"HELLO?" Napatingin sa akin si Faun at Janiela, nasa sala kami ngayon habang si Huesc ay nasa palasyo niya.
"Kamusta ka, Wayn?" Tanong ni Mama sa kabilang linya.
"Ayos lang ako, Ma'. Marami lang akong ginagawa." Tila nataranta siya at agad na nag paalam at doon ko na binaba ang tawag.
"Baka gusto lang humingi ng tawad, nag sungit ka na naman." Wika ni Faun.
Tumungo kami sa kusina at nag si upo roon.
"Marami akong ginagawa."
"May plano ka na ba?" Tanong ni Janiela.
Marahan akong umiling.
"Wala pa tayong gaanong alam, we need to check the CCTV footage. " Tumango sila at sabay-sabay kaming tumango para mag tungo sa kung saan nag tra-trabaho si Huesc.
Hindi na kami kumatok pa dahil kusang bumukas ang pintuan niya sa amin.
Seryoso siyang nakatingin sa mga monitor na nasa harapan niya at mabilis na nag titipa ang kaniyang mga daliri sa keyboard.
"May atraso ba kayo kay Vilnius?" Tanong niya sa amin ngunit hindi man lang kami tinatapunan ng tingin. May bakas pa rin ng galit ang kaniyang pagsasalita ngunit kalmado na siya.
"Wala naman." Sagot ni Faun.
Agad kaming nag tungo sa likuran niya at agad napakuyom ang kamao namin ni Faun nang makita kung sino ang nasa CCTV.
"Kaninang hapon nawala si Narie. Ang sabi ni Janiela balak niya raw pumunta sa bayan kaya umalis siya ng bandang alas-kwatro. Alas syete na noong nag sabi sa amin si Janiela na hindi niya na matawagan ang telepono ni Narie hindi ko na rin ma-track iyon kaya malamang na nasira o pinatay." Nag aalala ang bumabakas sa aming mga mukha ngayon.
" Matapos mong umakyat Wayn sumunod na rin kami dahil inaantok daw sila. Buong hapon halos ay nasa kwarto lang tayong lahat maliban kay Narie na umalis bandang alas-kwatro.
"Hindi ko na siya na pigilan o na sundan dahil kasalukuyan akong natutulog no'n at hindi yata siya nakatulog kakaisip." Sabat ni Janiela.
" Kakaisip kay Huesc?" Si Faun.
Marahan na umiling si Janiela at napailing din si Huesc.
" Alas-sais itong kuha ng CCTV sa sala. Kita niyo? May lalaking nakakulay itim na pumasok sa pintuan. Tumunog iyong alarm pero nagawa niyang pigilan. Napansin ko rin dito na may nakaparadang Van sa labas ng gate."
Naka-zoom sa isang monitor ang sinasabi ni Huesc.
" Nang makapasok siya ay wala na siyang ibang ginawa pa maliban na lang sa paglalapag noong papel sa center table sa sala. Matapos no'n sa sobrang lakas ng loob ng siraulong 'to nagawa niya pang kumaway sa CCTV nang mahagip iyon ng mga mata niya."
Muling nag-zoom sa isang pang monitor ni Huesc ang nasa CCTV footage.
"Kung titignan kung sino ang adik na iyan makikita na iyan si Vilnius. Ang lalaking bumangga sa akin sa elevator papunta sa opisina ni Mr. Chonel at ang lalaking palpak sa pag liligtas sa anak ni Mr. Chaz." Iritadong wika ni Huesc.
"Napansin ko rin doon sa sinend na email sa iyo ni Mr. Chonel, Wayn at doon sa papel na nasa mesa may marka itong letrang V."
Umigting ang panga ko sa inis. Nakakuyom na rin ang kamao ni Janiela.
" Sobrang kapal ng mukha niya dahil siya pa talaga ang nag bibitbit ng mga pakulo niya kaysa sa mga tauhan niya na nasa Van lang." Humarap ang swivel chair ni Huesc sa amin.
" At sigurado akong nasa Van na iyon si Narie kaya naman tinignan ko rin ang CCTV sa labas ng gate. Nakuha iyong plaka noong Van ngunit sa kasamaang pasmadong palad ni Faun hindi ko ito mahanap."
" Tatawagan ko si Mr. Chonel. "Sumang-ayon kaming lahat sa suhestiyon ni Faun.
Nag ring agad ang kaniyang telepono kaya pinindot niya ang Loud speaker.
"Hello? Mr. Chonel?"
Sumagot si Mr. Chonel kaya sinenyasan ako ni Faun na mag salita.
"We need a backup in Thursday, Nawawala si Narie. We suspected Vilnius is the mastermind in this case. "
" Nag leave siya nitong nakaraan, I had no idea about his plans because of what happened in the past few days."
" I'm going to send the backup in Wednesday so you can all prepare. Are you sure you can get into this Mr. Carter? " Mr. Chonel asked.
" Of course he can 'cause he is the main reason why all this things are happening. " Tumalim ang tingin ni Faun kay Huesc ngunit nag kibit-balikat lang siya.
"We also found out that this is also connected in our postpone mission. So yeah I'm sure we or should I say I can get into this even if it can cost my life." Seryosong wika ko.
Matapos noon ay ibinaba na ni Mr. Chonel ang tawag.
"Tommorow is Wednesday by the way." Wika ni Janiela.
" And..walang mamatay sa mission na ito." Wika ni Faun.
" The equipments are going to be ready too tomorrow, you should prepare the plan too. We need to make sure that this is going to be mission accomplished, we need to gather a lot of data's about the location and other stuffs but you need to think or should I say we need to think the plan first just in case." Wika ni Huesc.
Maya-maya ay biglang tumunog ang telepono ko at tumambad doon ang text message ni Sav.
Sav:
Kuya? How are you?Napakunot ang noo ko at iniharap kay Faun ang aking telepono.
"You should call her." Wika ni Faun.
"Minsan ka lang niyan tawaging Kuya baka may problema" dagdag pa niya sa mahinang tumawa.
Tumango ako at tinawagan si Sav kahit na labag a loob ko.
"H-Hello?" Boses ni Sav.
Napatingin ako kay Huesc dahil tumikhim siya at muling tumalikod ang upuan niya sa amin.
"How are you?" Napalunok ako matapos kong sabihin iyon. Samantalang si Faun ay tila natatawa at si Janiela ay na guguluhan.
"I-I'm fine K-kuya...nag aalala lang si Mama kaya pina-text ka niya sa akin e ngayon-ngayon l-lang na send." Wika ni Sav.
" Mahina kasi ang internet connection sa Maynila." Pag sabat naman ni Huesc.
" Ah! Kuya! Ibababa ko na. Sabihin ko na lang kay Mama na okay ka!" Napakunot kami pare-pareho nila Faun dahil sa biglaang pag sigaw ni Sav.
" Bakit dito ba sa probinsiya hindi?" Tanong ni Faun nang maibaba na ang tawag.
" Parehas lang halos pero mas maganda rito sa probinsya dahil tahimik at sariwa ang hangin." Pag sagot ni Huesc.
Napa-iling na lang ako sa kanila dahil tila nagtalo pa sila habang kami ni Janiela ay lumabas at nag tungo sa kusina.
Kumuha siya ng tubig at dalawang baso. Nilagyan niya ang isa at inabot sa akin. Na dapat ako ang gumagawa dahil babae siya, iyon na naman ang sasabihin ni Faun kung nagkataon na narito siya at hindi nakikipag talo kay Huesc sa maliit na bagay.
"Magiging ligtas iyon si Narie. Alam kong hindi niya hahayaan na masaktan siya e ikaw nga kayang-kaya niyang sapakin." Wika ni Janiela saka mahinang tumawa para kahit papaano gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Sana nga Narie....sana tama si Janiela.
BINABASA MO ANG
The Agent
ActionThe Agent Written By BalmyDeathe Language: Filipino Buong akala ni Wayn Feneir Carter ay ayos na siya sa buhay niya, maayos na bahay, maraming pera, siraulo at makulit na kaibigan, pero ang trabaho nila ay hindi basta-basta. He is an Agent, agent na...