MABILIS kaming nakarating sa pamilihan.
Matapos kong iparada ang kotse ay na una na siyang pumasok sa loob dahil kinausap pa ako ng guard.
Napatingin kasi ang iilang customers sa amin sa sobrang bilis ko mag parada at sa ingay ng kotse ko.
Sinabihan lang ako ng guard na nasa supermarket ako at wala sa isang racing.
Nag libot ang aking paningin at hinahanap ko si Narie.
Hindi ko nasabi sa kaniya kung saan siya mag hihintay dahil biglaan ang pagdating ng guard at pagkausap sa akin.
Nakarating na ako sa second floor ng mall at hindi ko pa rin makita si Narie.
F*ck! Saan ba nag punta ang babaeng 'yon?
Bahagya rin napapatingin ang mga nasa mall sa akin dahil siguro sa mabilis na paglalakad ko o 'di kaya naman ay dahil lang sa kagwapuhan ko.
Napatingin ako sa isang babae na tulalang nakatingin sa isang lalake at babae na mag katabi sa upuan.
Naka-akbay ang lalake sa babae. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ni Narie dahil naka tulala lamang siya sa dalawa.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya.
Bagsak ang balikat niya habang nakaupo sa bakanteng mesa rito sa food court.
Nanatili lamang akong nakatayo sa kaniyang tabi at pinagmasdan ko diyn kung ano ang ginagawa ng dalawang tinatanaw niya.
Kapwa sila kumakain ng Ice cream at may iilan din silang pinag-kainan na nasa mesa na lang.
"Nagugutom ka ba?" Bulong ko.
Tila nabalik naman siya sa wisyo at mabilisang napatayo.
"N-no... I mean. Sorry, tara na." Wika niya.
Nagmamadali siyang mag lakad at sinundan ko na lamang siya.
Paano magiging agent 'to? Tulala-in.
Napatawa na lang ako sa aking isipan nang mahabol ko siya sa paglalakad.
"Dapat ba gumawa tayo ng listahan?" Tanong ko habang naka pamulsa at nakatingin lang sa daan.
"Hindi naman na siguro."
Naka-ilang beses pa kaming liko at palit ng dinaraanan dahil marami 'ata ang tao ngayon.
"Mahilig ka ba sa ice cream?" Pansin ko na napalingon siya sa akin dahil sa tanong ko.
"O sa siomai ka, mahilig..." dagdag ko pa.
Iyon lang kasi ang nakita kong kinakain at kinain ng mga pinagmamasdan niya kanina.
"Oo, mahilig ako. Lalo na sa ice cream."
Sabay kaming pumasok sa pinaka-pamilihan ng mall.
Matapos naming kumuha ng basket ay una kaming pumunta sa gawi ng mga kape at agad kong kinuha ang kape na lagi kong tinitimpla.
"Ano'ng kape sa 'yo?" Tanong ko dahil siya ang nag tutulak ng basket.
"Iyan na lang din" mabilis kong inilapag ang kape.
"Ako na ang mag tutulak." lumayo siya sa basket at bahagyang na unang mag lakad.
Matapos naming mag ikot-ikot ay tumigil kami sa bilihan ng mga Ice cream.
Kumuha ako ng malalaking galon o lalagyan ng mga ice cream. Pinatong ko na lang iyon sa mga iba pang nabili namin.
Tila nagulat naman siya ng makitang halos lahat ata ng flavor ng Ice cream ay kinuhanan ko.
BINABASA MO ANG
The Agent
ActionThe Agent Written By BalmyDeathe Language: Filipino Buong akala ni Wayn Feneir Carter ay ayos na siya sa buhay niya, maayos na bahay, maraming pera, siraulo at makulit na kaibigan, pero ang trabaho nila ay hindi basta-basta. He is an Agent, agent na...