Courtney's POV
Matapos namin mag sayaw ni Ken lahat ng mata nakatingin sa amin yung iba pakiramdam ko nanlilisik ang mata sa akin, kasama si Ysabelle dun, habang nakaupo kami nararamdamdaman kong kulang na lang mapatay ako sa mga titig ni Ysabelle.
"Ms. Priva you look stunning tonight" sabi ng isa sa mga prof namin.
"Salamat po" sagot ko naman.
"Bagay kayo ni Mr.Villanueva nakita ko kayong nag sasayaw kanina hindi ako mag tataka kung isang araw manliligaw na sayo ang bintang iyan" di ko alam isasagot ko.
"Yes sir, I'm courting Grace po"
"Wow, Ms.Priva nanliligaw na pala sayo hindi man lang kami na inform" sasagot sana ako ng parents ko nga di pa alam eh.
"Kelan ka pa nag simula manligaw Mr. Villanueva?" ano ba tong mga prof namin napaka chismoso.
"Tatlong linggo na po Sir" sagot naman ni Kenneth, napalingon ako sa gawi nila Ysabelle at Hermes mukang inis na inis si Ysabelle di ko alam kung bakit.
"Galingan mo sa panliligaw Mr.Villanueva, o siya aalis muna kami dun muna kami sa ibang mga professor pa enjoy the night students" naiwan kaming apat sa mesa. Wala rin akong balak mag salita. Maya-maya pa ay umalis si Ysabelle sa upuan niya.
"Ken, gusto kong lumabas okay lang ba?"
"Gusto mo bang samahan kita?"
"Hindi na ako na lang babalik din ako agad mag papahangin lang ako" tumango naman siya kaya nag lakad ako papunta sa garden.
Umupo ako sa bench malapit sa may maliit na fountain. Ang ganda puro ilaw.
"Nandito ka lang palang malandi ka" nagulat ako ng makita ko si Ysabelle nakatayo sa may gilid ko.
"Ayoko ng gulo Ysabelle" akmang tatayo na ko ng kinapitan niya ako sa braso.
"Ayaw mo ng gulo? Really? kung ganun bakit mo nilalandi si Kenneth ha?!" pag singhal niya sa akin.
"Hindi ko siya nilandi" kalmadong sabi ko.
"Maang-maangan ka pa Grace kitang kita naman ng lahat"
"Wala ka na bang sasabihin? aalis na ko" tumayo ako at inalis ang pag kakahawak niya sa braso ko. Nagulat ako ng bigla niya akong sampalin.
"LAYUAAN MO SI KENNETH!" madiin at galit na sabi neto. Napahawak ako sa muka ko. Bigla namang dumating si Hermes, halos mag kasunod sila ni Kenneth. Lumapit naman ito kay Ysabelle at ganun din si Kenneth sa akin.
"Anong nangyayari dito?!" pag tatanong ni Hermes.
"S-si Grace, sinampal niya ako" at mas inilapit ang sarili niya kay Hermes. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Courtney anong ginagawa mo bakit mo sinasaktan si Ysabelle?!" galit na sabi ni Hermes.
"Tumigil ka! Hindi na ko ulit papayag na saktan mo si Courtney dahil sa pag sisinungaling ng babaeng yan." kalmado pero mahahalata mong galit si Kenneth sa pag bigkas ng mga salita niya.
"Anong sabi mo? Sinungaling ang girlfriend ko" Lumapit naman ito kay Kenneth at pumwesto si Kenneth sa harapan ko upang harangan ako.
"Bakit hindi ba? kaibigan ka ba talaga ni Courtney? sating dalawa ikaw ang dapat mas nakakakilala sa kanya pero ikaw pa itong unang naniniwala sa kasinungalingan ng babaeng yan" pag tukoy niya kay Ysabelle.
Akmang susuntukin ni Hermes si Kenneth ng maunahan siya neto. Napasigaw naman kami ni Ysabelle sa gulat. Nilapitan niya agad si Hermes. Kinapitan ko naman si Ken sa braso.
![](https://img.wattpad.com/cover/223784124-288-k441923.jpg)
YOU ARE READING
By Your Side (COMPLETED)
RomansaNaranasan niyo na bang mafall sa bestfriend mo? Kung papipiliin ka, mahal mo o mahal ka? Handa ka bang isugal ang puso mo sa taong handa kang isalba sa sakit na nararamdaman mo? Ako si Courtney Grace Priva at ito ang kwento ko.