Chapter 15

165 10 35
                                        

Hermes POV

Desidido na ako, hindi ko hahayaan na mapunta si Courtney kay Kenneth, hindi pa naman siya mahal ni Chanak eh may pag asa pa ko, ako naman ang mahal niya. Kinuha ko ang Cellphone ko at tinawagan si Courtney. Agad niya naman itong sinagot.

“Hello Chanak”

“Oh alien napatawag ka?’

“Pwede ba tayo mag kita mamayang mga 6pm sa playground?” tanong ko sa kanya.

“Sorry alien ah hindi ako pwede mamaya eh, may lakad kami ni Deanne”

“Ah ganun ba?”

“Oo alien eh okay lang ba kung bukas na lang?” napabuntong hininga naman ako.

“Sige, ingat ka na lang” hindi ko na inantay na sumagot pa siya at binaba ko na ang tawag.

Wala pa rin atang balak si Kenneth kay Chanak dahil siguro madalas kami ang mag kasama. Kaya naman kikilos na ako bago pa ako maunahan. Bakit kasi ang tanga ko ngayon ko lang na realize na mahal ko ang babaeng yun, ang dami kong sinayang na panahon, sana noon pa lang alam ko ng siya ang gusto ko at hindi si Ysabelle.

Nag scroll ako sa social media account ko, nakita kong naka in relationship na rin si Ysabelle. Hindi ko kilala ang lalaki pero wala na akong maramdaman ayos lang sa akin na ganun. Ang hindi ayos sa akin may kahati ako sa babaeng gusto ko. Pero dapat wala diba? Ako naman ang mahal niya hindi ang lalaking yun. Bukas na bukas wala ka ng pag asa sa kanya Villanueva.

*****

Courtney’s POV

Kakagising ko lang ng tumawag sa akin si Deanne.

“Grace!!!! Good Morning!” bungad neto sa akin.

“Ano ba yan ang aga-aga napaka ingay mo”

“Excited kasi ako alam mo ba may meteor shower mamayang 8pm ng gabi!”

“Anong gagawin ko kung meron?” pang-iinis ko sa kanya.

“Diba dinala ka ni Kenneth dati sa tanay yung nag star gazing kayo? Baka naman pwede mo kong dalhin dun gusto ko kasi manuod ng meteor shower dun sabi mo magandang spot yun para sa mga stars diba?”

“Nakakatamad Deanne! Pwede mo naman abangan jan sa taas ng bahay niyo eh” sagot ko naman.

“Grace naman eh Sige na kasi please”

“Aish! Oo na sasamahan na kita” di ako titigilan neto hanggat hindi ako sumasama.

“Yey! Dala ko sasakyan nila mama daanan kita ng 6pm jan hihi babyeeee” di na ko sumagot at binaba ang tawag niya.

Matutulog na sana ako ulit ng tumawag si Hermes para ayain ako lumabas mamaya kaso naunahan na siya ni Deanne. Pag katapos namin mag usap natulog ulit ako dahil antok na antok talaga ako.

Nang magising ako mag aalas quatro na pala ng hapon, agad akong bumangon at naligo. Gaya ng lagi kong ginagawa simpleng make up lang ang nilagay ko sa sarili ko dahil gabi na rin naman kami darating doon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may text si Ken sa akin, nakakapag taka naman ata na wala siyang text sa akin buong araw.

Biglang may bumusina sa labas kaya sumilip ako sa bintana si Deanne pala nanjan na siya. Agad kong kinuha ang bag ko at bumaba na. Nag paalam ako kila mama na aalis na kami ni Deanne pag katapos kong bumeso sa kanila ni papa ay lumabas na rin ako.

“Ready ka na Grace?”

“Oo tara na baka di natin maabutan yung meteor shower” sumakay na kami sa dalang sasakyan ni Deanne at nag umpisa na siya mag maneho papunta sa Tanay. Muntik na kaming maligaw na dalawa dahil hindi ko naman talaga kabisado ng buo yung lugar.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now