Elke's POV
"Okay, you can go home now. Class dismiss" sabi ng huling teacher namin.
Grabe parang napakahaba ng araw na ito para sakin. Iniligpit ko na ang textbook at ballpen sa bag ko, pati na din cellphone ay doon ko nilagay. Lumingon si Yukino sa akin kaya tinaas ko yung dalawang kilay ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Nasabi ni Zhera sakin yung nangyari kanina" sabi ni Yukino at ngumuso.
"Na ano?"
"Kanina"
"Ano nga kanina? Maraming nangyari" sagot ko at ikinandong ang bag sa hita ko.
"Zero?" Mahaba ang Zero nang sinabi niya iyon.
"Ahhh yun? Wala naman yun nabitawan lang niya ko tsaka hindi naman niya ata sinasadya iyon" sagot ko. "Pero masakit nga lang sa pwet"
"Alam mo Elke, yang kuya ni Zhera eh bully yan noon– actually pati ngayon pero di na ganun kalala kesa noon" sagot niya.
Umikot pa siya sa kinauupuan niya para magkaharap kami, tinitigan ko naman siya habang pinapakinggan ang history ni Zero Kyle dito sa Adamson.
"Madami na iyong nabully ang iba ay lumilipat na lang ng ibang school, tapos yung mga kumakalaban sa kanya ay kinikick-out, marami pang mga nangyari eh"
"Ehh? Di naman niya ata ako binubully eh" sagot ko saka isinuot yung sling bag ko.
Kinuha ko ang libro sa table na binigay sa akin ni Zhera kanina, yung iba ay iniwan ko sa locker room. Yung mga libro lang na gagamitin ko sa study mamaya eh yung dinala ko. Maliit na bag lang dinala ko kasi akala ko bukas pa nila ibibigay yung libro eh, sabi kasi doon sa head ng registrar eh bukas o sa makalawa pa tss.
"Uuwi ka na?" Tanong niya.
"Oo eh, sabi ni mama umuwi daw ako ng maaga nagpapasama siyang bumili ng groceries" sabi ko sabay ngiti.
"Hindi ba yung mga maid niyo yung gumagawa nun?" Sabi ni Yukino.
"Hmm sila pero minsan ay si mama lalo na pag hindi siya busy" sabi ko naman at tumayo. "Ikaw di ka pa uuwi?"
"Mamaya pa" sagot niya.
Tumango nalang ako bilang sagot, "pakisabi kay Zhera na una na ko ah? Ingat ka paguwi mo" sabi ko sa kanya habang papalakad papunta sa pinto.
"Ikaw din magiingat ka" sabi niya sakin.
Bago ako makalaas ng pinto ay kumaway siya sakin kaya kumaway din ako. Naglalakad na ako sa hallway at marami pa ding nakatingin sa akin kaya yumuko nalang ako. Can they stop staring at me? Alam ko namang bagong mukha yang nakikita nila.
Nakalabas na ko ng highschool building kaya maglalakad na naman ko palabas ng gate, binaybay ko iyon at nilampasan ang plaza circle ng school.
Habang naglalakad ako may narinig akong footstep. Alam ko namang marami ay lalabas ng school pero medyo malakas kasi yung footstep niya akala mo naman talaga ay gawang kahoy ang sapatos tss.
Lumingon ako sa likod ng biglang natapilok ako kaya nabitawan ko yung librong mga hawak ko, putek hindi kasi tumitingin sa dinadaanan ang malas naman.
Tumayo nako para kunin at iligpit iyon. Nakakahiya lalo na't maraming nakatingin kaya binilisan ko na ang may nakita akong brown leather shoes sa harap ko. Kinuha niya yung bag ko na hindi ko namalayang nahulo nahulog din pala kaya inangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang kumuha nito. Tumayo na ko at napakunot ang noo na si Zero iyon.
BINABASA MO ANG
Dumpling Head (College Boys Series #1)
Teen FictionCOLLEGE BOYS SERIES #1 Zero Kyle Emer Norwell, the college guy who always bully this highschool transferee girl named Elke Mariam Kiethlyn Venus (the girl character) but the reason of it is because he can't show to Elke that he like her and he don't...