Habang umiiyak si Hermes hindi muna ako nag salita hinayaan ko lang na umiyak siya hinahaplos ang likod niya, nang kumalma ito umupo kami sa damuhan.
“Anong nangyari?” tanong ko sa kanya.
“Wala na kami” hindi ko alam kung dapat ba kong matuwa sa narinig ko.
“Nakipag hiwalay siya kanina, umpisa pa lang alam ko namang hindi niya ko mamahalin pero umasa pa rin ako na baka, baka sakaling mahalin niya rin ako. Kaya kahit alam kong mali na siya kinampihan ko pa din siya nag bulag bulagan ako” naiiyak nanaman siya.
“Tahan na, nadami pang babae jan hindi lang siya, igalang na lang yung desisyon niya, sigurado naman ako na kahit papano minahal ka niya” sabi ko sa kanya.
“Minahal nga ba? Ano bang meron sa lalaking yun bakit siya ang gusto niyo?” alam kong si Kenneth ang tinutukoy niya, kaya hindi ako sumagot.
“Chanak sorry ha, babawi ako sayo promise ko yan” ngumiti naman ako, nanatili pa kami sandali doon at umuwi na rin hinatid niya ako sa bahay saka siya umuwi sa kanila.
*****
Lumipas ang mga araw madalas na ko ulit sunduin ni Hermes sa bahay at ihatid pauwi pag katapos ng klase namin, si Deanne naman bihira ko din makasama malapit na rin kasi ang Finals sa loob ng isang buwan at kalahati gagraduate na kami. Si Kenneth naman sa room ko na lang nakakausap. Ang bilis ng oras tatlong buwan mahigit na rin siyang nanliligaw sa akin kahit hindi niya na ko naihahatid at nasusundo ng madalas lagi paring may sunflower sa upuan ko pag dumarating ako ng room namin.
Sabado ngayong at wala kaming klase kasalukuyan kong inaantay si Hermes, lalabas daw kami napapadalas na nga eh lagi kaming kumakain sa favorite kong coffee shop. Ngayon naman pupunta kami sa mall para mag laro sa timezone. Maya-maya pa ay dumating na siya.
“Ano chanak tara na?” tumango naman ako at ngumiti. Pag labas namin ng bahay may nakita akong sunflower na nakadikit sa gate. Kinuha ko ito, alam ko kung kanino galing ito napangiti naman ako.
“Alien saglit ipapasok ko lang to” sabi ko kanya at pumasok sa loob ng bahay, inilagay ko ang sunflower sa vase namin sa sala saka ako lumabas ulit.
“Tara na” sabi ko saka ako pumasok sa sasakyan niya.
Nang makarating kami sa timezone, agad naman niya akong hinila papunta sa may videoke at inabot sa akin ang mic.
“Chanak kantahan mo naman ako namiss ko boses mo” kinuha ko naman sa kamay niya ang mic.
“May magagawa pa ba ko eh nandito na tayo” siya ang namili ng kanta at pinakanta ako ng ilang beses.
“Hoy pagod na ko ikaw naman” inabot ko sa kanya ang mic pero pag kakuha neto ibinalik sa lalagyan at hinila ako palabas ng videoke.
Nag laro kami ng halos lahat ng games na nasa loob ng timezone.
“Alien pagod na ko tsaka gutom na ko kain na tayo”
“Ako din gutom tara na” hinawakan niya ang kamay ko at lumabas na kami dun pumasok kami sa jollibee kasi favorite naming dalawa yun. Siya na din ang umorder para sa akin. Ito talagang si Hermes kahit kelan hindi nakakalimutan ang mga gusto ko.
*****
Hermes POV
Nandito kami ni Courtney sa Jollibee mag uumpisa na kaming kumain ng makita ko si Kenneth sa labas nakatingin sa amin sa malayo hindi naman siya nakita ni Courtney dahil nakatalikod ang inuupuan ni Courtney sa direksyon ni Kenneth.
Kinuha ko naman ang burger na favorite ni Courtney at sinubuan siya, sinadya kong ilampas ang mayo ng burger sa muka niya para makita ni Kenneth na pupunasan ko ito. Nawala sakin si Ysabelle dahil sa lalaking yan hindi ko hahayaan na pati ang best friend ko makuha niya.
“Ang dugyot mo naman kumain Chanak eh” pinunasan ko ang labi netong may mayo pasimple ko namang tinignan si Kenneth nakatitig pa din ito sa amin kaya naman pinisil ko ang ilong ni Courtney dahilan para hampasin niya ko ng tumatawa. Nang makita kong umalis si Kenneth saka ako nag umpisang kumain.
Matapos naming kumain ni Courtney hinila niya ako sa national book store.
“Chanak” pag tawag ko sa kanya habang tinitignan ang mga libro na naka display.
“Hmm” tangong sagot niya.
“Kunin mo na yung mga librong gusto mo”
“Ha? Bakit? Ayoko nga wala akong ibabayad jan no nag iipon ako para sa graduation” sagot naman niya sa akin.
“Ako mag babayad regalo ko na sayo sa graduation mo kaya kunin mo na lahat ng magugustuhan mong libro” mahilig kasi siya mag basa isa sa mga paborito ni Chanak ang Kwento ni Justine at Jasmin ang librong yun ay may title na KLWKN isunulat ni Binibing Sinaya. Nabasa ko na rin yun kaya ng makita niya ang librong iyon agad ang una niyang dinampot. Nang makuha niya ang mga libro na gusto niya.
“Alien ito na okay na to”
“Tatlo lang?” tanong ko naman.
“Oo okay na yan sa akin” binayaran ko naman agad ang mga iyon. Hindi namin namalayan ang oras mag aalasyete na pala ng gabi.
“Tara na uwi na tayo baka hinahanap na ako nila mama” pag aaya niya naman, tumango ako at nag punta na kami sasakyan ko at umuwi.
*****
Kenneth’s POV
Dumaan ako sa bahay nila Courtney kanina pero nakita ko naka park ang sasakyan ni Hermes sa labas ng bahay nila kaya iniwan ko sa may gate nila ang sunflower na para sa kanya hindi na ko nag abala pa na kumatok sa kanila. Umalis na ko at umuwi sa bahay. Pag dating ko naman ay inutusan ako ni Mommy.
Nasa mall na ako para mag grocery dahil wala si yaya naka day off pag pasok ko sa mall nakita ko sila Hermes at Courtney sa loob ng Jollibee kung saan favorite kumain ni Courts. Naiinis ako sa nakikita ko sinusubuan siya ni Hermes. Gusto kong magalit at kunin si Courtney sa lalaking yun na walang ibang ginawa kundi paiyakin siya pero hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan.
Umalis ako bago pa nila ako makita. Namimiss ko na ang babaeng yun. Sa classroom na lang kami nag kakausap hindi ko na siya naihahatid at sundo sa bahay nila. Hindi rin kami nag kakasabay kumain sa lunch.
Inaamin ko nag seselos ako. Simula ng mag hiwalay si Hermes at Ysabelle lagi na ulit silang mag kasama ni Hermes. Natatakot ako, natatakot ako na baka yung pag-asang nabuo ko para sagutin ako ni Courtney ay mawala dahil nanjan na ulit ang lalaking mahal niya.
YOU ARE READING
By Your Side (COMPLETED)
RomanceNaranasan niyo na bang mafall sa bestfriend mo? Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? Handa ka bang isugal ang puso mo sa taong handa kang isalba sa sakit na nararamdaman mo? Ako si Courtney Grace Priva at ito ang kwento ko.
