CHAPTER 35

306 6 0
                                    

CHAPTER 35

Selena's P.O.V

Tinanghali na ako gumising. Naligo na ako at nag bihis ng isang summer dress. Ngayon ako maglilibot sa buong lugar dahil bukas pa naman ang next program namin.

I wear my sunglasses bago lumabas ng silid. Dala-dala ko na ngayon ang aking cellphone. I texted m Dad bago lumabasng silid. I locked the door. Naramdaman ko na nag bukas din ang kabilang pinto. At ang pamilyar na pabango ay humahalimuyak.

Dumiretso ako sa paglalakad at hindi siyang tiningnan. Binilisan ko ang paglalakad when I heard his footsteps in my back.

Pupunta ako sa pinakamalapit na resort dito kung hindi ako nagkakamali ay malapit iyon sa pinuntahan ko kagabi. Binati ako ng receptionist sinuklian ko ito ng ngiti.

Nag lakad ako hanggang sa makarating ako white house. Tama nga ako dahil may malapit na resort rito. Nakasuot na ako ng bikini under my summer dress para rito. Nang makababa sa may hagdanan ay dumiretso ako sa resort. Hindi ko ito napansin noon dahil madilim na at patay na ang ilaw ngayon naman ay kitang kita ang kalinisan ng resort.

Naupo ako sa isang bamboo chair. Isa itong stall kung saan may mga souvenirs, mayroon din naman pagkain silang tinitinda.

Umorder ako ng inihaw na bangus at kanin. Pagkatapos ay dumiretso sa tinitinda nilang souvenirs. May hat, shirt, dress, mugs, keychains, and some stuffs foe souvenirs na may tatak na Batanes. Ngunit nakuha ng atensiyon ko ang dalawang bracelet. Hindi siya gawa sa kahit anong metal. Gawa ang bracelet sa isang tuyong dahon I think basta gawa siya doon sa katulad ng panggawa ng basket. Doon din ito gawa. Napaka unique ng itsura. Nilagyan lang ito ng paint para maging mas maganda.

"Excuse me, Saan po gawa ang bracelet na iyan?"tanong ko sa babaeng nag titinda. Tumawa ito at nahiya ako dahil hindi ko alam kung bakit siya tumawa sa tanong ko.

"Ma'am, hindi ho iyan bracelet." Kumunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.

"Talaga ho? Akala ko kase ay bracelet. Ano ho iyan?" Kinuha niya ang bagay na iyon at pinahawak sa akin. "Woah, keychain po ba ito?" I asked dahil para siyang bracelet tapos pa keychain. Hindi ko rin nakita na may tao pala ito sa gilid. At ang tao ay may suot na Vakul.

Vakul is the one of their tools when it's time of raining. The Vakul serves as protection for its wearer and symbolizes the Ivatans' tough, resilient nature. Ang galing dahil alam mong galing ito sa Batanes because of the design.

"Oo, P'wede iyang pan sabit sa bag mo, Hija." I smiled.

"Sige po, bibilhin ko po iyan."

"Naku, dapat ay parehas mo iyan bilhin dahil couple keychain iyan. Pero dahil maganda ka papayag ako na bilhin mo ang isa."

Couple keychain ito? Tiningnan ko ang isa pang keychain at ang cute ng isa dahil babaeng Ibatan na nakasuot ng Vakul. Ang isang keychain pala na nahawakan ko kanina ay lalaking Ibatan.

"Bibilhin ko na lang po parehas. Mag kano po?" Binayaran ko na si Ate at ibabalot niya sana sa supot ang keychain ngunit pinigilan ko na dahil ilalagay ko na lang sa purse ko na dala-dala.

"Salamat, Ma'am." I smiled on her bago lumabas ng stall niya.

Dumiretso ako sa may cottage. Libre ito at walang bayad. Tumingin ako sa dagat. Maraming turista ngayon dahil summer. May mga banyaga din na nagsuswimming. Hinubad ko ang summer dress ko at nilagay sa lamesa ng cottage. Tinakluban ko ang purse at phone ko using of my dress. Inalis ko rin ang sandals ko na puno na ng buhangin.

Dahil sa sobrang init ng buhangin ay patakbo akong pumunta sa dagat. Gosh! Ang init ng buhangin nakakapaso sa paa.

Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki di kalayuan sa kinaroroonan ko. Hindi ko ito pinansin at lumangoy na sa dagat kahit tirik ang araw. I missed swimming.

Nang makalangoy sa di kalayuan ng seashore ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Ang kaninang mga lalaki na nasa buhanginan ay nakapaligid na sa akin.

"Hi, Miss!" Bati ng lalaking kaharap ko ang mga kasama naman niya ay nasa likod niya.

"H-Hi!" Naiilang kong sagot. Inilayo ko ang sarili sa kanila. Matangkad Ang lalaki at maputi. May itsura rin naman ngunit alam kong mas g'wapo si Arrogant.

Inilahad nito ang kamay at nag hiyawan ang mga kasama niyang lalaki.

"Ako si Kuku." Nakangiti niyang sabi ako naman ay kumunot ang noo dahil sa pangalan niya. Kuku? Bakit naman ang panget ng pangalan niya? Gosh, Selena! Nagiging judgmental ka.

"Kuku?" Ulit ko sa pangalan niya dahil hindi ako makapaniwala sa pangalan niya. Gosh!

"Kuku-hanin ang puso mo."

"Woah!! HAHAHAHA!!! Binata ka na, Kuku! WHAHAHAHA!!" Napuno ng tawanan at asaran ang paligid ko dahil sa sinabi ng lalaking ito.

Kukuhanin ang puso ko? Is that a joke? Or pick up line? O baka naman aswabg at kukuhanin ang puso ko.

"Tumigil nga kayo! Miss, Ako nga pala si La-

"Nice meeting you, Kuku. I am boy." Lumaki ang dalawa kong mata nang marinig ko ang boses ni Crei sa likod ko. I turn around para makita siya. Lumunok ako when I saw him naked. Gosh! Tumingin ito sa akin at agad din binaling sa lalaking kausap ko kanina.

Anong sabi niya? Siya daw si boy? Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak dahil sa sobrang nakakatawa niyang pangalan. Kailan pa naging Boy ang pangalan niya? Gosh!

Nakakunot noo naman si Kuku or whatever his name is. Ang mga kasama niya naman ay pinipigilang tumawa dahil din siguro sa pangalan ni Crei na Boy. Ako naman ay pigil na pigil sa pagtawa.

"Boy? Boy abunda? Pfftt..." Natatawang tanong ng lalaki.

Ako naman ay tumawa na at hindi napigilan. Ganoon din ang ginawa ng kasama ng lalaking ito. Tumawa rin sila.

"No, I am her Boyfriend." He said na siyang ikinatigil ko sa pagtawa.

Anong sinasabi niyang boyfriend ko? Kailan pa? Bakit hindi ko alam? Tumigil din sa pagtawa ang mga lalaki at nagkanya-kanyang react dahil sa sinabi ni Crei. Ako naman ay parang na pako sa kinatatayuan ko. Kasabay nito ang alon na siyang nagsisilbing ingay sa aking pandinig.

Boyfriend ko siya? Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa kanya, ang naramdaman ko na lang ay hinila niya ako paalis sa mga lalaking iyon.

She's My Queen Doctor (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon