"Anak gising na" rinig kong sabi ni mama.
"Inaantok pa ko ma" nag talukbong ako ng kumot.
"Bumangon ka na jan nakakahiya naman sa manliligaw mo nandito na siya nakahiga ka pa" nang marinig ko ang sinabi ni mama agad kong tinanggal ang kumot ko at agad na bumangon para kunin ang twalya ko at dumeretso sa cr.
"MAMA BAKIT NGAYON MO LANG AKO GINISING!" sigaw kong sabi habang naliligo.
"Kanina pa kita ginigising ayaw mong bumangon, mauuna na ako sa baba bilisan mo na jan"
Gaya ng sabi ni mama binilisan ko talaga maligo, nakakahiya nag antay nanaman si Kenneth sa akin. Pag katapos ko maligo kinuha ko ang pulang dress na regalo sa akin ni mama nung birthday ko last year hindi ko pa ito naisusuot kahit isang beses ngayon pa lang. habang nag aayos ako biglang pumasok si mama sa kwarto ko.
"Anak pinapasabi pala ni Kenneth na mag dala ka daw ng damit mo para hanggang bukas" nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni mama.
"Ano po?! bakit san ba kami pupunta?!"
"Basta sumunod ka na lang anak nag paalam na siya sa amin ng papa mo" tumango na lang ako. Kumuha ako ng maliit na bag at nilaagay ang damit ko na gagamitin para mamayang gabi sa pagtulog at damit bukas pauwi. Pagkatapos ay pinag patuloy ko ang pag aayos nag lagay lang ako ng light na lipstick at foundation. Bago ako bumaba tinignan ko kung anong oras na.
"Walangya 6am pa lang ng umaga?! anong klaseng date to 6am ng umaga may bitbit pang damit?!" sabi ko sa sarili ko.
Bumaba na ako bitbit ang mga gamit ko nakita ko si Ken na nakaupo sa sofa. Nang makita niya ako lumapit ito sa akin at kinuha ang mga dala ko.
"Good Morning Courtney" nakangiting sabi neto.
"Good Morning, san tayo pupunta bakit may bitbit na damit?" pagtatanong ko sa kanya.
"Malalaman mo rin mamaya, tara na alis na tayo?" tumango naman ako.
"Ma, Pa, alis na po kami" paalam ko sa magulang ko.
"Kenneth ingatan mo si Grace iuwi mo ng buo yan dito" sabi ni papa kay Kenneth.
"Opo tito makakaasa po kayo" humalik ako sa pisnge ni mama at papa nag mano naman si Ken sa kanila at umalis na kami.
Pag labas namin ng bahay dumeretso kami sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto, nilagay niya na din sa back seat ang mga gamit ko at pumasok na rin siya sa driver's seat.
"San ba tayo pupunta?" pag tatanong ko.
"Sa Pangasinan" saka niya inistart ang sasakyan at pinaandar ito.
"ANO?! sa pangasinan? anong gagawin natin dun? ang sabi mo date hindi bakasyon may pasok tayo bukas baka nakakalimutan mo lunes na bukas"
"Alam ko, kaya nga nag paalam na din ako sa mga prof natin na aabsent tayo"
"Anak ka ng nanay mo Kenneth, bat di mo sinabi sa akin"
"Courtney may surprise bang sinasabi?" natatawa niyang sagot.
"Ewan ko sayo siguradhin mong matutuwa ako sa pinag gagawa mo ah"
"Matutuwa ka, sigurado ako" nag kibit balikat na lang ako at binuksan ko ang music sa loob ng sasakyan niya. Nagulat ako ng tumugtog ang Can You Feel The Love. Bigla ko namang naalala lahat ng nangyari nung students night. Yung oras na nag sasayaw kami.
Napatingin naman ako kay Kenneth na mukang masaya pinakikinggan ang tugtog.
"Ken matutulog muna ako ha, inaantok talaga ako"
YOU ARE READING
By Your Side (COMPLETED)
RomanceNaranasan niyo na bang mafall sa bestfriend mo? Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? Handa ka bang isugal ang puso mo sa taong handa kang isalba sa sakit na nararamdaman mo? Ako si Courtney Grace Priva at ito ang kwento ko.
