CHAPTER 34

272 6 0
                                    

CHAPTER 34

Selena's P.O.V

Tanging ilaw lang sa corridor at lobby ang bukas. Lumabas ako ng hotel at naglakad papunta sa may light house. Malamig na hangin ang bumungad sa akin.

Bumuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa makita ko ang light house hindi kalayuan sa puwesto ko. Imbes na pumunta sa light house ay bumaba ako sa may hagdan, sa baba nito ay buhanginan na at dagat. Eto ang landscape na kita sa bintana ng aking silid.

Ang lakas ng alon. Madilim na dito ngunit nakikita ko pa ang daan dahil sa liwanag galing sa bilog na buwan. Nakatingala ako habang naglalakad.

"Ouch!" Gosh! Mukhang nagasgasan pa ako sa may bato. Dahil nakatingin ako sa buwan habang naglalakad ay natisod ako sa isang malaking bato. Hindi na ako naglakad at umupo na Lang sa bato kung saan tanaw na tanaw ko ang dagat.

Sa dami ba naman ng mamahalin ko ay bakit isang Crei Holt pa?

Paano ko papaibigin ang isang iyon Kung may mahal pala siyang iba?Hindi ko nga pala sasabihin na mahal ko na siya. Mas lalo na ngayon at nalaman ko ang totoong buhay niya. Bagamat kulang ang impormasyon ay kailangan ko pa rin siya iwasan. Ganoon din si Hamsel. Ayokong maging konektado sa kanila kung maaari. Ayokong maalala nila sa first name ko ang first love nila dahil binuhay ako ng mommy ko bilang si Selena at hindi para maging alaala ng babaeng kanilang kinagigiliwan.

Bumuntong hininga ulit ako dahil sa iniisip. Masakit nga pala magmahal. Akala ko noon ay pa easy-easy lang. Nasanay kase ako na walang problema dahil may mga kapatid naman ako na mag aayos ng lahat ng problema, kaya ngayong may problema ako ay hindi ko alam ang gagawin. May bestfriend nga ako ngunit pinsan pa pala siya ng first live ni Crei. Ano naman ang panama ko doon?

Matagal ko na ba tong nararamdaman? Naalala ko ang sinabi ni Kuya Zeron bago ako sumakay ng chopper papunta dito sa Batanes.

'Don't like anyone.'

"Kuya Zeron, I'm sorry hindi kita sinunod sana ngayon ay wala akong iniisip."

Matagal niya na kayang napapansin? At ako lang ang hindi nakakapansin sa feelings ko? Dahil tanging pangaasar niya lang ako naka pokus.

"Mom, do you see me? Ngayon lang ulit kita makakausap. Mom, I'm inlove with an arrogant and boastful man." I sigh and stared on the stars. "Mom, what should I do? Hindi niya naman ako mahal? Do I need to go in New York to forget him? Hindi ko alam, Mom kung malalim na itong pagmamahal ko sa kanya." I stoop my head and hug myself. Masyadong malamig na at Wala pa naman akong jacket.

Masyado naman akong naging bitter kapag umalis ako ng bansa. What if iwasan ko na lang siya? Hays. Iyon na lang ang solusyon sa problema ko. I will avoid him. Pumasok na naman sa isip ko ang tanong kung bakit may problema siya noong nasa Batangas kami? Takot ba siyang manggamot? Then Why he entered in medicine world if he's afraid? Ang sabi pa ni Lichan ay kilala siya sa Emerald Hospital dahil sa kanyang kakayahan. Bakit hindi ko makita ang tinutukoy niya?

"Selena, stop thinking. Hayaan mo na siya. He will never love you." Sabi ko sa sarili at tumayo. Dinapuan na ako ng antok.

Nag lakad na ako pabalik ng hotel. Sa labas ng hotel ay may nagkakagulo. Kaya binilisan ko pa ang pag lakad. Napansin kong ang nga taong ito ay ang mga kasama ko. Anong ginagawa nila? Bukas na an ilaw sa buong hotel?

"Selena!" Nagaalalang tawag ni Vion nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nagulat ako dahil sa inaakto niya. Nagtinginan sa amin lahat ng mga kasama at lumapit sila. Kitang-kita ko ang pagaalala sa kanilang mukha.

"May problema ba, Vion?"

Hindi ako nakakuha ng sagot when somebody grab my hands at kinaladkad ako papasok ng hotel. Narinig ko pa ang sigaw nila sa pangalan ko. Umakyat kami at gnon na lang ang gulat ko nang pinasok niya ako sa silid niya.

"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko dito. Hindi ko dapat ipakita na malakas ang epekto niya sa akin.

"Shit! Selena! Where are you damn from?! It's already twelve and you're damn gone! Fvck! Do you know that I am damn worried! Your brother call m edahil hindi mo daw sinasagot ang tawag nila. Even your Dad is worried. Kung saan-saan ka pumupunta! Hindi ba puwedeng matulog ka na lang! Fvck!" He shouted.

Anong pinagsasabi niya? Siya nagaalala sa akin? Totoo ba ang narinig ko? He's worried. No! Nagaalala lang siya dahil tinawagan siya ng Kuya at Dad ko. Yeah, he will never do that.

Tinitigan ko lang siya ng ma realize na naiilang na ako ay umiwas na ako ng tingin. Kaya pala nasa labas silang lahat ay para hanapin ako.

"Sorry for disturbing you." I said at tumalikod na. Nagagalit siya sa akin dahil inistorbo ko siya sa kanyang pagtulog.

Pumasok na ako sa room ko at nilock ang pinto. Dumiretso ako sa kama at nahiga. Kinuha ko ang phone ko sa side table. Maraming text at tawag galing sa mga Kuya ko and from my Dad.

I dialed my Dad's number. Ilang ring lang at sinagot niya rin.

(Daughter! Okay ka lang ba? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko at tawag ng nga Kuya mo? I'm worried, Selena! Gabi na at kung saan-saan ka pa pumupunta! Hindi mo pa dala ang cellphone mo!) Tumulo ang luha ko. I really appreciate my Dad's concerned.

"I-Im fine, Dad."

(Are you crying?--Dad! Nakauwi na daw si Selena sabi ni Crei!--Yeah, kausap ko siya, Zaren.--Selena! Bakit hindi mo sinas-Zaren stop shouting kausap ko ang kapatid mo!) Huminga ako ng malalim. So, they're contacting Crei. Nice.

"Dad, I'll sleep na. Goodnight." Bago pa makapagsalita ay pinatay ko na ang tawag. When my phone rang at tumatawag si Kuya Zaren. Pinatay ko na ang phone ko. Nakatulog na rin ako dahil sa pagod.

Ang habang araw na ito. At nakakatoxic ang mga nalaman ko. Sana isang panaginip na lang ang lahat at hindi ko nakilala ang isang Crei Holt.

She's My Queen Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon