Chapter 7

164 12 12
                                    

Courtney's POV

Di ko inaasahan na pupunta si Kenneth dito sa bahay tapos pag dating niya di pa ko naliligo kaya ng makita ko siya sa may pintuan agad akong kumaripas ng takbo paakyat sa kwarto ko at naligo. Pag katapos ko mag ayos ay bumaba na aka naabutan ko ang dalawa sa sala na nag uusap. Nang makalapit ako sa kanila ay tumayo si Kenneth para iabot sa akin ang bulaklak. Nakakatuwa naman ang lalaking to sadyang alam niya ba na paborito ang sunflower o naka tsamba lang sya.

Nag tungo na ako sa hapag kainan para dagdagan ng isa pang plato ang nasa lamesa. Habang kumakain kami bigla na lang nag ring ang phone ko.

"Hello?"
"Ngayon na?"
"Ah ganun ba sige"
"Okay, bye"

Inilapag ko ulit sa mesa ang cellphone ko. Hindi ako umimik.

"Sino yun Grace?" tanong ni Deanne.

"Si Hermes" napatingin naman sa akin si Kenneth.

"Bakit daw?" tanong ulit ni Deanne habang nakain.

"Pupunta daw siya dito, kasama si Ysabelle" isusubo pa sana ni Deanne ang nasa kutsara pero ng marinig niya ang sinabi ko ibinaba niya ito sa pinggan niya.

"At sasama naman si Ysabelle? Makapal din talaga muka nun eh no? at yang si Hermes di ko malaman kung talagang manhid lang ba talaga o tanga eh nakakainis" iritadong sabi ni Deanne.

Si Kenneth di umiimik, sabagay ganun naman talaga siya tahimik naman talaga siya. Matapos naming kumain ay nag ligpit na kami ni Deanne nakakahiya naman kasi kay Kenneth kung pag liligpitin namin siya. Habang nag liligpit kami ay may kumatok. Nag katinginan kaming tatlo.

"Ako na ang mag bubukas" sabi ni Deanne. Nilapitan naman ako ni Kenneth at tinulungan sa pag liligpit.

"Courtney" sabi ni Kenneth sa akin, tumingin ako sa kanya.

"Wag mo ipapahalatang nasasaktan ka sa nakikita mo, nandito ako wag ka mag alala hindi kita papabayaan" ngumiti naman ito. Ang lalaking to talaga.

"Salamat" yun lang ang nasabi ko.

*****

Ysabelle's POV

Ysabelle Hope Salazar. The most gorgeous woman in Sinaya University. Should i tell you more about myself? Well i like Kenneth Villanueva a lot. Nakakapag taka ba yun? ang gwapo at ang hot niya tapos ako maganda at sexy bagay na bagay kami. Pero bakit pumayag akong manligaw si Hermes ng engineering. Actually gwapo siya pero muka siyang uto-uto. Hindi lang yun, naiinis ako kay Grace sobra masyado siyang magaling, masyado siyang hinahangaan sa academics. Running for Summa Cum laude pa ang gaga mas deserve ko yun.

Kaya naman naisipan kong i distract siya sa pamamagitan ni Hermes. Duh hindi naman ako tanga para hindi malaman na mahal niya si Hermes kitang kita sa mga titig niya pag mag kasama sila. Kaya naman gagamitin ko siya para mawala sa focus ang babaeng yan.

Nandito kami ni Hermes sa tapat ng bahay nila Grace. Bakit ? Kasi gusto niya daw na makilala ako ni Grace ng maayos duh as if naman kakaibiganin ko siya. Kumatok si Hermes sa bahay nila Grace at ang nag bukas ? Ang kaibigan ni Grace na si Deanne ng Accounting.

"Hi Deanne, nasan si Courts" pag bati ni Hermes. Nakataas kilay na tingin naman neto sa akin bago nag salita.

"Nasa loob nag liligpit ng pinag kainan namin, pasok kayo"

"Deanne si Ysabelle nga pala" plastic naman akong ngumiti tss.

"Okay" saka umirap at tumalikod. Sumunod kami ni Hermes sa kanya papasok sa loob.

"Upo kayo, jan na muna kayo pupuntahan ko lang sila Grace" mataray na sabi neto saka tumalikod.

"Teka bakit sila? may kasama pa ba si Courtney sa kusina?" sabi ni Hermes.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now