Chapter 30: Why

99 2 0
                                    

HINDI nakagalaw sila Janiela at Faun sa kanilang kinatatayuan habang kami naman ni Huesc ay parang wala lang.

"M-Magandang klase ng b-baril iyan, ah." Bulong ni Faun.

Tumikhim lamang ako. Dahan-dahan at sabay nilang ibinaba ni Huesc ang mga baril na nakatutok sa isa't-isa.

"Ano'ng kailangan mo?" Bungad na tanong sa kaniya ni Huesc matapos niyang umayos ng tayo.

"Baka kayo ang may kailangan sa akin?" Mayabang niyang sabi.

Agad lumipat ang tingin ng dalawang lalaki sa akin habang ako ay tamad na nakatingin sa mayabang na lalaking mukhang pinasabugan ang mukha.

"Papasukin niyo na iyan." Tinalikuran ko sila at na unang pumasok sa loob.

Binalikan ko ang telepono ko sa loob at muling lumabas at nag tungo sa sala.

Doon ko sila na abutan na nakatayong lahat at nagtitinginan lamang.

Nang buksan ko ang telepono ko ay tumambad sa akin ang text message ni Mr. Chonel.

Mr. Chonel:
Siya ang nakuha ko, masyadong maraming trabaho ngayon, mas maganda kapag kaunti lang kayo.

Kunot-noo akong tumingin sa kaniya.

"May alam ka ba?" Tanong ni Huesc.

"Dati akong pulis, halos kasabayan ko nga lang 'tong alak na ito, iyon nga lang mas magaling ako sa kaniya." Lumipat ang tingin  niya sa akin.

At sa isang iglap bigla na lamang may nakatutok na baril sa kaniya habang ganoon din siya sa akin.

Napasinghap sila Faun at bahagyang napaatras dahil sa bilis ng pangyayari.

"Bakit ka nandito?" Malamig kong tanong sa kaniya habang hindi pa rin ibinababa ang baril.

Ngumisi siya sa akin.
Biglang napasinghal si Faun.

"What the f*ck?! Bakit ikaw? Hindi kita na mukhaan, lalo ka kasing pumangit!" Kasabay noon ang paglabas niya rin ng baril at pagtutok niya nito sa lalaki.

"Damn, maingay ka pa rin." Pang aasar naman ng lalaki pabalik sa kaniya.

" Don't you f*cking call me maingay! " Lalong humigpit ang  hawak ni Faun sa baril.

" Come on Carie. Spill the tea. " Walang gana kong wika.

" Natanggal ako sa trabaho." Panimula niya.

" Dahil sa katranabo niyo, he told us about Mr. Chaz's daughter. We responded to that sh*t and we failed. " Bumakas ang galit sa kaniya.

That's Vilnius..

" After that, ako ang sinisi dahil daw pinansin ko pa ang gag*ng iyon. Nag sayang lang daw kami ng oras. Hanggang sa nalaman na ng karamihan at dumating na sa pinakataas. " Tumalim ang titig niya sa akin lalo.

" You both know na masyadong maraming kinaiinisan ang Chief namin at ngayon, isa na ako ro'n. "

Dahan-dahang ibinaba ni Faun ang kaniyang baril.

" Okay, medyo nakakangalay."

Hinagis niya iyon kay Huesc at ganoon na rin ang ginawa namin ni Carie.

"Kung alam ko lang na sa inyo ako ipapadala ni Mr. Chonel e 'di sana hindi na ako tumuloy, ang papangit niyo. " Wika pa no Carie sa amin.

Umangat ang kilay ni Faun.

" Where's the bathroom? I want to take a bath first. " Itinuro ito ni Huesc sa kusina kaya pare-pareho kaming nag tungo roon.

Hanggang sa makapasok si Carie sa loob ng banyo at na iwan kami sa kusina.

"Who is that?" Tanong ni Janiela sa amin.

Lahat kami ay tumikhim.

"That FREAKING GUY is a FREAKING BULLSH*T."  Nilalakasan ni Faun ang mga mapang-asar na salita para marinig ni Carie na inaasar niya.


"Naka-away namin siya ni Wayn, ang tang*-tang*. Meron kaming niligtas na mga bata no'n. Tapos noong tumawag kami sa kanila ang mga siraul* hindi na niwala. Kaya sa huli kami na ang nakikipagpatayan doon kami pa ang nag liligtas sa mga bata at nag dala sa kanila papunta sa police station. Nang makarating kami sa police station, puro mura ng inabot ng mga nakatambay na pulis do'n dahil nalaman noong chief nila na mga wala silang kwenta. " Natawa si Huesc  at kumuha ng tubig.

" Hanggang sa biglang lumabas si Carie sa kung saang lupalop ng katang*han at kumampi sa mga tamad na ka-trabaho niya. Doon na nag simula ang alitan" dagdag pa ni Faun.

Inabot sa 'kin ni Huesc ang malamig na tubig bago siya umupo.

"Na alala ko pa noong pangalawang beses na naka engkwentro natin iyang mga pulis na iyan, sa sobrang takot ng katrabaho niya kay Wayn imbes na pumunta roon sa lugar kung saan dapat kukuhanin iyong bangkay ng isang biktima takte dumiretso sa ospital at iyong ospital pa mismo ang kumuha. "

Sabay-sabay silang tatlo na tumawa habang ako ay tahimik lang.

" Bakit niyo siya tinatawag na panget e maayos at gwapo naman siya?" Tanong ni Janiela kaya agad kumuyom ang kamao ni Faun at sumama ang kaniyang itsura.

"Just always note the sarcasm." Malamig niyang wika at kasabay no'n ang pag labas ni Carie mula sa banyo na bago na ang suot na damit hindi na siya mag mumukhang taga bukid dahil naka t-shirt na siya.

"May kwarto ba ako rito?" Inilapag niya ang bag niya sa isang upuan habang ang maliit niyang maleta ay na iwan sa sala.

"Ano'ng kwarto? *lol mukha mo kwarto roon ka sa may pool matutulog. " Wika ni Faun.

Tumawa si Huesc at Janiela habang nabaling lang ang tingin ni Carie sa akin.

"Sa rooftop sa itaas, may dalawang kwarto pa roon..." Kumunot ang noo namin ni Faun at bumaling ang tingin kay Huesc.

" Medyo maliit nga lang, inayos ko kasi iyon tinanggal ko iyong ibang mga kalat tapos pinalitan ko ng mga halaman din iyong paligid ng rooftop. " Natatawang wika ni Huesc.

" Tama iyon, gwapo dapat ang nasa taas. " Biglang umarte na inuubo sila Faun at Huesc habang si Janiela ay natawa lang at ako naman ay walang reaksyon na tumitig sa kaniya.

Nasisiraan na siya ng bait.

"Takte parang 'wag kana lang kaya roon matulog baka lalo kang mabaliw, e. " Matapos no'n ay humagalpak na sila ng tawa at nakita tawa na rin si Carie.

"Mag isip na kayo ng kakainin niyo tapos ma-una na kayong kumain. " Wika ko saka sila nilisan.

Wala akong ganang makipag-biruan. Lutang ako, blangko ang utak ko at hindi makapag-isip ng maayos. Ang tanging pumapasok lang sa aking isipan ay ang kalagayan ni Narie. Wala ng iba pa. Siya lang.

But why? Why the hell am I like this. What's happening?

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon