CHAPTER 17

82 6 0
                                    

Elke's POV



The ring bell and it's the sign of our lunch break. Alas dose na ng tanghali, nilingon ako ni Yukino kaya tumango ako kasi alam ko na ang sasabihin nito.



"Tara" she said and then i smiled at stand up.



We walked towards to Zhera who is busy arranging to the papers. Kakapasa lang namin sa kanya ng mga test paper na sinagutan namin kani-kanina lang.



Inantay namin si Zhera matapos saka kami bumaba kaming tatlo. Tres marias tawag samin ng mga kaklase namin kasi di kami mabuwag. Naglakad na kami nina Yukino at Zhera nagkasalubong naman kami nina Khyzer at Andrei nang makalabas kami ng highschool building. Nakita ko naman si Khyzer at Yukino na ang laki ng ngiti, nandidilim ako, bitter ako– charott joke lang hahaha.



"Si kuya?" Tanong ni Zhera kay Andrei, napangiti naman ako kasi pinipigilan ni Zhera na di mamula pero di niya nagawa.

"Absent siya eh, di mo ba alam?" Sagot ni Andrei kaya napakunot ang noo ko nang marinig yun.

"Bakit daw?" Tanong ko kay Andrei.



Tiningnan naman nila akong apat na para bang may nagawa akong mali o kung ano ba. Tiningnan ko naman ng masama si Khyzer na nakangiti ng sobrang lapad na sobrang nakakaasar tingnan. Walang ibang ginawa toh kundi asarin ako amporkchop!



"Bat nagiging interesado ka na kay Zero ngayon?" Tanong ni Khyzer na nakangisi.



Hinampas naman ni Yukino si Khyzer sa braso kaya napatawa siya. Sinasaway siya ng future girlfriend niya tch cringe.



"Pag ba nagtanong interesado na agad?" Tanong ko sa kanya.

Nagkibit-balikat naman si Khyzer at ngumisi, "late lang siyang nagising" sabi ni Andrei saka huminga ng malalim, "sumabay na lang kayo samin maglunch" dagdag ni Andrei.



Nagpatuloy kami sa oaglalakad patungong cafeteria. Si Andrei nasa gilid ni Zhera pero malayo ito ng ilang metro, nasa kabila naman ako ni Zhera at nakahawak siya sa braso ko. Ang weird nilang dalawa ni Yukino kasi palagi silang nakahawak sa braso ko kulang na lang ay lumambitin sila sa sobrang bigat nilang dalawa.



Pumasok na kami ng cafeteria at nauna na si Andrei, pinagtininginan naman kami ng mga estudyante. Nakakailang pagtinitingnan ka ng mga tao– ako yung tinitingnan nila. Bat sila nakatingin sakin?



Naupo na kami sa rectangle na table yung kasya ang six. Ako naman ay umiwas ng tingin sa mga estudyanteng tinitingnan ako ng masama. Anong problema nila?



Binanewala ko na lang ang nga tingin nilang nakakamatay. Si Andrei at Khyzer na ang nagkusang umorder ng makakain namin. Mabuti pa tong si Khyzer kahit mapang-asar gentleman pa din, yung isa kelangan mo pang tanungin kung trip niya lang ba yung pagiging gentleman kasi minsan, trip lang niya eh wala siyang magawa sa buhay.



Lumipas na ang lunch kaya bumalik na kami sa kanya kanya naming building at classroom. Nakikita ko na naman na nagbubulong-bulongan sila nang dumaan kami. Narinig ko din ang pangalan ko kaya medyo kinabahan na ako, nakita ko din ang mga titig ng ibang estudyante na ang sasama at ang iba ay umiirap pa.



Pumasok na kami ng classroom at saktong pumasok na din ang PE teacher namin. Naglecture lang ito at pati ang susunod na teacher namin. Buti ay nakatakas ako dun sa mga bulong-bulungan na iyon.



Natapos na ang klase at sabi ni Yukino na mamasyal daw kami at magmall, pumayag din naman ako. Sabay na kaming tres marias na lumabas ng school, sumakay naman kami sa sasakyan nina Yukino.



Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon