Chapter 6

198 11 8
                                        

CHAPTER 6

Deanne's POV

Kakatapos lang ng klase ko ngayong araw, papunta ko kila Grace ngayon nag text kasi siya kagabi na mag punta daw ako sa kanila kasi may ikekwento daw siya. Ano naman kaya yun? Pero anyway mag papakilala muna ako.

I'm Deanne Keith Martinez, 22 years old, BS Accountancy Student best friends din kami ni Grace since high school kaya super close kami. Matagal ko na ding alam na mahal nun yung ugok niyang best friend na lalaki si Hermes. Mag kakasama na kami since high school pero di ko gaano pinapansin si Hermes bulag yun dun sa bruhang Ysabelle eh kala mo talaga napaka ganda. Sama naman ng ugali. Anyways malapit na ko kila Grace. Bumili din ako kanina ng favorite naming inumin at snacks kasi feeling ko talaga interesting yung ikekwento niya.

Nandito na ko sa tapat ng bahay nila tinawagan ko siya at sinabing nandito na ko kaya maya maya pa lumabas na rin siya at pinag buksan ako ng gate.

"Ano ba yan Grace! di ka pa ba naliligo?! Tanghali na eh eww!" sabi ko sa kanya halata kasing di panaliligo naka pajama pa at ang gulo pa ng buhok.

"Napaka arte mo naman! pumasok ka na bilisan mo na" natawa naman ako, pumasok na kami sa bahay nila.

"Ikaw lang mag isa? wala kang kasama?" pag tatanong ko.

"Oo wala sila mama eh baka next week pa ang uwi, di pa sure yun kasi umuwi sila kay lola gusto ko sana sumama kaso may pasok tayo kaya ayun" nilagay niya sa ref ang dala kong inumin at nilapag sa mesa ang pagkain.

"Bakit pala ang aga mo di pako nakakapag luto ng lunch, 10am pa lang kala ko 12 pa out mo sa school"

"Wala kaming last subject kaya maaga ko, oh ano na mag kwento ka na habang nag luluto ng lunch. Ano namang lulutuin mo?" nagugutom na din kasi ako.

"Menudo?" sagot niya natawa anaman ako parang di pa siya sigurado sa lulutuin niya.

"Ay wow di ka pa sure te?" natatawang sagot ko. Natawa na lang din siya at nag simula ng kumilos.

"Oh ano na mag kwento ka na"

"Oo na excited hmp. So ayun nga kahapon namili kami ni Kenneth ng mga trophies habang papunta kami sa parking biglang dumating si Hermes kasama niya si Ysabelle"

"Bakit niya daw kasama yung bruhang yun?"

"Nanliligaw na siya kay Ysabelle"  ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Hays bakit pa kasi sa babaeng yun.

"Muntik pa nga sila mag away ni Kenneth kasi nag prisinta si Kenneth na siya na ang mag hahatid kay Ysabelle eh" nagulat ako sa sinabi niya. Teka bakit naman siya mag piprisinta na ihatid si Ysabelle'

"Bakit daw? bakit daw ihahatid ni Kenneth si Ysabelle" Hmm fishy! hindi kaya?! OH MY GHAAAAD.

"Ewan ko bigla siyang nag prisinta pero di pumayag si Hermes sabi niya siya daw ang nanliligaw kaya siya daw mag hahatid" sagot niya.

"Tapos anong nangyari?"

"Naiiyak na nga ko kahapon eh pero ikinagulat ko na hinawakan ni kenneth ang kamay ko tapos sabi niya siya na daw bahala sa akin" waaaahhhh sabi ko na nga ba eh!

"Tapos tapos anong pa daliiii" naeexcite ako kinikilig ako sa ginawa ni kenneth para sa kanya eh.

"Tapos dinala niya ko sa Tanay Rizal kagabi nag star gazing kami, hindi ko nga maintindihan kagabi yung nararamdaman ko ang gaan kasi ng loob ko sa kanya eh tapos alam mo ba" bigla niyang tinigil ang pag sasalita dahil nag uumpisa na siya mag gisa ng mga rekado.

"Hoy bilisan moooo naeexcite na ko eh"

"Tapos yun nga. sabi niya pag nalulungkot siya nag pupunta siya dun at nag sisisigaw. pinagawa niya sakin yun. Gumaan ang pakiramdam ko pag katapos nun. Tapos sinabi niya sa akin na alam niyang mahal ko si Hermes"

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now