Chapter 21: Body

122 2 0
                                    

HABANG nasa biyahe ako ay nakatulog naman ang anak ni Mr. Chaz. Kailangan ko pa tuloy dumaan sa car wash mamaya para palinisan itong Van.

Masyado kaming maarte nila Faun at alam naman namin iyon. Ayaw pa nga namin gamitin ito noong bagong bigay sa amin ito ni Faun e.

Binilisan ko ang takbo ng makarating sa highway dahil wala ng masyadong sasakyan.
Hindi ko naman gaanong inaalala ang sugat ko dahil hindi naman ako mamatay dito.

Saka mas ayos kapag namatay ako. Mas maganda.

Humupa na rin ang init ng aking ulo kanina.

Maya-maya ay may narinig akong tila umuungol sa likod ng Van at alam ko na kung sino iyon. Hindi siya makaka-alis doon dahil sobrang higpit ng tali niya sa kamay at paa. Si Faun ang pinagtali ko noon at tiyak na mamumula iyon at mag mamarka.

Na kwento rin kanina ni Greg kung bakit siya sumama sa siraul*, buong akala niya raw ay tutulungan ni Baish ang kumpanya ng Tatay niya dahil bahagyang palubog na ito, narinig niya ang balitang iyon sa isa sa mga empleyado ng kumpanya nila.

Ang tang* niya lang daw kasi naniwala agad siya at nagpakabaliw kay Baish.

Nag kwento siya kahit na hindi ko pinakikinggan. Mukha tuloy siyang baliw na kinakausap ang sarili niya kaya hinayaan ko na lamang.

Nang makarating ako sa opisina ay imbis na gisingin siya ay ibinagsak ko lang ang pintuan dahil hindi naman ako mahilig manggising ng tao maliban na lang kung si Mr. Chonel ang gigisingin.

Pagkababa ko ay saktong nagmulat ang mga mata niya kaya ang nangyari ay napababa na lang din siya ng kotse.

ang makapasok sa lobby ay agad akong sinalubong ng tingin ng napakaraming body guard ni Mr. Chaz. Nasa gitna sila Mr. Chonel katabi si Vilnius na masama ang tingin sa akin.

Nakangiti silang lahat sa akin habang ako ay walang emosyon na nakatayo mula sa malayo.

Tumakbo si Greg sa tatay niya at agad silang nag yakapan kaya kulang na lang ay masuka ako rito ngunit siyempre aking pinigilan.

Nag bubulungan ang iilang mga empleyadong narito sa ibaba at nakatingin sa sugat ko.

Bakit ngayon niyo lang ba nakita iyan?

"Thank you for saving my daughter."  Wika ni Mr. Chaz.

"Yes, and he's so handsome, Daddy.." gatong ng anak niya.

God, I know..

"It's my job, Mr. Chaz. No need to say Thank you."

Lumipat ang tingin ko sa nag aalab na mga titig ni Vilnius.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at bago niya pa ma-i-suntok ang kaniyang kamao sa aking braso na may sugat ay agad siyang bumagsak sa sahig.

Napasinghap naman ang mga tao sa loob. Maya-maya pa ay may pumasok ba alagad ni Mr. Chaz.

"Nasa kotse na po si, Baish. Mr. Chaz." Wika niya na tinanguan lang ng boss nila.

Matapos no'n ay nag paalam na ako at tinalikuran na lang si Vilnius na nakatumba pa rin sa sahig.

Agad akong dumiretso sa isang car wash kung saan palagi naming puntahan ni Faun.

Nang makaparada ako ay agad akong lumabas. Sinalubong agad ako ni Bein na walang damit pang itaas.

"20 mins, Sir Wayn. Tapos na 'to." Tinanguan ko lang siya.

"Twenty Thousand. Peram ako ng med - kit  niyo. " agad siyang kumilos at kinuha ang hinihingi ko.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon