CHAPTER 33

268 5 0
                                    

CHAPTER 33

SELENA P.O.V

"Lichan?"

"We know him. You know him, Selena." Seryosong sabi n'ya.

Naguguluhan ako dahil sa sinasabi niya. Kilala ko si Crei? Kailan? Saan? Nalilito ako dahil sa sinasabi niya at bakit ganito na lang ang kanyang reaksyon?

"Lichan, naguguluhan ako. Hindi ko siya kilala. I mean...nakilala ko lang siya after he help me in the rapist guy." I explain.

"Selena, galing si Crei sa Emerald Hospital bago siya mag paris. He's a doctor. A professional one. Naging classmate siya ni Hamsel noong college tapos ay naging magkaibigan sila. Hindi puwedeng hindi mo siya kilala dahil sikat at kilala siya ng lahat. He's famous."

Professional doctor? Bakit hindi ko nakikita na isa siyang professional doctor? Mas lalo na noong nasa Batangas kami. Maraming nangangailangan ng tulong that time pero nakatayo lang siya. Nakatulala.

May nababalitaan ako na sikat na doctor pero hindi ko iyon pinapansin that time dahil focus ako sa pagduduty ko. Ang alam ko lang sa doctor na iyon ay marami daw itong naisalbang pasyente mas lalo na ang rare case na sakit.

"Sabi mo ay magkaibigan sila ni Hamsel. Pero bakit parang my gap between the two? Hindi nga sila naguusap." Bumuntong hininga siya at naramdaman kong mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Selena, magkaibigan sila noon ni Hamsel noong college nila. Nakilala nila ang isang babaeng nagngangalang Jaezel. They're all close to each other hanggang sa...ma inlove si Crei kay Jaezel." I felt sad.

"T-Tapos?" Kailangan kong malaman lahat. Kahit ayokong marinig ang sinasabi niyang pagmamahal ni Crei sa babae. Huminga siya ng malalim at binitiwan ang kamay ko.

"Jaezel also love Crei at naging sila for many years. Na inlove din si Hamsel kay Jaezel ngunit mahal nga ng babae si Crei. Hindi naging hadlang si Hamsel sa pagmamahalan ng dalawang kaibigan niya. He support Crei and Jaezel relationship. Hanggang sa naging doctor na talaga sila." Ngumiti siya ng pilit. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon niya. Kakaiba siya magk'wento ngayon kaysa sa dating gawi niya.

"Then where's the girl? Nasa New York?" I asked dahil wala naman kasamang babae si Crei. So meaning to say, ayaw ni Lichan kay Crei para sa akin dahil may Girlfriend na ito. I understand. Ayoko rin naman maging kabit.

Pumatak ang luha ni Lichan na siyang ikinagulat ko. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.

"S-Selena, C-Crei's g-girlfriend i-is d-died...cause...of her...death is...leukemia." she cried at humagulhol ng iyak. Bakit ganito siya mag react? Bakit sobrang sakit para sa kanya? I hug her.

Ibig sabihin ay patay na ang girlfriend niya. Nakaramdam ako ng sakit sa bandang dibdib. Mahirap nga naman iwanan ang taong mahal mo. She's died because her leukemia. That was so bad. Kaya pala ganoon na lang ang pagiging cold niya dahil sa girlfriend niya. Siguro ay mahal na mahal niya ang babae.

Unti-unting humina ang iyak niya. She wipe her tears at lumayo na ako. She face me.

"Why are you so affected, Lichan?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Ngumiti siya ngunit nandun pa rin ang sakit.

"Because Ate Maria Jaezel Salvacion is my first cousin." She answered na siyang ikinagulat ko.

We have the same first name. Kaya ba ganon na lang ang tawag ni Hamsel at Crei sa akin dahil sa babaeng kanilang minahal. Kaya pala bawat banggit nila ng first name ko ay may sakit akong nararamdaman. Nice! Gusto ko umiyak dahil sa nalaman ko. Kaya lang ay ayokong ipakita kay Lichan na affected ako. Mas nakakagulat pa na ang babaeng iyon ay first cousin pa ng bestfriend ko. Small world talaga.

'Lianna Salvacion Chan, bakit ikaw pa ang cousin niya?'

At base sa nakikita ko ay hindi pa sila nakakamove on. Paano nga ba sila makakapagmove on Kung mahal pa nila. Ngumiti ako kay Lichan at hindi pinahalata ang lungkot na aking nararamdaman.

"Condolence. I didn't know." I answered at tanging katahimikan ang bumalot sa buong silid.

Siguro ay hindi na dapat ako mag tanong sa kanya. Kung kilala siya sa Emerald Hospital siguro ay kilala rin siya ni Vince. Sa kanya na lang ako magtatanong. Gosh!

"It's okay. It almost four years na rin naman eh. Selena, hindi ako hadlang sa pagmamahal mo kay Crei but...but I want you to know na hindi pa siya nakakapagmove on kay Ate Jaezel. Ayoko naman na masaktan ka. Siguro ngayon ay unti-unti na siyang nakakalimot dahil napapansin ko na sa'yo ang atensyon niya. But I swear. Wala pa siya naging ibang girlfriend dahil hindi siya maka move on kay Ate Jaezel." She said and I felt hat she's really worried.

'How about the curve of her lips? Talaga bang parehas kami ng kurba ng labi?'

Gusto kong itanong iyan but I can't dahil ayokong magisip si Lichan ng kakaiba.

Napapagod na nga ako kanina mas lalo na kong na pagod dahil sa aking nalaman. Nagpaalam na si Lichan na matutulog na. Ako naman ay hindi ininda ang gutom. Nagugutom na ako ngunit wala akong lakas para tumayo at kumain sa baba. Hindi rin ako makatulog. Umikot ako sa kama at panibagong puwesto habang nakatingin sa kisame.

"Ang malas ko talaga. Tiningnan niya kaya ako bilang ako o bilang Maria na siyang mahal niya? Is he kissed me because this is my lips or because it is the same curve of her girlfriend lips? Gosh! Bakit ko pa ba tinatanong? Halata naman na mahal niya pa rin iyon." Kinakausap ko ang sarili ko. Sumama talaga ang pakiramdam ko dahil sa nalaman ko kay Lichan.

Kung naging sila nga at sinuportahan ni hamsel ang  dalawang kaibigan. Bakit may gap sa kanilang dalawa? Hindi man lang sila naguusap at nagkamustahan. Hindi rin nasagot ang tanong ko kanina kung Bakit parang hindi siya Doctor noong nasa Batangas kami? Gosh! Hindi kase ako tsismosa kaya hindi ko siya kilala.

I sigh. Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa buong silid na nagmumula sa bintana. I open my phone. At maraming text ang mga Kuya ko. Pero hindi ko binuksan ang messages nila. Tanging oras lang ang aking tiningnan.

Alas dies na pala at hindi pa ako inaantok. Inayos ko ang buhok ko at lumabas ng silid. I want fresh air.

She's My Queen Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon