Chapter 15: Call

155 5 0
                                    

NATAWA siya sa sinabi ko.
Mabilis niyang ibinaba ang hawak na gitara at inabot iyon sa akin.

"Marunong ka?" Tanong niya.

Nakita ko naman na nakalapag sa center table ang capo at ang isang pick na kulay lila.

"Hindi ka gumagamit ng pick?" Muli na naman niyang tanong.

"Nasanay ako, si Faun ang madalas gumamit niyan" sagot ko.

Mahina siyang napatango.

"Sino nga pala iyong tumawag?"

Natigilan ako sa pag lalagay ng capo.

"Si Faun, may nakalimutan lang daw siyang sabihin."

Inumpisahan ko nang tumugtog.
Samantalang siya ay nakatulala lamang sa aking kamay habang nag pa-palit-palit ang pwesto nito.

"All I am, is a man..."

"I want the world in my hands..."

Hindi ko na napigilang kumanta dahil ito ang isa sa mga kantang paborito ko. Mukha namang wala siyang pakialam sa naririnig niya at tila kinakabisado niya pa ang pwesto ng aking daliri sa bawat kwerdas.

"I hate the beach, but I stand in California with my toes in the sand."

Pinag patuloy ko lamang ang pag kanta hanggang sa umabot na ang chorus at nagulat ako ng sumabay din siya.

"'Cause it's too cold, oh..."

"For you here... and now so let me hold, oh.."

"Put your hands in the holes of my sweater..."

Nag tagpo ang mga tingin namin at bahagya pa siyang natigilan bago namula ang kaniyang mukha.

Napatigil din ako sa pag tugtog matapos naming kumanta.

"S-sorry.." pabulong na wika niya.

Napa-angat ang aking dalawang kilay at mabilis na umayos ng upo habang hawak ko ang gitara.

"Maganda naman ang boses mo, ayos lang iyan."

Muli kong inabot sa kaniya ang gitara na agad naman niyang kinuha.

"Ano'ng kaya mo pang tugtugin?" Bakas sa mukha niya ang hiya at ang kaba pero pinilit niyang umayos ang itsura niya.

"Dapat hindi ka nahihiya na nag gi-gitara ka. Talent mo iyan, dapat ipinagmamalaki mo." Wika ko.

Ilang beses pa yata siyang napa-lunok bago tumugtog.

Nagulat ako ng tinanggal niya ang capo at nag simula nang gumalaw ang kaniyang mga daliri.

Malumanay ang pag lipat ng pwesto bg kaniyang mga daliri at saktong-sakto ang tunog sa kanta.

Napatitig ako sa kaniyang mukha habang siya ay seryosong-seryosong nakatingin sa pag galaw ng kaniyang daliri.

Napa-iwas na lang ako ng aking tingin matapos niyang  tumugtog.

"A-anong oras na?"mabilis akong napatingin sa suot kong wristwatch.

Nasa kusina kasi ang wall clock dito sa bahay dahil doon ako mas madalas tumambay, kapag nasa sala naman ako palagi naman akong may suot na relo.

"4:00 pm." Sagot ko.

"Nagugutom ka ba? Meryenda? Anong gusto mong hap—" Natigilan siya sa pag sasalita nang biglang may narinig kaming katok sa labas ng gate.

Medyo may kalakasan iyon at tila nag mamadali pa ang kumakatok dahil kulang na lang ay sirain niya na ang gate ko.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon