CHAPTER 18

264 4 0
                                    

CHAPTER 18

Reen's P.O.V

Maganda ang field na ito. Lumapit ako sa kulay balat na kabayo.

"Hi!" Mahina kong bati dito at hinawakan ang ulo nito

Maganda ang lugar at very relaxing dahil hindi matao at walang maiingay na sasakan. Malamig din ang hangin na dumadampi sa balat ko.

"Ma'am iyan eh si Browny. May sakit ho iyan. Siya ang pinakamabait na kabayo sa kanilang lahat eh." Saad ng isa pang matanda na kasama ni Mang Juan "Ako ho pala si Jerry." Pakilala nito.

Naalala ko tuloy ang matandang lalaking kapit bahay namin noon ni Lola.

"Huwag niyo na ho akong tawagin na Ma'am. You can call me Kaithreen." I said at binalik ang tingin kay Browny "Anong sakit niya?" Tanong ko habang ang mga mata ay hindi tinatanggal sa kabayo

"Malabo ho ang mata niya at hindi maayos ang takbo dahil sa malaking sugat sa paa."

Sugat? Inaninag ko ang paa niBrowny. Nakita ko ang isang malaking tahing sugat.

"What happen?" Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa kabayo

Hindi ako mahilig sa hayop dahil weapon ang paborito ko ngunit nang makita ko itong si Browny ay nawala ang lahat ng problema at ala-ala ko.

"Noong pinanganak ho kase si Browny ay nagkaroon ng implikasyon sa kanyang paa eh." I nodded nakita ko sa peripheral ko na tinawag siya ng binatang kasama at umalis

"I hope gumaling ka na. At kapag gumaling ka na I promise sasakyan kita, Browny kasama an taong mahal ko." I whispered while tapping his head and kiss him.

Zeron's P.O.V

Nakatingin ako kay Kaithreen na hinalikan ang kabayo sa ulo. I secretly smile when I saw her sweet side.

Argh! I don't know this feeling.
I avoid my eyes when he turn around.

"Mang Juan, do we have grocery here?"

"Aba e, Wala nga." Tumango ako at lumapit sa kinaroroonan nila Crei at Selena.

"Sasama ba kayo sa bayan?" I asked tumango ang mga ito at sumunod sa akin palabas ng kubo.

Reen's P.O.V

I glance on my wrist watch. Hapon na pala. We are now walking. Pupunta muli kami sa bayan na tinigilan namin kanina upang kumain ng pananghalian.

Nang makarating ay bumili na ng pagkain si Zeron kasama ang kapatid na babae nito.

"Are you okay ?" Crei asked so I nod

"I want to go here again with my man."  I answered nowhere

"Sure. Ipapaayos pa namin ang daan para hindi na maglakad ang pupuntang turista." Hindi ko ito pinansin dahil nakuha ng tensiyon ko ang dalawang pamilyar na pigura.

Totoo ba ang nakita ko? O namamalik-mata lang ako?

Paano naman sila mapupunta dito? Except if they new that I'm- oh shit!

Humarang sa tinitingnan ko si Zeron. Tsk. Bullsh*t! Humarang pa.

Nagpakad ako bahagya upang makita ang dalawang taong nakita ko ngunit wala na ito. Siguro nga ay namamalikmata lamang ako.

"Gusto mo ba ng lugaw, Reen?" Umiling ako at hinayaan ang mata ko sa paligid.

"What's your problem?" He whispered

"Nothing" huminga ako ng malalim at saka tuminhin sa kanila.

May hawak-hawak na bayong si Zeron. Ando'n na siguro ang mga pinamili nila.

"Aba e,  Doktor kayo pala e narito." Bato ng isang lalaki kay Crei

"Oho. Bonisita ko lang ang aming business. Bukas ay bibisita ako sa clinic."

Nagpaalam na ang dalawa sa isa't-isa.
Paalis na kami ng makarinig ako ng tanong ng isang ginang hindi kalayuan sa aming lugar.

"Kasamahan ba kayo nina Doctor at nung isang lalaki at dalawang babaeng turista?"

"Ah hindi ho." Sagot ng isang pamilyar na tinig.

Shit! Hindi nga ako namamalik-mata. They're here. Fvck.

"Reen!" Tawag ni Crei malayo na sa akin posisyon

Sumunod agad ako sa kanya.

"I'm not ready to face the two of you." Mahina ngunit mariin kong sagot

Selena's P.O.V

Tumigil kami dahil tumigil si Crei napansin namin na hindi sumunod ang kapatid nito kaya naman tinawag ito ni Crei. Bakit kaya natulala iyon?

"Are you okay?" Kanina ko pa naririnig na nagtatanong si Crei kung ayos lang ba ang kapatid nito. Ano bang problema sa kapatid noya? May hika ba siya? Then bakit sinama niya pa? Gosh!

"Y-Yeah." Nakatulala pa rin itong sagot

'Ano bang nangyari sa kanya?'

Tiningnan ko si Kuya Zeron when I saw him staring at Kaithreen. Ngayon ko lang nakita ang mga mata niya nagalala dahil hindi naman ganyan iyan sa akin.

Crush niya ba si Reen? Gosh! Kuya Zeron nagbibinata ka na.

Gaya nga ng sabi ng aking Kuya ay tatlong araw daw kami rito at ang matindi pa ay nasa iisang bubong lahat kami. Gosh!

Dumating ang hapunan at ang nagluto ay si Aling Lucia. Asawa siya ni Mang Juan. Kasabay namin silang kumain.

"Ser, Ma'am. Eto nga pala ang anak namin na si Jeff." Pakilala ni Mang Juan sa binatang kasama nila kaninang tanghali

Tumango lang sila kaya ginaya ko na lang and smile. Napansin ko na kanina pa siya nakatingin sa akin. Problema nito?

"Ehem" lumingon ako kay Crei na umubo epek pang nalalaman halata naman na peke.

Natapos ang hapunan at si Aling Lucia sana ang magliligpit nang inoffer ni Reen na siya na raw ang manghuhugas ng plate. Alangan naman magoffer ako edi nabasag lang lahat iyan sa akin.

Lumabas ako ng bahay at nagpahangin. It's already 9 in the evening at maliwanag ang buwan. I already charge my phone in our room. Magkasama kami sa iisang kuwarto ni Reen. Samantalang ang dalawa ay hiwalay.

Ang ganda ng buwan. Naglakad pa akohanggang sa makarating sa field na tinatakbuhan ng kabayo. Grabe ang ganda talaga kapag gabi dito.

She's My Queen Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon