CHAPTER 14

84 5 0
                                    

Elke's POV



Tumalikod si Zero sa akin at naglakad palayo. Aba di pa nagpapaalam ang kumag? Iniwan ba na naman ako ulit?



Huminga ako ng malalim saka naglakad na lang pabalik sa kinroroonan ni Nathan baka andun pa kasi siya. Naglakad na ako hanggang sa nakita ko si Nathan at nagkatinginan kami. Lumapit siya sakin kasama ang pinamili naming pagkain pero di pa kami nananghalian kaya mananahanglian muna kami.



"San ka ba nanggaling? Akala ko iniwan mo na ko eh" sabi niya sakin at kinamot ang likod ng ulo.


"Di ano lang, nagcr lang ako" sabi ko at tumawa ng pilit.

"Tara na akyat na tayo?" Sabi niya sakin saka hinawakan ang likod ko.



Jonathan is a gentleman person, siya yung tipo ng lalake na mabait, gentleman, low pride tsaka nakakatawa pero wag kayong maissue di ko naman siya gusto. He is just a kuya for me, yun lang wala ng iba tsaka maatittude din ito eh gaya ni kuya Elker.



Umakyat kami sa mall kasi nasa last floor yung mga resto eh tapos sa may sky park din ng mall para pagkatapos naming kumain ni Nathan eh magiistambay kami sa sky park.



Pumasok kami sa isang vintage restaurant. Nagorder na kami sa menu napangiwi ako kasi lahat ng nasa menu may seafoods eh allergic ako dun eh, pagkatapos naming magorder ay kinausap ko si Nathan.



"Bat dito mo ko dinala? May seafoods lahat ng nasa menu nila eh" sabi ko sa kanya.

"Don't worry, palit na lang tayo ng food ibigay mo saking yung seafoods tapos ibibigay ko yung mga hindi, okay?" Sabi niya sakin.

"Pero–"

"Don't worry" sabi niya at nginitian ako.



Ilang sandali ay dumating na yung pagkain namin at yun nga ang ginawa ni Nathan, pinalit niya yung seafood ko sa mga iba pang food. Ibinigay niya sa akin and pork, beef and barbecue kaya naman yung ulam niya eh puro na seafoods. Sana di ako magkahighblood.



Nagsimula na kaming kumain, si Nathan sarap na sarap sa kinakain niya. Putek ano ba lasa niyan? Nakalimutan ko na yung lasa ng shrimp and chuchu. Kapag tinikman ko baka di na ko aabutin ng bukas.



"Ano ba lasa niyan?" Tanong ko sa kanya. Nacucurious talaga ako eh ano ba!

"Masarap gaya ko" sabi niya at tumawa, maging ako ay natawa din kaya tinutok ko yung tinidor sa kanya.

"Gusto ko sana tikman" sabi ko saka sinubo yung kanin na nasa kutsara ko.

"Ang alin? Yung seafoods o ako? Tikman mo na lang ako bawal ka sa seafoods eh" sabi niya.

"Gago tumigil ka nga dyan, baka may makarinig nakakahiya" saway ko sa kanya.

"Di biro lang" sabi niya at tumawa.



Nagkwentuhan lang kami, sinagot niya naman yung tanong ko sabi niya masarap daw pero sayang kasi bawal ako dun. Nung bata pa ko sabi ni mama na naospital daw ako dahil kumain ako ng shrimp bigla akong di makahinga tsaka nangati ang buong katawan ko tsaka yung lalamunan ko eh parang nasarado. So ayun pinagbabawal na sa bahay na kumain ng seafoods di naman sa bawal sa kanila bawal lang sa akin.



Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at pumunta sa skypark. Ilang hakbang lang naman yung layo. Medyo mainit kasi at ala una na ng tanghali at nakatirik ang araw. Baka isipin niyo kung anong tumirik ha, araw yun araw.



Pumunta na kami doon sa isang malaking silungan, maraming bata ang naglalaro saturday kasi pero ayos lang I love kids tsaka ang ganda ng scenery dito pwedeng magpicture-picture o di kaya magdate ganun. Napangiwi ako kasi kadalasan na nandito eh magjowa amp!



"Kelan kaya ako magkakajowa?" Tanong ko sa sarili ko at oinagmamasdan ang mga magjowang dumadaan.

"Kapag pumuti na yung uwak" sagot ni Nathan.

"Ang sama!" Sabi ko saka sinuntok siya sa braso.

"Aray masakit, para kang amazona!" Sabi niya at hinimas ang braso niya kasi masakit daw.

"Pero di naman ako nagmamadali, dadating din yun" sabi ko sa kanya taas baba ng dalawa kong kilay.



Napatahimik kami saglit at tiningnan iyong batang lalake na naglalaro kasama ang mommy nito. Narinig ko naman ang pagbunting hininga nito ng malalim.



"Pano kung dumating na, dati pa?" Tanong niya sakin kaya napalingon ako sa kanya at seryoso siyang tiningnan.

"Ano ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Pano kung nakita mo na sa daan, nagkasalubong kayo, nagkatitigan kayo o di kaya kaibigan mo" sabi niya ng seryoso ang mukha.



Napatahimik naman ako sa sinabi niya, pano nga kung ganun? Huminga ako ng malalim saka tumango-tango at tumitig sa kawalan. Bumuntong hininga ulit ako at ibinaling ang tingin sa kanya.



"Then I'll wait hanggang sa magkatagpo na kami ulit" sagot ko sa kanya.

"Pano kung ako—" naputol yung sinabi niya ng may batang lalake na nadapa sa harap namin kaya agad ko itong tinayo.



"Baby, okay ka lang?" Tanong ko sa bata na malakas ang pagiyak.



Siya yung batang pinagmamasdan ko kanina habang kalaro ang mommy niya. Agad na tumakbo ang nanay nito at lumapit sa amin ni Nathan.



"Jovel, I said to you that don't run ayan tuloy" sabi ng magandang babae na lumapit sa amin. Pamilyar ang mukha niya sakin ah, nagkita na ba kami dati?

"Sowwy mommy" sabi ng bata sabay yakap sa mommy niya.



Parang di siya nanay sa itsura niya, para lang niya itong tita o kapatid. Ang ganda niya kasi tsaka may kahawig siya, para siyang si Zhera na mature version.



Tumayo na kaming dalawa ni Nathan saka hinarap ang mommy ng bata, "Thank you sa inyong dalawa ah" sabi nung magandang babaeng kamukha ni Zhera na karga-karga ang anak niya na umiiyak pa din.

Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. "You're welcome miss" sagot ni Nathan sa kanya.



Nagpaalam na ang babae na aalis na, nakatingin lang kaming dalawa ni Nathan sa babae na yun hanggang sa makalayo na ito.



"Ano nga ulit sasabihin mo, Nathan?" Tanong ko sa kanya nang maalala ko ang sasabihin niya sana.

Ngumiti siya sakin na parang ewan at sinagot ako, "Wala, sabi ko pano kung ako din? Pano ko makikilala yung magiging girlfriend ko?" Sabi niya kaya tumawa ako.

"Kaya di ka nagkaka-girlfriend kasi torpe ka! Sabihin mo na kasi sakin kung sino yan baka matulungan kita" sabi ko sa kanya at tinulak siya.

"Tss basta nga sasabihin ko din naman sayo pag tama na ang panahon" sabi niya sakin.

"Siguraduhin mo lang ah baka naman kung sino-sino lang yan"



Natawa ito at naupo kami sa may rubber na sahig at doon tumambay. Kinuha niya ang tubig sa plastic bag at binuksan.



"Drink your water kasi mainit ang panahon"

"Thanks" sabi ko at tinanggap ang tubig.

"Pero hindi ah basta mabait siya tsaka palaban" sabi niya at tiningnan ako nang sabihin niya ang salitang 'palaban'



Habang naguusap kami ni Nathan eh nadidistorbo ako sa mga magjowang dumadaan sa harap namin, di ko alam kung bakit pero si Zero pumapasok sa isip ko.



Zero?! Amporkchop hahaha charott oo siya yung naiisip ko pero di ko naman sinasabing ako yung jowa niya. Bat ko ba naiisip toh? Argh! Lumabas ka sa isip ko chu! Chu!

Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon