EPILOGUE

199 11 15
                                    


Ngayon ang gabing inaantay ng mga graduates, ang Graduation Ball. Tatlong araw na ang nakakalimpas matapos ang graduation namin. Isa ito sa mga gabing inaantay ko. Never akong gumawa ng kahit na ano para kay Ken ngayon lang ako babawi. Humingi ako ng tulong kay Deanne para sa pinaplano ko.

Nandito si Deanne sa bahay ngayon dito kami mag aayos para sa graduation ball. Alas tres na ng hapon ng mag umpisa kaming ayusan. Nang dumating si Ken sa bahay para sunduin kami saktong palabas na rin kami ng kwarto ko. Nang makita ko siya na naka upo sa sofa habng suot-suot ang itim na suit niya hindi ko mapigilang mapangiti.

"Ayiieee gwapong gwapo sa boyfriend niya" pag-aasar naman ni Deanne sa akin.

"Manahimik ka jan gwapo naman talaga siya eh" natawa naman ito. Lumapit sa amin si Ken para alalayan kaming dalawa sa pag baba ng hagdan. Nang makababa kami nag paalam na rin kami kila mama na aalis na kami.

Habang nasa byahe kami papunta sa hotel kung saan gaganapin ang grad ball hawak ni Ken ang kamay ko habang nag dadrive siya.

"Ehem, wag nyo naman pag kalandakan sa akin na single ako" natawa naman kami ni Ken.

"Pansinin mo na rin kasi ang mga nanliligaw sayo puro ka naman kasi ayaw mo eh" sabi ko sa kanya.

"Eh ayoko di ko ma feel yung ginagawa nila eh, gusto ko yung maeffort gaya ng panliligaw ni Kenneth sayo puro lang sila chat sa facebook eww" sagot naman niya.

"Nandito na tayo" sabi ni Ken.

"Oh siya mauuna na akong bumaba sa inyong dalawa ha since wala naman akong partner"

"Okay, see you sa loob" sabi ko. Bumaba na siya nag nag umpisa ng mag flash ang mga camera sa mga dumarating na studyante.

"Ano handa ka na ba?" tanong sa akin ni Ken.

"Bigla kong naalala yung Students Night natin parang kelan lang nanliligaw ka pa sa akin nung unang party na pinuntahan nating dalawa" hinawakan niya ang kamay ko.

"Tapos ngayon girlfriend na kita" dugtong naman niya sa sinabi ko.

"Tara na walang kasama si Deanne sa loob" pag aaya ko sa kanya. Bumaba naman siya ng sasakyan nasa loob pa lang ako kita ko ng pinag titinginan siya ng mga babae. Binuksan niya ang pinto at hinawakan ang kamay ko sa pag baba ng sasakyan.

Ang daming matang nakatingin sa amin ngayon hindi ko alam kung panget ba yung suot ko o sadyang gwapo lang ang kasama ko. Nakakapit ako sa braso niya ng pumasok kami sa loob. Pag katapos namin kunan ng litrato ay umupo na kami kung saan kami dapat umupo. Nanlalamig ang mga kamay ko kinakabahan ako sa gagawin ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako. Nag speech ang president ng school at nag bigay ng mensahe sa mga grumaduate. Maya-maya pa ay nag umpisa na ang sayawan at kainan. Nakakatuwang tignan ang mga ka batch ko na ang saya-saya parang sinusulit nila na kasama ang mga kaibigan nila.

Biglang huminto ang maiingay na tugtog. Napatingin naman ako kay Deanne kung saan senenyasan ako na umakyat na sa stage. Tumayo naman ako at nag lakad sa stage. Pumunta ako sa gitna kung saan nandun ang mic.

"Hello?" panimula ko.

"Magandang gabi sa inyong lahat, I want to take this opportunity to say that I'm happy to see you enjoying the night with your friends, to my best friend, Deanne thank you for helping me with this. And to the man I love this song is for you" nakatingin ako sa pwesto ni Ken.

(Now Playing" Falling in Love by Six Part Invention)

Nag simula ng tumugtog ang musika.

"You and me, we got along just fine
But deep inside I know there is more
Right next to you" nag simula na akong kumanta. Nakita ko naman si Ken na nag lalakad papunta sa harapan ng stage.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now