PROLOGUE

468 17 8
                                    

Elke's POV



Malakas ang pagkabig ng dibdib ko habang naglalakad papunta sa bago kong classroom. Transferee ako at hindi pa kabisado ang pasikot-sikot sa paaralang ito kasi medyo malaki.



Dito ako mag'tetenth grade. Di naman ako nahirapang hanapin ang classroom ko kasi may kasama akong teacher na tinulungan akong mahanap ang classroom ko.



Sa tuwing dumadaan kami sa bawat classroom ay hindi maiiwasan ang paglingon ng mga estudyante sa akin.



Tumigil siya sa harap ng isang pinto saka kumatok, tumabi naman ako sa kanya na tiningnan ako ng nakangiti. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na din na alis na.



"Pasok ka na" sabi nung teacher na nagbukas ng pinto para papasukin ako, si Ms. Russiana.


Nakayuko lang akong pumasok at alam kong lahat ng tingin nila ay nasa akin. Nakilala ko si Ms. Russiana nung mag-enroll ako dito.



"Introduce yourself Ms. Venus" sabi ni Ms. Russiana.


Tumingin ako sa mga estudyanteng nakatingin sa akin at inaantay na magsalita ako para magpakilala. Ang iba ay nakangiti sa akin at ang iba ay walang pakealam at walang mga reaksyon.



"I'm Elke Mariam Kiethlyn D. Venus but you can call me Elke" sabi ko at yumuko.

"Say something else" ani ni Ms. Russiana

"Ahmm, I hope... We'll be friends all" dagdag ko at nginitian sila ng pilit.

"Okay ahm just sit on that empty chair next to Ms. Nishida" sabi ni Ms. Russiana kaya naglakad na ako papunta roon at umupo.



Inilagay ko ang bad sa ilalim ng mesa at kinuha ang ballpen at textbook, hindi pa kasi ako nakabili ng requirements kasi hindi ko pa alam. Kakausapin na lang daw yung president ng classroom tungkol doon.



Nasa may bandang bintana ako kaya sobrang liwanag. Mula rito nakikita ko ang buong paaralan, malaki ito at maiisip mo talaga na kadalasan ng estudyanteng nandito ay mayayaman.



"Let's continue our topic yesterday" sabi ni Ms. Russiana at humarap sa blackboard.



Nakasunod lang ako sa lecture niya, hindi naman ako nahirapan sa discussion kasi naaral ko na toh sa last school ko. Ilang teacher pa ang pumasok at nagpakilala sa akin at winelcome ako. Nang matapos iyon at mabilis na lumabas yung mga iba kong classmate para sa break.



"Hi!" Bati sakin ng nasa harapan ko.



Nabaling ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko na nakasalamin. Binigyan ko siya ng malapad na ngiti at ganun din sa akin.



"I'm Yukino Niji Nishida" pagpapakilala niya sa sarili niya. Yukino? Japanese ba siya?

"Japanese ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh oo half Japanese, ikaw ba?" Tanong niya. Anong klaseng tanong yan?

"Purong pilipino ka ba?" Dagdag niya.



Umiling ako habang natatawa. It's just weird to hear a japanese girl who speak deep tagalog word like 'purong'.



"Ahhh so may dugo kang ibang lahi?" Sabi niya.

"Yeah, I'm half German" sagot ko sa kanya.



Natigil na lang kami sa pag-uusap dahil may babaeng pumagitna sa amin at nagsalita din.



Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon