nasa isang open resto pala. Hindi pa rin kami late, kakaumpisa pa lang at panay pa ang acknowledge ng emcee sa mga dumadating. Realization dawned on me when the usherettes welcomed us with a lei and the emcee acknowledged our presence.
"Let us all welcome Attorney Liam Ezekiel Suarez with his lovely wife, Doctora Therese Margareth Gozon-Suarez." Nagpalakpakan naman ang lahat. His arm snaked into my waist while we pose for some pictures and greeted some people while we walked towards our family's table.
"What a grand entrance you have there. Sana nagpalate pala tayo babe." Saad ni Brent.
"Gago." Mahinang mura ni Liam kaya't siniko ko siya.
"Under." Saad naman ni Brent.
"Ikaw." Natawa naman si Ash ng hindi na makapagsalita si Brent. Akilah waved at me from the other table, kasama nito ang lola niya na kinakausap ang ibang mga kakilala. Si Kisha naman ay nakikipaglaro sa ibang mga bata.
"Liam," he glance at me.
"Oh anong binubulong-bulong niyo diyan?" Pang-asar ni Ash.
"Parang nabaliktad na ah. Kailan lang, si Reese ang hindi nagsasalita. Ngayon ikaw na naman pre ang pakipot? When did the table turns?" Nagtawanan ang mga kasama namin sa mesa.
"Stop it, you two." Saway ni Ate Lindsy sa dalawa.
Hindi ko na lang siya kinausap pang muli dahil hindi niya na talaga ako pinapansin. Ano na naman bang problema nito.
Naging madali naman ang oras dahil sa dami ng mga pinag-usapan sa conference. I was even asked to have a small talk lalo na't ang mga matatandang dumalo ay maraming tanong about their health. Hindi man inline sa business ang pinag-usapan, naging masaya naman ang lahat lalo na't naging filler lang ito hanggang sa maiserve na ang dinner. Nanatili lang naman si Liam sa table. Nakita ko pang linapitan siya ng iilang kababaihang kakila ngunit tanging pagtango lang ang iginagawad nito sa kanila. After the health talk with me, isinerve naman na ang dinner.
"Anong problema niyang asawa mo?" Bulong sa akin ni Ash. Kami na ngayon ang magkatabi dahil lumipat si Liam sa tabi ni Brent at kuya Franco.
"Hindi ko alam. Sinabihan ko lang naman siyang doon na lang siya kay Maureen niya." Nagkibit ako ng balikat pero nabigla ako sa lakas ng hampas ni Ashleah sa akin.
"The hell. Anong problema mo?"
"Syempre. Nagtatampo 'yan kasi ipinamimigay mo. Alam mo bang nalasing 'yan ng nakaraan sa condo at umiyak dahil sa frustration? Alam mo bang may kaso ang pamilya ni Maureen ngayon na hindi niya tinanggap at dahil may kontrata siya sa pamilya nila, nagbayad siya ng danyos dahil pwede siyang kasuhan ng mga ito? Mag-usap nga kayo!" Inis na saad ni Ash. Nabigla naman ako. Nakita kong sinulyapan ako ni Liam.
"Bakit?"
"Anong bakit?! Huy Therese Margareth, ewan ko na lang sayo. Basta mag-usap kayo." Tumayo na si Ash at bumalik sa upuan niya kaya't napilitan si Liam na bumalik sa tabi ko.
Tahimik lang kaming kumain ngunit kitang-kita ko na hindi niya halos ginalaw ang pagkain niya. He ordered whiskey sa waiter. Pang-ilang baso na nila ni Brent at Kuya Franco ng napagpasyahan kong pigilan na siya.
"Liam." He glance at me at the middle of Brent's talk. Hindi naman natinag ang isa dahil nakikinig naman si Kuya Franco. It's almost 9 PM na.
"Let's go. I'm sleepy." He glance at his wrist watch. Nakita ko pa ang pagtataka niya. He knows I'm used to being up late pero hindi na siya nakipagtalo.
Nagpaalam na kami at tinukso pa talaga kami ng mga kasama namin kaya't napabaling naman ang ibang malapit sa mesa.
"Gawa na kayo ha. Gusto na ni Kisha at Akilah ng baby sister or baby brother." Tukso ni Ash. I just laughed with them. Si Liam naman ay tahimik lang sa likod ko.
"Suyuin mo na Reese at baka lumabas pa 'yan mamaya kung tutulogan mo lang. Baka ubusin ang whiskey dito sa resort." Gatong pa ni Brent.
"Gago." Mahinang mura ni Liam.
Hinila ko na lang siya at umalis na kami agad sa venue. Mapanuksong mga mata ng pamilya namin ang naghatid sa amin palabas kaya't hindi ko napigilang mapangiti habang naglalakad.
YOU ARE READING
It Started Without Love
RomantizmWhen it started without love, will it end the same way? Or will it end differently? ~SubUrbanLady 🌸