Prologue.Sa mundong puno ng tao syempre alangan namang alien diba? Marami ang hindi aware sa mga ginagawa nila't sinasabi. Masyado silang insensitive pagdating sa ibang bagay. Masyadong mataas ang tingin sa sarili, kaya may stiff neck yung iba.
Lahat na lang kailangang husgahan.
Lahat kailangang pansinin.
Lahat binabase na lang sa ganda.
"Ysabell! Masyado kang mabagal kumilos! Ano ba naman iyan?" sigaw ni auntie Anita habang naglalampaso ako, lahat ng ginagawa ko binabantayan nya. Nakakainis.
"Pagkatapos mo riyan ay maglaba ka. Jusko naman Ysa! Napakabagal mong gumalaw. Mamaya ay darating na ang anak ko." ang sakit sa tenga. Grrrr! Sa sobrang inis ay hinampas ko sya ng mop binuhos ko sa kanya ang lamang tubig ng timba, biro lang. Mabait ako.
Pagtapos kong maglampaso ay inayos ko na ang labahan. Masyadong marami naman to. Isang buwan atang di naglaba si auntie, umirap ako sa hangin at napabuntong hininga. Haaa! Amoy mo ba yon?
Sabado ngayon at darating din ang anak nyang si Pina na pinaglihi sa pinya dahil lahat na lang nakikita nya. Maski pimples ko pinapansin, pati blackheads and whiteheads. Nakakainis nga e. Sarap isawsaw sa asin.
Nagbabanlaw na ako ng labahan ko ng may nagdoorbell. Dali-dali kong binuksan ang pintuan at masayang binati si "PINAAAAAA.." sigaw ko sa kanya pero isang lalaki ang nakatayo sa pinto. Eh? Bakit Pino? Chour!
"Ay pasensya na po. Akala ko po kasi kayo.." di ko pa tapos ang sasabihin ng ibato nya sakin ang isang puting maliit na kahon. "Ay pipino, ano po ito.." Tatanungin ko sana ang lalaki ng bigla itong nawala. Loh? Anybody home? Nawala na sya parang bula sa labahan ko.
Binuksan ko ang kahon kahit di ko alam kung ano yon, kung paano at bakit at para kanino. Basta binuksan ko lang, sa akin binato e. Whatevah Ysabell, open sesame.
"Panyo?"
**
Ang Panyo ni YsaHi! Its me bella. This story is pawang likha lamang ng aking mga brain cells, maging ang karakter at lugar at pangyayari at kung may nagkataon mang may kapangalan dyan si Ysa, edi wao, este hello :) peram ng name HAHAHA God bless! uwu.
BINABASA MO ANG
Panyo ni Ysa
FanfictionIsang araw ay nakatanggap si Ysa ng isang puting maliit na kahon na naglalaman ng isang panyo.. "Panyo? Ano to pamunas sa sipon?" - Ysa