CHAPTER 21

75 7 1
                                    

Elke's POV



Lunes na pero yung utak ko eh nasa sabado pa. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa laas ngbbintana at pinapanood ang mga estudyanteng naglalakad patungo sa nga classroom nila. Hindi ako inabala ni Yukino kasi may ginagawa siya samantalang ako parang zombie'ng naghahanap ng utak.



Grabe ang pagkatahimik ko kahapon sabi ni kuya maging mabait daw ako at wag muna kami mag-away lalo na sa harapnnila mama at papa. Grabe yung pagpipigil ko kasi inaasar ako ni Zero at free na free siyang asarin ako. Ako naman tahimik lang kung wala pa sina mama at papa nun eh pinatulan ko na talaga ang lalakeng yun hmm!



Wala kaming time makipag-usap kay Zero, di ko tuloy natanong kung ano yung mga nangyari noon bago ako maaksidente pero ayos lang. Kapag nagusap kami na kami lang dalawa eh magtatalo siguro kami at mag-aaway na naman.



"Good morning to y'all!" Sigaw ni Zhera nang makapasok siya sa classroom namin kaya nabaling ang pansin naming lahat sa kanya.



"Morning"
"Morning Zhera"



Mga bati ng iilang mga kaklase namin na nakapansin sa kanya. Inilagay niya ang bag sa table niya at lumapit na sa amin.



"Morning guys" sabi niya habang nakangiti ng malapad.

"Hulaan ko kayo na ba ni Andrei?" Pagbibiro Yukino kay Zhera.

"Hindi baka nanligaw si Adnrei sa kanya" sabat ko naman kaya nagtawanan kami ni Yukino.

"Mga sira porket ba masaya ako eh tungkol na kay Andrei yun?"

"Oo tungkol sa kanya, happy pill mo kaya siya" sabi ni Yukino.



"Ha?"

"Hakdog" sabi ko at itinikom ang bibig ni Zhera na nakabuka gamit ang kamay ko.

"Gutom ka ghorl?" Tanong ni Zhera.

"Oo bakit manlilibre ka ba?" Sabi ko sa kanya habang nagpuppy eyes.

"Dami mong pera di mo ginagastos"



Tumawa naman ako sa sinabi ni Zhera pati naman si Yukino ay nakikitawa. Ilang sandali ay dumating na si miss Russiana at sinabing marami kaming gagawin this week at sa thursday and friday exam na namin ng third periodical exam. And next week magsesem-break na at babalik kami sa november second week so bali two weeks yung sembreak namin.



Sa sumunod na subject ay nagdiscuss lang kami at nagbigay ng mga activities na gagawin namin next day and lumipas ang ilan pang mga oras ang lumipas at natapos na din kaming magbreak. Pumasok na si miss Jimenez at tinawag ako.



"Yes ma'am?" Sabi ko nang makapunta ako sa desk niya.

"Yun palang ginawa niyo nina Zhera and Yukino, i need a draft on that" sabi niya sakin habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Tumango naman ako, "actually ma'am may draft na po kami nasa locker lang po sa baba" sabi ko kaya tumatango siya.



"If you want to pass it today, before one go to the faculty room and find me but you can still pass until on Wednesday I think I'm not around on thursday and friday" sabi niya kaya tumango-tango naman ako.



Nakikinig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya, panay tango naman ako para wala akong salitang malampasan nakakatakot kasi itong magalit eh tsaka pag di ka narinig.



"Am I making myself clear to you?" Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango ulit. Pwede na ko maging aso nito sa harap ng sasakyan, tango ako ng tango amporkchop.

Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon