Chapter 2: Brother

437 10 0
                                    

Agad akong pumarada sa 'di kalayuan ng bahay. Sabay kaming bumaba ng kotse ni Faun. Itinapon niya muna ang pinag-inuman namin sa isang trash bin malapit sa isang puno papunta sa bahay.

"Batiin mo lang siya, Wayn, Come on, do you want a tutorial how to greet your mum?"

Simula yata kanina ay hindi na niya tinantanan ang pangungulit sa akin, tungkol sa pagbati ko kay Mama.

"Bakit hindi mo gawin—" Mahina siyang tumawa.

"Gagawin ko naman talaga kahit hindi mo sabihin... hindi ako katulad mo." Nag kibit balikat lang siya saka pinindot ang doorbell.

"Babatiin mo lang, Wayn. I know it is hard but still, consider." Pang huling kumbinsi niya bago nag bukas ang pintuan at tumambad sa akin ang isang dalaga. "Hi." Pagbati niya sa dalaga.

"Akala ko hindi kayo pupunta." Nag bigay daan si Sav sa amin. That was not that an appropriate greeting but yeah I'll take it. "Akala mo lang." Wika ko bago na unang pumasok.

Ramdam ko ang pagka-ilang na naramdaman niya nang lumampas ako sa kaniyang harapan. Pareho silang dalawa ng Kuya niya, duwag, at puro salita... puro reklamo. Kahit pa na una akong pumasok sa loob ay na unahan pa rin ako ni Faun na nagmamadaling pumasok sa kusina. Sinulyapan ko ang na daanang malinis na sala at sinipat ang pagkaka-ayos sa mga gamit na naroon. Walang kahit isang bakas ko. May mga prutas na nakalagay sa isang centre table, may maliit din na halaman sa tabi no'n. Matapos sipatin ang mga gamit ay saglit na napako ang tingin ko sa hagdan sa gilid bago ako dumiretso sa kusina.

Na abutan kong nakaupo na si Faun at Sav sa mesa habang may babae naman na nakatalikod at habang nag hahalo ng kaniyang niluluto. Hininaan niya muna ang apoy bago lumingon sana kina Sav at Faun pero na gawi ang tingin niya sa akin. Tila natulala ito at dahan-dahang pumorma ang ngiti sa kaniyang labi.

Agad siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang napaka-higpit na yakap habang ako ay nakababa lang ang mga braso, kulang na lang ay mapairap nang makita ang itsura ni Faun na nagmamasid sa akin.

"Akala ko hindi ka pupunta." Napatingin ako kay Faun inuutusan akong yumakap pabalik, sinamaan ko lamang siya ng tingin at bilang kaniyang ganti ay tinataasan niya ako ng kilay. Saglit na humiwalay ng yakap sa akin si Mama. May galang pa naman ako kahit limang pursyento dahil kahit papaano ay inasikaso niya ako noong bata ako. Para bang may bumara sa lalamunan ko at nahirapan ako mag salita.

Nakatingin lang sa akin si Mama habang si Sav ay nakatutok sa kaniyang telepono at si Faun ay nag hihintay kung gagawin ko ba ang inuutos niya sa akin. 

"Happy Birthday." Walang emosyong sambit ko. Napatingin ako kay Sav nang bigla niyang mabitawan ang kaniyang telepono dahilan para bumagsak iyon sa mesa at gumawa ng kaunting ingay. Muli akong niyakap ni Mama kaya naman agad na napagawi ang tingin ko kay Faun. Inimuwestra niya ang kaniyang braso na tila ba yumayakap at nanlalaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. 

Sinamaan ko siya ng tingin bago dahan-dahang yumakap ang kanang braso ko kay Mama. Malawak na napangiti naman si Faun at saka nag ok hand sign sa akin kasabay ng kaniyang pagsandal sa upuan. Humiwalay na si Mama ng yakap at agad na naglakad pabalik sa kaniyang niluluto. Ang akala ko ay hindi na siya lalayo sa akin at balak niyang sunugin ang bahay dahil iiwan niya ang niluluto niya.

"Maupo kana muna riyan." Pag-uutos ni Mama bago tumikim sa niluto niya. Kaya naman ako ay tumabi kay Faun habang si Sav naman ay nasa bandang unahan ni Faun na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa.

"Hindi naman kami mag tatagal." Usal ko nang makasandal sa inuupuan. Napatingin sa akin si Sav kaya binalingan ko lang din siya ng tingin at siya na unang umiwas.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon