Chapter 12: News

173 5 0
                                    

NANG matapos kaming mag hapunan ay agad pumasok si Narie sa kaniyang kwarto.

Hinayaan ko na lamang siya at nanatili ako sa kama habang inuusisa ang aking telepono. Kaninang tanghali kasi ay siya na ang kumilos dito sa kusina dahil may inasikaso akong ayusin sa kwarto niya. 

Naka ilang text na rin si Faun sa akin habang kami ay kumakain. Hindi ko ito inintidi at ngayon ko lang naharap kung kailan gabi na.

"Kapag 'to walang kwenta lang, masasapak talaga kita, Faun." Bulong ko sa aking sarili habang idina-dial ang kaniyang numero.

Agad naman niyang sinagot ang tawag ngunit napangiwi ako sa aking mga narinig.

"Janiela, paano ba 'to haluin?"

"Kahit anong halo lang 'yan"

"Hindi ba ito masusunog?"

"Faun, alam mo? Ako na lang. Ako na ang magluluto."

Nagkaroon pa sila ng diskusyon bago unti-unting humina ang boses ni Janiela na nag re-reklamo.

May nag sara ng pinto kaya malamang na nasa kwarto na 'tong siraulo'ng 'to.

"Hello? Wayn.."  dinig na dinig din ang kaniyang pagbagsak sa kama na kalimitan niyang ginagawa.

"Ano problema?"

Tumahimik siya ng ilang sandali bago nag salita muli.

"Pupunta kami diyan bukas,"

"O, tapos?"

"May kailangan ka ring malaman, tungkol kay Narie..pinag iisipan ko pa nga kung sasabihin ko sa 'yo.." natatawang wika niya.

Kusang napa-kunot ang aking noo.

"Bakit kayo pupunta rito?" Tanong ko.

Narinig ko ang sarkastiko niyang pag hinga ng malalim.

"Teka lang babalikan ko si Ela" ako naman ang bumuntong-hininga.

"Ayusin mo lang, Faun..." pagbabanta ko sa kaniya.

"Luto na?"

"Malamang, hinahain ko na 'di ba?"

Tumawa lamang siya at makalipas ang ilang minuto, babae na ang kausap ko.

"Wayn? Si Wayn ba 'to?" Hindi ko alam kung malakas ba talaga ang boses niya o malakas lang ang volume ng cellphone ko.

"Oo, si Wayn Fenier Carter.." napapailing na sagot ko.

"Si Narie kasi... napansin ko lang ito noong panahon na magkasama kami.. sa tingin ko hindi mo siya p'wedeng iwan basta-basta.. nakalimutan kong sabihin.."

Tumayo ako upang kumuha ng tubig.

"Paano'ng basta-basta?"

"Hindi ko ito sigurado,pero may social anxiety si Narie.. napakahilig niya ring mag overthink sa mga bagay-bagay kaya hindi talaga siya dapat pinapayagan na mag isa at dapat ay madalas kayong magkasama sana.."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mabilis kumabog ang dibdib ko dahil sa mga sinasabi ni Janiela.

"Minsan kung ano-ano na lang ang ginagawa niya, ayaw niyang magsabi kahit pa noong pinipilit ko siya.. nabanggit niya naㅡ"

Biglang may kung ano akong narinig sa loob ng bahay.

Kusang kumilos na ang aking katawan.

Mabilis na basta-basta ko na lang ibinagsak ang aking telepono sa mesa.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon