CHAPTER 29

250 6 0
                                    

CHAPTER 29

Selena's P.O.V

"Nahihirapan ako huminga, Hija." Kausap ko ngayon ang isang matandang babae. Nakaupo siya sa unahan ko kung saan inililista ko ang mga symptoms at mga nararamdaman niya para matukoy ang sakit. Mahihirap lang sila at walang pera panghospital.

"Araw-araw ho ba kayo nahihirapan huminga? Or kung pagod lang kayo, Lola?"

Lahat kami ay nakaupo sa isang upuan at bawat upuan at lamesa namin ay may kaharap kaming pasyente. Ganito rin ang ginagawa nila. Ililista ang mga symptoms ay bibigyan sila ng gamot at vitamins.

"Kapag mainit ay nahihirapan akong huminga. Nasakit din ang aking dibdib kapag tanghali na at tirik na tirik ang araw." I nodded

"Lola, puwede ho ba kayong mahintay muna? May kausap lang ho kase ang doctor para sa puso. Pupuntahan ko ho muna siya para masabi ang kalagayan niyo."

"Sige, Hija. Bilisan mo lang ha at ako'y naiinip na hahaha..." Tumayo ako at naglakad papunta kay Doctor Vincent.

Nakatingin lang ako kay Crei na busy sa kausap niyang babae. Nakasando Lang yung babae at kita ang cleavage nito.

'Tsk. Ang landi talaga ni Crei.'

Oh, Selena. Huwag mo na lang pansinin ganyan naman talaga iyan. Ikaw nga hinalikan dahil lang nabasag ang plato niya. Tsk. Landi.

Sumulyap ito sa akin kaya naman lumingon ako sa table ni Vincent. Binilisan ko ang paglakad para hindi niya mapansin na nakatingin ako sa kanila kanina.

"Vince!" Tawag ko rito at nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon sa gawi ko si Crei.

Argh, bakit pa ba ako sumusulyap sa kanya? Gosh!

"Darling,  Do you have problem?" He asked habang nakatingin pa rin sa isang lalaking may katandaan na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.

"Good afternoon, Sir." Nakangiti kong bati sa matanda.

"Bagay na bagay kayo, Doktor." Saad nito na siyang narinig din ang iba. Gosh! I smiled.

"Narinig mo, Darling. Bagay daw tayo hahaha." Umiling na lang ako at binalingan ng tingin si Vince. Kinurot ko ito sa tagiliran kaya tumigil ang kanyang pagtawa.

"Ehem..." Kanina ko pa napapansin na malimit umubo si Dr. Hamsel. Lumingon ako sa kanya at ganon na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin siya sa akin. I bite my lower lips at pinipigilang ngumiti. Agad akong umiwas ng tingin.

"M-may pasyente ako sumasakit daw ang dibdib at nahihirapan huminga. What do you think?" Sumeryoso ang kanyang tingin at pananalita. Ganito si Vince kapag usapang pasyente na. His serious.

Lumingon ito sa table ko kung na sa'n nakaupo ang matandang babaeng pasyenye ko.

"Ilang taon na siya, Doktora?" I smiled

"She's 65 years old. Eto ang personal data niya. Kailangan ko na ba siyang ipa transfer dito?"

Humarap ito sa matandang lalaki na nakikinig pala sa usapan namin.

"Sir, you just need to drink this vitamins two times a day. Huwag niyo po ipagpapaliban. Sakto na po ito for three months." Ibinigay niya sa matandang lalaki ang tatlong kahon ng vitamins. Nakangiti naman ang matandang lalaki pagkatapos iya kuhanin an mga kahon.

"Salamat, Doktor. Salamat ho, Doktora." He smiled na sinuklian ko rin ng ngiti. Tumango lang si Vince.

"Thank you din po, Sir." Ngumiti ito bago umalis. Lumingon sa akin si Vince.

"Ako na lang ang pupunta sa table mo. Tatapusin ko lang ang isang ito, Darling." Umiling ako at kinurot muli ang tagiliran niya. Tumawa lang siya. Naglakad na ako pabalik sa table ko. Napawi ang ngiti ko nang makitang nakatingin sa akin si Crei habang nagsasalita ang babaeng pasyente niya. Iyon pa rin ang babae at para naman walang sakit.

Calm down, Selena. Pasyente siya.

"Tss. Landian pa." Tiningnan ko si Crei na nakatingin sa akin ngayon at sinabi iyon. Landian? Gosh! Ako ba ang sinasabihan niya? Argh! Kanina pa iyang lalaking iyan!

"E-Excuse m-

"Hindi pa naman malala ang apendix mo. Iwasan mo lang ang mga pagkaing nakakaapekto sayo. Andito rin ang mga gamot mo." He said while facing his patient.

"Fvck you, Arrogant." Bulong ko at dumiretso sa table ko

Ako pa ang malandi? Gosh! Siya rin naman ah! Nakikipaglandian siya sa pasyente. Tsk. Buwiset. Padabog akong naupo sa upuan ko.

"Hija? Ayos ka lang ba?" Pilit akong ngumiti sa kanya.

"Opo, Pupuntahan ka po dito ni Doctor Vincent his a pulmonologist po. He will check the condition of your heart, Lola. May kasama ho ba kayo?"

"Wala, Hija. Ako lang mag-isa." I nodded. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Crei. Landian na ba ang tawag don? Pero matagal n naman akong tinatawag ni Vince na Darling bakit ngayon lang siya nagreact? Nakakainis naman.

"Good afternoon po. I am Doctor Vincent I will check your condition madame." Nabalik ako sa wisyo nang nagsalita I Vince sa gilid ko. Hindi ko sinasadyang tumingin sa table ni Crei at nakatingin ito ngayon sa akin. Aalisin ko na sana ang tingin nang makita ko si Dr. Hamsel na nasa kabilang side na table ni Crei at nakatingin rin sa akin.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba tingin sila ng tingin? May problema ba sila sa akin? Gosh! Nakakinis na sila.

Kumuha ng isang upuan si Vince at tinabi sa gilid ko. Hawak nito ang personal data ni Lola.

"Doktora, paabot naman ng ballpen." Kinuha ko ang ballpen na nasa gilid ko at inabot sa kanya naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko imbes na ballpen dapat an hawakan niya. Sinamaan ko ng tingin si Vince pero ngumisi lang siya.

Ibinaba ko ang kamay ko para hindi mapansin ng matanda at saka ko inalis ang kamay ko sa kamay niya. Bwiset talaga ito! Kaya nasasabihan na malandi at nadadamay pa ako. Kainis.

Inalis niya ang kamay niya at nagsulat na. Kinausap niya rin ang matandang babae tungkol sa sakit nito.

"Excuse For Doctora Poblete." Tawag ni Crei kaya hinanap ng mata ko  siya dahil wala siya sa table na inassign sa kanya.

Ano na naman problema ng Arrogant na iyon? Sasabihan niya na naman ako na nakikipaglandian? Tsk. Gosh!nakakainis!

She's My Queen Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon