Elke's POV
"Elke, be prepare tonight we have a visitor" sabi ni papa sakin na ikinataas ng kilay ko.
Sunday ngayon at hindi kami nagsimba kasi hindi ko alam pero dahil sa sinabi ni papa ay alam kong may bisita na kami.
"Who?" Tanong ko.
Papa just smiled at me, "Let's just say your friend from the past" sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
Well, maybe may kaibigan ako noon nung bata pa ko pero di ko na matandaan kung sino iyon. Madami na din kaya akong naging kaibigan. Sumulpot si mommy sa kung saan saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.
"You have a friend before... nung bago ka maaksidente. Finally, magkikita-kita ulit kayo and next time magkikita na ulit natin yung buong family nila" sabi ni mama na ikinatahimik ko at ngumiti ng peke.
I don't want to talk to my past anymore, naiinis ako kasi wala akong maalala. Baka nga yung mga pamilyar sakin eh kakilala ko pala, nakakahiya lang.
I was just 6 years old that time, sa sobrang pasaway ko daw ay pinagalitan ko yung driver namin kasi may pupuntahan daw kami di nila sinabi yung reason basta tungkol daw iyon sa friend ko nung bata kaya di ko na ulit tinanong kasi wala naman akong mapapala and yes, nagka-amnesia ako matapos ang aksidenteng iyon, until now di ko pa naaalala ang mga nangyari.
"Elker, anong oras siya ouounta dito?" Tanong ni papa kay kuya na kakababa lang ng hagdan.
"I don't know maybe at five in the afternoon like that before dinner?" Pagdadalawang-isip nitong sagot.
"Ako lang di nakakaalam kung sino pupunta dito, sino ba kasi yan?" Tanong ko sa kanila.
"Basta nga makikilala mo din mamaya" sabi ni mama at tinulungan ang mga maid sa paglinis ng bahay.
Alas dos na ng hapon kaya umakyat na ako sa taas at hinanda ang sarili kasi may bisita nga daw kami na kaibigan ko daw noon, echoss di ko naman kilala bahala na sila.
Humiga nalang ako sa kama kasi wala na akong magawa amporkchop. Kinuha ko yung laptop ko sa side table at binuksan ko iyon. Manonood nalang ako ng movie na 'midnight sun' tungkol lang naman ito sa babaeng may sakit sa balat tapos may crush siya simula pagbata.
"Elke, why are you crying?" Tanong ni kuya na nakalabas ang ulo sa pintuan ko at sinisilip ako.
Di ko naman alam na umiiyak na pala ako, malapit na kasi matapos yung movie tas yung nakakaiyak na part eh nasa dulo.
"Wala, niloko ako ng jowa ko" pagbibiro ko kay kuya saka pinunasan ng tissue yung luha ko.
"Akala ko ba wala kang jowa?" Sabi niya saka lumapit sa akin na nakatingin ng masama.
"Naniwala ka naman? Nanonood lang ako ng movie eh" sabi ko.
Isinara na niya yung laptop ko saka nilagay sa side table at binuksan yung kurtina. Napapikit na lang ako ng mata sa sinag ng araw mula sa labas. Di ko na kasi binuksan yun simula kanina pang umaga.
"Hoy di ka kagaya ng pinapanood mo ha, wala kang sakit sa balat kaya pwede ka masinagan ng araw" sabi ni kuya.
"Hoy din, maka hoy ka parang di mo ko kapatid ah?" Sabi ko.
Wala eh, ako talaga yung nagsisimula ng away naming dalawa ni kuya Elker. "Wag mo din akong ma hoy hoy kuya mo ko, mag ayos ka na kasi dadating na yung bisita natin na kaibigan mo noon"
BINABASA MO ANG
Dumpling Head (College Boys Series #1)
Roman pour AdolescentsCOLLEGE BOYS SERIES #1 Zero Kyle Emer Norwell, the college guy who always bully this highschool transferee girl named Elke Mariam Kiethlyn Venus (the girl character) but the reason of it is because he can't show to Elke that he like her and he don't...