CHAPTER 1

281 12 14
                                    

Elkes's POV



"Zero" bulong ko.



Nagkatitigan kami, ewan ko ba pero di ako nakaiwas sa mga tingin niya. Nakatingin din siya sa akin na nakapamulsa at magkasalubong ang kilay na para bang naghahanap ng away tss.



Nang papalapit na siya at iniwas niya ang tingin sa akin at tinuon iyon sa daan, nakalayo na siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinititigan ng matagal pero pamilyar kasi siya sa akin.



"Uy, Elke tara na?" Sabi ni Zhera na nasa harapan gilid ko na pala.

"Nakita mo ba yun..." Sabi ko habang nakaturo sa kinaroroonan ni Zero na ngayon ay wala na.

"Nakita ang alin?" Tanong niya.

"Wala, nevermind"



Tumango siya at nauna nang maglakad sa akin kaya sumunod na ako. Nakakapagtaka kasi highschool building ito pero bakit andito si Zero?



Diba nasa kabila yung building sa mga college? Nakakapagtaka.



Nakarating na kami sa classroom namin at kakasimula lang ni miss Jimenez, filipino subject yung tinuturo niya samin. Pagkatapos ng dalawang oras na lecture ay PE na namin.



"Elke, lika na baka mahuli tayo" sabi ni Yukino habang kinukuha ang PE uniform sa locker niya.

Nasa girls locker room kami ngayon at naghahanda sa PE. Si Zhera naman ay nauna na kasi kelangan pa niyang kausapin yung teacher namin sa PE. President work.



"Wala pakong uniform sa PE" sabi ko kay Yukino, hinarap niya ako at tiningnan sa gilid ng mata niya ang nasa loob ng locker.

"Meron akong extra, pahiramin kita"

"Sure ka?" Tanong ko.

"Oo nga, sure ako" sabi niya saka tumawa.



Kinuha niya ang extra PE uniform niya na nakalagay pa sa isang maliit na bag, kinuha niya iyon at ipinakita. Sakto lang naman sa akin pero medyo mahaba, matangkad kasi si Yukino.



"Punta ka na sa comfort room, antayin nalang kita sa gym ah" sabi ni Yukino sa akin.

Tumango na lang ako saka tumakbo na siya pero mukhang naalala niya yung rules na bawal tumakbo sa hallway kaya napahinto siya at lakad takbo na lang ang ginawa niya.



Natawa nalang ako saka tumalikod na at pumunta sa comfort room para magbihis. Madali namang matunton kasi may sign naman 'CR'. Pumasok na ko sa isang cubicle at doon nagbihis. Hinubad ko ang palda ko at ang polo, ilang saglit ay narinig ko na may pumasok ng cr.



"Elke?" May tumawag sa akin na parang kay Zhera ang boses.

"Zhera?" Tanong ko.



Lumabas na ko cubicle nang matapos na kong magbihis, nandun naman siya at mukhang hinahanap ako.



"Antayin mo ko" sabi niya saka pumasok sa isang cubicle.

Naghugas na ako ng kamay saka itinali ang buhok ko ng nakapusod para hindi sagabal sa gagawin namin mamaya.



Ilang sandali ay lumabas na siya sa cubicle at naghugas ng kamay niya.



"Kaninong uniform yan?" Tanong nito habang nakatingin sa akin sa salamin.

"Kay Yukino pinahiram niya sa akin"



Tumango naman ito at tinuyo na ang kamay nito.


Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon