MATAPOS ang araw na iyon ay hindi na muli ako lumabas ng kwarto ko.
Nang matapos kaming mag pustahan ay agad kong binigay ang bayad. Tuwang-tuwa pa sila Faun dahil nautakan daw nila ako na hinayaan ko na lang.
Tumawag din si Mr. Chonel matapos ang hapunan. Pinuri niya kaming lahat dahil sa nagawa namin.
Ikinalulungkot niya rin daw sabihing, may bagong misyon na naman ang paparating.
Hindi namin inaasahan lahat iyon at napasinghap pa sila Narie habang nasa T.V. si Mr. Chonel at kinakausap kami.
Hindi pa naman daw sa ngayon ngunit sinabi na niya agad sa amin para mapag usapan at mapag-planuhan.
Nag sabi na rin si Faun na rito muna kami sa HQ habang wala pa siyang sinasabi kung kailan talaga ang misyon.
Matapos nang pag uusap ay nag sabi na ako kay Huesc na huwag akong gagambalain sa aking kwarto kaya agad niyang ginawan ng paraan iyon.
Ni-lock niya ang pintuan ng aking kwarto at nang magising ako kinaumagahan (ngayon), may nakahanda ng pagkain sa mesa na bigla na lang sumulpot malapit sa aking pintuan.
Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng katahimikan. Wala rin akong maririnig na kahit ano dahil soundproof naman lahat ng kwarto rito. Maliban na lang kung may gusto silang sabihin at maipaparating nila iyon sa pamamagitan ng speakers.
Simula kagabi ay hindi ako bumaba. Nitong hapon lamang, kung hindi pa ako literal na na buryong sa loob ay hindi ako baba ngunit natapos ko na kasi ang ipinahiram na libro ni Huesc.
Nang makarating sa sala ay walang tao. Alas-singko na ng hapon ngayon.
Walang tao sa kusina, maging sa pool area at sa kung saan pa. Naisip ko na baka nasa kwarto lang sila kaya hinayaan ko na.
Muli akong kumonekta sa mga speaker iyon nga lang ay pinatay ko ang iilang iba oang mga speakers at iyong sa kusina lamang ang bukas.
Wala na rin silang tirang ulam at habang nakaupo sa kusina ay bigla namang dumating sila Rief at Lief.
Agad nila akong binati na tinanguan ko na lang. Napansin kong hindi oa umaalis si Lief at nakatingin pa rin sa akin.
Dahan-dahan tumaas ang kaniyang metal na kamay at tila ba makikipag apir sa akin.
Napangiti ako dahil doon at mahinang tumama ang palad ko sa bakal niyang kamay.
Bumuntonghininga ako at napagpasiyahan na tignan kung ano ang nasa ref para makapag luto.
Agad nagaw ang pansin ko ng mga atay ng baboy na nakaplastic pa sa loob ng ref.
Kinuha ko iyon at nilabas. Kumuha rin ako ng sangkap gaya ng toyo, kalamansi at paminta.
Hiniwa ko ang nga atay at habang ginagawa iyon ay hindi ko maiwasang mapasabay sa kanta na ako lang halos ang nakakarinig.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag p-prito ng mga atay at nilakasan ko pa ang tugtog.
Alas-sais na rin ng gabi at kakatapos lang ng isinaing kong kanin.
Matapos mag prito ay tumambay muna ako ng mga ilang minuto habang kinakalkal ang aking telepono.
Biglang may nag flash na text message habang nag hahanap pa ako ng ibang tugtog.
Huesc:
Narie...Iyon lang ang tinipa niya kaya agad kumunot ang noo ko.
Agad ko siyang tinawagan.
"Hello? Bababa kana ba? It's a joke." Bungad niya.
BINABASA MO ANG
The Agent
ActionThe Agent Written By BalmyDeathe Language: Filipino Buong akala ni Wayn Feneir Carter ay ayos na siya sa buhay niya, maayos na bahay, maraming pera, siraulo at makulit na kaibigan, pero ang trabaho nila ay hindi basta-basta. He is an Agent, agent na...