Araw ng linggo, dalawang linggo na rin ang lumipas matapos sagutin ni Ysabelle si Hermes sa harapan ko, Bukas umpisa na ng College Week, natapos na rin namin ni Kenneth lahat ng pinapagawa sa amin ni Sir. Dalawang linggo na din simula ng di ko kausapin si Hermes. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko, nag tetext siya at kinakamusta ako pero pinipigilan ko ang sarili kong mag reply sabi kasi ni Deanne hindi ako magiging okay kung hahayaan ko ang sarili na patuloy masaktan sa kanila ni Ysabelle.
Hanggang ngayon di pa rin bumabalik sila mama, namimiss ko na mga sigaw niya sa umaga bago ako pumasok, baka isang buwan o dalawang buwan pa sila doon. Pero kahit ganun di naman ako na boboring minsan kasi dito natutulog si Deanne tapos pag may pasok lagi akong sinusundo ni Kenneth para sabay kami pumasok, lagi niya rin akong binigbigyan ng sunflower araw-araw walang palya, minsan naman napaka aga niyang mag punta dito di pa ko nakakaligo nandito na siya para lang mag luto ng breakfast namin bago pumasok. Pag di naman kami sabay pumasok pag dating ko sa room may bulaklak sa upuan ko tapos siya naka yuko lang sa upuan niya madalas ko siyang maabutang tulog pag dumarating ako sa room.
Mag tatanghali na nakahiga pa din ako antok na antok kasi ako anong oras na ko natulog mag aalas quatro na ng umaga. Nag paikot ikot lang ako sa kama nag twitter at nag facebook hanggang sa nakatulog ako. Biglang nag ring ang phone ko pag tingin ko kung sinong tumatawag si Kenneth pala, kaya sinagot ko ito.
"Hello?"
"Good morning, buti naman gising ka na" sabi neto sa kabilang linya.
"Good Morning ka jan tanghali na kaya" natatawang sagot ko.
"Bangon na pag buksan mo ko ng pinto"
"Hala sorry! teka lang" binaba ko ang phone at tumakbo ako pababa. Binuksan ko ang pinto at nasa tabi siya neto nakaupo.
"Pano ka nakapasok sa gate ha?" tanong ko.
"Inakyat ko"
"Ha? bakit mo inakyat sana tinawagan mo na lang ako para nabuksan ko para sayo"
"Ayos lang" ang tipid talaga sumagot.
"Mauuna na ko pumasok di pa ko nag hihilamos nakakahiya kasi naman eh, sara mo na lang yung pinto" tumango lang ito.
Umakyat na ko sa kwarto ko, dumeretso ako sa cr para mag hilamos at mag toothbrush, pag labas ko nag suklay ako ng buhok at inayos ang suot kong pantulog. Pag baba ko naririnig akong ingay sa kusina. Kaya naman dumeretso na ko dun nadatnan ko si Kenneth na nag luluto ng pagkain.
"Ikaw nanaman nag luto jan" sabi ko sa kanya lagi niya kasing ginagawa yan para sa akin.
"Anong oras ka dumating?" sabi ko ulit.
"Di pa naman masyadong matagal"
"Anong oras yung di masyadong matagal na yan ha?" pag tatanong ko naman.
"Mga 8am" napakunot ang noo ko.
"8am tapos mag aalas dose mo ko tinawagan?!" inis na sabi ko.
"Nagising kasi ako ng 3am kanina kita ko online ka pa kaya alam kong umaga ka na natulog pag dating ko kanina kumatok ako ng ilang beses pero di ka nag bubukas kaya nag antay na lang ako sa labas" paliwanag niya sa akin.
"Eh pano mo nalaman na gising na ko?" nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"I don't know naisipan ko lang na tawagan ka then you answered it so yeah you're awake" ito talagang lalaking to kahit kelan. Pag katapos niyang mag luto kumain na din kami. Kahit wala sila mama di ako nalulungkot kasi may kasama ako lagi kumain. Nanliligaw pa lang siya ganito na.
"Courtney, simba tayo mamayang hapon" nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige, simba lang ha hindi tayo mag dedate, aayusin ko pa mga dadalhin natin sa school para sa pag sisimula ng College Week" natawa naman ito.
YOU ARE READING
By Your Side (COMPLETED)
RomanceNaranasan niyo na bang mafall sa bestfriend mo? Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? Handa ka bang isugal ang puso mo sa taong handa kang isalba sa sakit na nararamdaman mo? Ako si Courtney Grace Priva at ito ang kwento ko.