Courtney's POV
Matapos namin mag usap ni Ken kumain kami ng dinner na pinahanda niya, prepared na rin pala ang hotel na tutulugan tag isa kaming kwarto mag katabi lang yun. Nandito na ko ngayon nakahiga, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, bigla na lang nag faflash sa utak ko ang muka ni Ken, yung mga ngiti niyang nagiging dahilan para maging okay ako.
Ayokong madaliin ang nararamdaman ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko pag nanjan siya sa tabi ko, komportable ako sa kanya pero kinakabahan din ako na para bang may mga kabayo na nag uunahan sa pag takbo palabas sa puso ko, pag sinasabi niyang mahal niya ako at hihintayin niya ako parang may mga paru-paru na nag lalaro sa loob ng tiyan ko. Ano na nga ba itong nararamdaman ko.
Habang malalim akong nag iisip biglang nag ring ang cellphone ko. Pagtingin ko si Deanne pala tumatawag.
"Hoy babae di ko na maantay na bumalik ka mag kwento ka na" bungad niya ng sagutin ko ang tawag niya.
"Gabing gabi na tumawag ka pa para lang pag kwentuhin ako baka naman pwedeng bukas na maaga naman kami uuwi bukas eh"
"Ayoko! sige na Grace mag kwento ka na kasiiii pleaseeeee" pangungulit niya sa akin.
"Oo na wag ka na makulit" Nag umpisa na ko mag kwento sa kanya ng nangyari as in lahat mula sa pag sundo sa akin sa bahay kwinento ko sa kanya lahat ng pinag usapan namin sinabi ko din wala akong kinalimutan ganun kami mag kwentuhan dapat detalyado. Nang matapos ako mag kwento.
"Waaaahhh grabe Grace ang swerte mo naman kay Kenneth! Ano namang nararamdaman mo ngayon ha babae ka?"
"Yun nga ang gusto kong sabihin sayo Deanne eh, hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko na masaya ako nanjan siya, yung saya na tipong ayoko siyang mawala sa tabi ko"
"Grace waaahhhhhh baka naiinlove ka na kay Kenneth im so happy for you" sagot niya naman sa akin.
"Naiinlove na nga kaya ako sa kanya Deanne? Ayokong madaliin ang sarili ko, ayokong masaktan si Kenneth ng dahil sa akin" seryosong sabi ko sa kanya.
"Hay nako Grace, basta wag mong pipigilan ang sarili mong mahulog sa kanya, nanjan siya para saluhin ka hindi kagaya ni Hermes"
"Salamat Deanne, sige na matutulog na ko, Good night" hindi ko na siya inantay sumagot pinatay ko na ang tawag at nilagay ang cellphone ko sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng higaan ko.
Mag aalauna na ng biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan, bigla namang kumulog ng napakalakas, naiiyak na ko, takot ako sa kulog. Kinuha ko ang cellphone ko at nag talukbong ng kumot. Tinawagan ko si Kenneth. Buti na lang sinagot niya agad ito.
"Ken, naistorbo ba kita? natutulog ka na ba?" mangiyak-ngiyak nasabi ko.
"Oo gising pa ko hindi rin ako makatulog, may problema ba?"
"Pwede mo ba kong samahan, natatakot ako sa kulog at kidlat"
"Sandali lang wag mo ibaba ang tawag antayin mong kumatok ako sa kwarto mo" ilang sandli pa ay may kumatok na. Bumangon ako habang daladala ang kumot at cellphone ko. Saktong pag kabukas ko ng pinto bigla nanamang kumulog ng malakas, napayakap ako sa lalaking nasa harapan ko sa takot at nag simulang umiyak.
"Shh, nandito na ko Courtney tahan na" isinara naman ni Ken ang pinto at nakakapit ako sa kanya ng bumalik kami sa kama ko. Binuksan niya naman ang ilaw at umupo sa tabi ko.
"Okay ka lang ba?" Umiling ako.
"Bakit ka ba takot sa kulog at kidlat?" nag aalalang tanong niya. Binuksan niya yung speaker sa malpit sa may tv at nag patugtog ng music para daw hindi ko marinig ang kulog.
YOU ARE READING
By Your Side (COMPLETED)
RomantiekNaranasan niyo na bang mafall sa bestfriend mo? Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? Handa ka bang isugal ang puso mo sa taong handa kang isalba sa sakit na nararamdaman mo? Ako si Courtney Grace Priva at ito ang kwento ko.
