Chapter 9

140 12 18
                                    

"Iiyak mo lang. Nandito lang ako" Matapos kong marinig ang mga katagang iyan galing sa kanya pakiramdam ko tamang tao ang kasama ko sa pag-iyak, tamang tao ang kadamay ko sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak ng umiyak dahil sa nangyari, hindi ko alam paano ako tatahan. Hinahaplos ni Kenneth ang buhok at likod ko. Ilang minuto rin siguro ako nag iiyak baka nga isang oras pa.

Nang kumalma na ako at tumigil sa pag iyak kinuha ni Kenneth ang panyo niya at pinunasan ang mga mata ko.

"Okay ka na ba?" nag aalalang tanong niya sa akin.

"Sorry Kenneth ha, sayo nanaman ako nag iiyak"

"Sabi ko naman sayo okay lang, sasaluhin ko lahat ng luha na lalabas sa mata mo Courtney, hindi kita iiwan" ayan nanaman yung mga ngiti niya sa akin pag nasa ganitong sitwasyon ako.

"Salamat, kasi nandito ka" Nag ring ang phone ko nang tignan ko kung sino ang tumtawag si Sir Gamet na pala.

"Ako na sasagot Courtney"

"Loudspeaker mo gusto ko marinig" inabot ko ang phone ko sa kanya.

"Hello Sir, si Villanueva po ito"

"Mr.Villanueva nasan kayo ni Ms.Priva kanina ko pa kayo hinahanap"

"Sir pasensya na po, hinatid ko po si Grace pauwi sa kanila masama po kasi ang pakiramdam niya, biglaan lang din po kaya di na kami nakapag paalam" Napatingin naman ako sa kanya dahil sa dinahilan niya.

"Okay sige message me kung makakapasok siya bukas, Thanks" binaba na ni sir ang tawag ako naman nakatingin pa din kay Kenneth.

"Tara uwi na tayo, ihahatid na kita" tumayo naman siya at kinuha ang gamit ko pagkatapos ay tinulungan niya akong tumayo. Nag umpisa na kami mag lakad papunta sa parking lot ng school. Nang makarting kami ay agad na kaming umalis at dumeretso sa bahay ko.

"Ken, dito ka na mag hapunan" muka namang nagulat ang muka niya.

"Oh bakit mukang nakakita ka ng multo jan"

"A-ano nga ulit ang tinawag mo sa akin?"

"Ken?" natawa naman ako

"Bago ba sa pandinig mo? Ang haba kasi ng Kenneth eh kaya Ken na lang" nakita ko siyang ngumiti ng palihim.

"Dito ka na mag hapunan ah, ako ang mag luluto para naman makabawi ako sa ginawa mo para sa akin"

"Hmm, sige" sumandal ito sa may gilid ng lababo.

"Ano bang gusto mong lutuin ko?" Sasagot na sana si Kenneth ng biglang

"Aba! at ipag luluto mo si Kenneth tapos ako kahit isang beses di mo tinanong kung anong gusto kong lutuin mo" natawa naman ako

"Ikaw na babae ka porket may susi ka ng bahay ko bigla ka nalang sumusulpot ah, teka bakit ka pala nandito"

"Nag text kasi si Kenneth tapos kelangan mo daw ng kasama matulog kaya after ng klase ko umuwi ako agad at kumuha ng damit para masamahan ka dito"

"ewan ko sa inyong dalawa, oh ano na Ken ano lulutuin ko?"

"Ay teka! bakit Ken na lang di na Kenneth?" napaka netong babae na to ang daming tanong. Di ko siya pinansin at tumingin kay Ken.

"Chicken Adobo" sagot niya.

"Oy gusto ko din yan! great choice Ken!" sabi naman ni Deanne. Yung tingin ni Ken kay Deanne salubong kilay.

"Okay! sabi ko nga Kenneth at hindi Ken" nakakatawa talaga ang babaeng to kung ano ano na lang.

Nag umpisa na kong mag luto at nag kikwentuhan naman si Deanne at Kenneth, panay tawa lang si Kenneth sa mga pinag kikwento ni Deanne. Masaya ako na nandito silang dalawa. Nang matapos ako mag luto ako na rin ang nag hain at di na nag patulong sa kanila.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now