Chapter 22: Not Me

109 2 0
                                    

ANG aga-aga akong ginising nila Faun.

Hindi pa yata nakikita ang araw ay gising na kaming tatlo.
Maaga rin na nag luto ng almusal si Huesc katulong ang mga pinakamamahal naming robot.

"Malaki sa akin, Wayn. Sa 'yo ba?" Tanong ni Faun habang magkaharap kami sa mesa.

Pareho kaming umiinom ng malamig na kape, si Huesc naman ay nag titimpla pa ng kaniya.

"Crush ka 'ata ni, Narie." Natigilan kami ni Huesc dahil sa sinabi ni Faun.

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya ay nakakalokong nakangiti sa akin.

"Siraul*. Ang aga-aga, Faun. Tumigil ka." Wika ko.

"Narinig ko lang kagabi. Pero mahina baka mali ang dinig ko. Baka ako talaga iyong gusto niya. Ang pangit mo kasi." Binato ko sa kaniya ang towel na nasa gilid ko at nakalagay sa upuan ni Huesc.

"What the f*ck, ew! Towel ko iyan e. Parang baliw." Pag iinarte ni Huesc ng ipunas si Faun ang towel sa mukha niya.

"Kakahilamos ko lang, pang hilamos mo lang din naman 'to e. Medyo basa pa ang mukha ko." Pag dadahilan ni Faun.

"Tang*na. Pawis mo iyan e." Saka kami napa-tawa ni Faun.

Wala namang maiistorbong kapit-bahay dahil kami-kami lang ang narito.

"Iyong sugat? Kumikirot pa ba?" Tanong ni Huesc.

Mahina akong tumango.

"How are we going to swim? Panira ka naman." Si Faun.

"Mamatay ba ako kapag lumangoy? Maayos naman na ang sugat ko. Hindi naman ganoon kalalim." Pag sagot ko.

"Parang gasgas lang iyan sa kaniya, e. Daplis lang naman ng bala." Pag gatong naman ni Huesc.

"Anong oras ba?" Inisahang lagok ko muli ang tinimpla ko kanina.

"Maya-maya pa siyempre. Tanghali. Excited?" Tanong ni Huesc.

"May pustahan daw ah."

Napa-angat ang tingin ko kay Huesc.

"Teka anong pustahan?"

Natawa si Faun dahil sa tanong ko.

"Malaki ang pool natin, Wayn. Hindi mo kami madadaya dahil lang may sugat ka."

Kumunot ang noo ko bago sumilay ang nakakalokong ngiti sa aking labi.

"Fifteen Thousand? Isang practice, tapos game na agad."

Tumango silang dalawa sa akin.

"Ako ang mag luㅡ" hindi pa ako natatapos sa aking sasabihin ng narinig ko ang sigaw ni Huesc.

"Yes! Sa wakas. Tuna sisig po ang menu!" Wika niya sa akin.

Nag fist bomb sila ni Faun saka tumawa.

"Na miss ang luto mo." Natatawang sabi ni Faun.

"Nandiyan, maraming mga sangkap diyan!" Tila excited talaga si Huesc.

"F*ck, ang tamad mo." Singhal ko.

Natigilan silang dalawa at napatingin sa akin.

"Boss? Are your referring to your self?" Si Huesc.

Kumunot ang noo ko sa kaniya at bago pa kami mag kainitan ay biglaan siyang humagalpak ng tawa.

"Calm down.. I'm just kidding." Dagdag niya.

"Kidding, your ass. What if I plunge a knife on your chest and I'm gonna said.. " Kidding aside." What you're gonna do, huh?" Wika ko naman pabalik.

The AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon