CHAPTER 23

71 6 0
                                    

Elke's POV



Maaga akong pumasok sa school at hindi na kumain ng breakfast sa bahay. Diretso na ako sa classroom ko at konti pa ang mga estudyante na nandito.



"Goodmorning Elke" bati sa akin ni Jerry na isa kong kaklase.



Tiningnan ko lang siya atsaka ngumiti ng pilit. Umupo ako sa table ko at inilagay ang mga libro na irereview ko, advance review lang para sa exam namin sa thursday at friday.



"Ang aga mo ata Elke?" Sabi ni Jerry at umupo sa harap ko, kung saan umuupo si Yukino.

"Wala, naisipan ko lang maaga pumasok at magreview din dito medyo magulo kasi sa bahay" pagsisinungaling ko sa kanya habang sinasabi yun na hindi siya tinitingnan at nakaharap lang sa libro.



Wala namang problema sa bahay, ayoko lang makita si Zero habang papasok ako sa school. Sigurado akong mag-aabang yun sa akin at gusto akong kausapin, hindi pa ko handang kausapin siya lalo na't sobrang busy ko ngayon. Uunahin ko muna tong study ko.



"Bakit?"



Napaangat ang ulo ko at tiningnan siya, naweiweirduhan na ko sa kanya ha. Hindi naman sa nagtatanong siya sakin pero hindi naman kasi close tas pagnakikipag-usap kasi ako tungkol lang sa mga activities ng class. Hindi din ako ganoon ka close sa kanila, kina Yukino lang at Zhera.



"Ahh sorry" sabi nito at tumawa ng mahina.



Hindi ko na lang siya pinansin at nagbasa na lang ulit ng libro. Kahit hindi ko siya tingnan ay makikitang nakatingin pa din ito sa akin kaya ang ginawa ko ay inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya.



"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang kitang maging kaibigan, pwede ba?" Sabi niya at ngumiti sa akin.



Mukha naman siyang mabait, matalino din pagdating sa academics tsaka matino din di kagaya ni Zero na puro na lang kagaguhan ang ginagawa.



Tumango ako saka nginitian siya, "sure" mukha naman siyang makakapag-katiwalaan.

"Sige, balik na ako sa seat ko" sabi niya at tinuro ang upuan niya sa likod.



Tumango ako at bumalik sa upuan niya kung saan andun yung mga iba pa naming kaklase na paikot para magusap-usap ng kung ano-ano. Binaling ko na ulit pansin ko sa librong nasa harap ko at nagbasa ulit.



"Yukino!" Tawag ng kaklase ko kay Yukino na kakapasok lang ng classroom.



Lumapit si Yukino doon at binalik ko na lang yung pansin ko sa libro. Nag-usap sila pero di ko naman alam yung topic kaya bahala na sila.



"Ang aga mo ngayon Elke ah? Ano meron?" Tanong ni Yukino.



Inangat ko ang paningin ko at nakita ko siyang inaayos ang buhok habang nakatingin sa akin. Umiling ako bilang pagsagot sa kanya, nagbasa na lang ulit ako at tinapos ang huling pahina.



"Reviewing?" Tanong ni Yukino kaya tumango ako at ngumiti.

"Yah, malapit na kasi yung exam" sabi ko at kinuha ang susunod na libro na nasa gilid ng table ko.

"Bat wala ka sa library, mabuti dun kasi tahimik tapos bumalik ka na lang dito pagtime na" sabi niya.

"Wag na baka malate lang ako" sabi ko at tumawa.



May dahilan kung bakit ayoko pumunta sa library kahit gustuhin ko. Madadaanan kasi dun yung college building nila Zero at baka magkita kami. Ayoko muna magkasalubong yung landas namin na alam kong di mangyayari, araw araw nga nagkikita kami sa school ngayon pa kaya? Iiwasan ko na lang siya pero hindi naman yun ganun kadali basta bahala na lang kung anong mangyari mamaya.



Dumpling Head (College Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon