MATAPOS kong bilhin ang wireless headphone at ang relo para kay Faun ay bumalik ako sa parking lot saka sumakay agad sa kotse. Habang nag babayad ako kanina ay nakaramdam ako ng gutom kaya halos hindi ko na ipalagay sa brown bag ang pinamili ko.
Hindi ako nabusog sa pagkain sa pinuntahan ko. Binusog nila ako ng sama ng loob imbis ng pagkain. Nag over take ako nang nag over take. May mga iilan na bumusina sa akin pero hinayaan ko lang.
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong ipinarada ang kotse. Iniwan ko sa kotse ang pinamili ko at pumasok ako agad sa bahay. Medyo tinatamad akong mag luto dahil matagal at gutom na rin ako kaya binuksan ko iyong isang cup noodles na nakalagay sa ibabaw ng ref kasama ng iba pang noodles na naroon.
Pinili ko iyong maanghang at agad na sinalinan ng mainit na tubig ang cup noodles bago takpan. I am rich yeah you can say that, pero siyempre kumakain pa rin ako ng ganitong klase ng pagkain, lalo na't kapag ka ayokong magluto o kumain sa labas.
Pumunta muna ako sa kwarto at nag palit ng T-shirt at short. Pagkalabas ko ay didiretso na sana ako sa kusina nang may marinig akong nag doorbell. Mabilis ns kumunot ang aking noo. Inisip ko agad na baka hindi na mapakali si Faun kaya pumunta na siya dito pero nag kamali ako.
Kauuwi ko lang ah, ano na naman?
Binuksan ko ang pinto at mabilis na lumabas papuntang gate. Lalo akong nag taka ng makita ang ibang desenyo ng gulong ng nakaparadang kotse sa labas. Mabilis kong binuksan ang maliit na gate at tumambad sa akin ang pinaka ayokong makitang mukha sa buong daigdig.
Ngunit imbis na ipakitra ang pagkairita ay saglit na sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Pasok." Malamig na sabi ko na ginawa naman niya. Nilibot niya ang paningin sa paligid at bumuntong-hininga.
"Ganito pala itsura ng bahay ng mga mamamatay tao?" Pabirong tanong niya.
"Bakit ikaw? Ano ba ang itsura ng bahay ng isang manlolokong hayok sa pera?" Tumiim ang kaniyang bagang saka bahagyang matalim na tumingin sa akin.
"Nandito si Sav," natigilan ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. "Nasa kotse siya. Ayoko sana'ng mag tagal dito pero pinapunta ako ni Mama, at gusto niya lang din sumama."
"Sure. Tawagin mo na siya. Hindi ba kayo marunong mag lakad papasok?" Sinamaan niya ako ng tingin bago tumalikod at muling lumabas. Bakit kasi pumunta ka pa rito, kakatawag mo lang kanina, was that not enough? What the h*ll.
Ramdam ko na ang gutom pero hinintay ko pa rin sila sa aking kinatatayuan hanggang sa sila'y makapasok. Nag lakad na ako papasok sa loob ng bahay nang matanaw ko sila na nakapasok na ng gate. Sumunod sila sa akin at tila pa nag alangan saglit na itapak ang mga paa nila sa loob ng bahay ko.
Dapat lang naman. Dapat lang matakot kayo sa mga pinagsasabi at ginawa ninyo sa akin.
"Maupo muna kayo. Nakakahiya naman baka mangawit kayo kakatayo diyan." Dumiretso ako sa kusina at sumubo saglit sa cup noodles dahil gutom na talaga ako. Wala akong pakialam kung may bisita pa ako, you never should show up into someone's house unnoticed. Basta gutom kailangan kumain agad. Bumalik ako sa sala at na abutan kong nag lilibot sila ng tingin.
"Ngayon lang ba kayo nakapasok sa ganitong bahay?" Umupo ako, medyo malayo nga lang sila sa akin. Sila ay nasa malaking supa habang ako naman ay nasa pang isahan lang.
"Kaya kami pumunta rito para—"
"For what? To say sorry?" Pagsabat ko kay Vayne. "Kagagaling ko lang sa bahay ninyo kanina bakit hindi niyo na lang doon sinabi bago ako umalis? Tumawag ka pa nga was that not enough?" Napakuyom ang kamao ni Vayne habang kalmadong nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Agent
ActionThe Agent Written By BalmyDeathe Language: Filipino Buong akala ni Wayn Feneir Carter ay ayos na siya sa buhay niya, maayos na bahay, maraming pera, siraulo at makulit na kaibigan, pero ang trabaho nila ay hindi basta-basta. He is an Agent, agent na...