Chapter 1

367 21 5
                                    

Courtney's POV

Ako nga pala si Courtney Grace S. Priva 4th year College nag aaral sa Sinaya University.

Hmm, something about my self? Hindi ako maganda, hindi rin ako mayaman, hindi rin talented in short, tulog ako ng nag paulan si Lord ng biyaya. Pero ayos lang sapat na yung meron akong mga best friend na baliw.
first day ng school at eto ako nakahiga pa din

"Grace! ano di ka pa ba babangon darating nanaman si Hermes di ka pa bumababa"

Tuwing umaga na lang sumisigaw si mama ang bagal ko daw

"Opo ma! nag aayos na po" pero ang totoo maliligo pa lang ako.

Pag katapos ko maligo nag madali na kong mag ayos at bumaba na para kumain

"Oh bilisan mo na anong oras na napaka bagal mo talagang bata ka"

"Mama naman eh puro semon ang aga aga"

"Nanjan na kasi si hermes sa labas ayaw ng pumasok aantayin ka na lang daw niya sa labas"

"Po?! nanjan na si hermes bakitngayon nyo lang sinabi" kumuha ako ng sandwich na nasa mesa saka dinampot ang bag ko na nasa upuan

"Aalis na po kami mama sa school na lang po ako kakain"

"O sya sige mag iingat ka" hindi na ko sumagot pag labas ko ng pinto nakita kong nakatayo si Hermes sa labas.

"Hoy Alien bakit di ka pumasok sa loob" tanong ko sa kanya habang sinusuot ang sapatos ko.

"Malelate na kasi tayo ang tagal tagal mo kumilos" iritado na sabi niya. palihim akong ngumiti sa muka nyang iritado. Nag lakad ako palapit sa kanya

"Oh ano tara na bakit nakatayo ka pa jan di mo man lang ba ko papapasukin jan sa sasakyan mo" salubong ang kilay nito at halatang naiinis, pero pinag buksan niya pa rin ako ng pinto.

"Salamat alien" ngumiti ako at pumasok sa sasakyan niya, pag pasok niya sa sasakyan ay wala itong imik na nag drive.

Oo nga pala siya si Hermes Luke Mendelev best friend ko siya simula pa nung elementary grade 2 at hanggang ngayon naalala ko pa din pano kami naging mag kaibigan

*****

Flashback(Grade 2)

October na ng mag transfer ako sa Manila galing Bicol napag pasyahan kais ng magulang ko na dito na kami titira kaya kelangan ko din mag transfer ng school isang linggo na ang nakakalipas ng mag umpisa akong pumasok sa bagong school na pinapasukan ko at isang linggo na rin akong walang gaanong kinakausap maliban pag kakausapin ako ng teacher ko.

Mag isa akong nakaupo sa likod ng classroom sa may tabi ng bintana ng may batang lalaking lumapit sa akin.

"Hi! ikaw yung bago naming classmate diba?" at bigla siyang umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin sa sa akin.

"Hoy bata masakit ba ngipin mo bakit ayaw mong sumagot"

"Sorry sabi kasi ni mama wag daw ako makikipag usap sa di ko kilala eh" totoo namaneh yun ang laging siansabi sakin ni mama

"Kaya nga nakikipag kilala ko sayo eh para may kaibigan ka na kasi lagi ka na lang mag isa"

"Sige, ako nga pala si Courtney. Ikaw anong pangalan mo?" ngumiti siya at nilahad ang kamay niya "Ako naman si Hermes. mag kaibigan na tayo ah"

Simula nun lagi na kaming mag kasama, pag breaktime sinasamahan  niya ko kumain tapos pag uwian sinasabayan niya ko mag lakad papunta sa service ko.

******

"Chanak nandito na tayo"
"Hoy Courts nandito na tayo tulala ka jan"

"ay sorry hehe may naalala kasi ako tara na malelate na tayo" saka ko bumaba ng kotse niya at ganun din siya.

"Kita tayo mamayang lunch Chanak ah wag ka sasabay sa iba mag lunch" napaka ng lalaking to.

"Kasama ko si Deanne mamaya kilala mo naman yun eh sama na natin ha babyeeee" saka ko tumakbo papunta sa building ng department namin. Si Hermes kasi computer engineer ang course kaya mag kaiba kami ng building samantalang ako marketing at si deanne naman accountancy. 

Habang tumatakbo ako may nabangga ako kaya nalaglag yung gamit na dala ko at napaupo. pag tingala ko nakita ko si.......

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now