Chapter 3

214 16 12
                                        


"Nag mamaang maangan ka pa huh?" akmang sasampalin niya ko ng biglang dumating si kenneth at hinawakan ang kamay ni Ysabelle.

"Anong ginagawa mo bakit mo sasaktan si Grace?" ang cold ng titig niya kay Ysabelle ang hirap niya basahin.

"Kenneth nag kakamali ka ng akala, siya ang nauna sinampal niya ko kasi daw sinabi ko kay Sir Gamet na siya ang bumili at mag ayos ng mga awards" WTH?! ako? nanampal? nakakainis at sa pag kakasabi niya ng mga salita niya kay Kenneth nag papaawa pa ang muka neto na akala mo ako talaga ang nanakit. tumingin sa akin si kenneth na parang nag tatanong kumng ginawa ko ba talaga.

"Hind--" mag sasalita na sana ko ng dumating si hermes

"Kenneth! anong ginagawa mo bakit ang higpit ng hawak mo sa kamay ni Ysabelle" Lumapit ito at pinilit na piglasin ang pag kakahawak ni Kenneth sa kamay ni Ysabelle at itong bruhang eto nag papaawa pa din ang muka.

"Hermes tama na, walang ginagawang masama si kenneth kay Ysabelle" sabi ko.

Kinuha ko ang bag ko  at tumakbo palabas ng classroom, dumiretso sa likod ng school at nag punta sa malaking puno ng acacia. Umupo ako, sumandal sa puno at tumingala sa langit na punong puno ng ulap.

"Oo nga naman, mas concern sa kanya kasi mahal niya yun eh. Ako best friend lang. Ano namang laban ko dun diba di nga ko hinabol para tanungin kung okay lang ako eh" Kausap ko sa sarili ko. Hays. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Deanne para sabihin na nadito ako sa may puno ng acacia.

Maya maya pa ay dumating na si Deanne.

"Oh anong nangyari bakit nandito ka kala ko ba kakain tayo kasama si Hermes sa canteen" dere-deretso nitong tanong sa akin.

"Kalma ka nga muna, pwede ba umupo ka muna. Ano ba yang dala mo?" tanong sa kanya.

"Bumili na ko ng Lunch natin bago ako nag punta dito, usapan kasi aantayin mo ko pero biglang text mo nandito ka kaya ayun bumili na ko" umupo ito sa tapat ko at nag umpisang ayusin ang mga dala niya.

"Oh ano na mag kwento ka na habang kumakain tayo, mula dun sa kaninag umaga bakit ka badtrip pag pasok natin" sabi neto habang kukunin na ang pag kain niya. Kinuha ko yung biniling pagkain para sa akin ni Deanne at nag simula na kong mag kwento habang kumakain kaming dalawa

"Tapos yun nga nangyari kaya nandito ko nag punta at di kita inatay" ng matapos ako mag kwento mukang uusok na ilong ng kaibigan ko sa inis.

"Yang Ysabell nayan talaga napaka sama ng ugali ano bang nagustuhan ni Hermes jan nakakainis kala mo kung sinong maganda puro naman kolorete ang muka argggh nakakainis" natatawa na lang ako sa babaeng to kala mo sa kanya may kasalanan eh.

"Hayaan mo na yun, wala naamn akong ginawa sa kanya eh" nag umpisa na kong mag ligpit ng mga kalat naming dalawa.

"Hay nako ikaw na babae ka di ka kasi lumalaban di mo man lang pinag tatangol sarili mo kaya ayan kinakaya kaya ka lang ng Ysabelle na yan eh" di ako makasagot, tama naman kasi siya. Wala lang ayoko lang masaktan si Hermes pag pinatulan ko ang babaeng yun.

"Oh ano dito ka lang ba wala ka bang klase?" tanong ni Deanne sakin.

"Ah oo wala mamaya pa ulit klase namin 3pm pa vacant namin ng 2 hours" kinuha na niya ang mga kalat at dinampot ang bag niya.

"Sige mauuna na ko sayo kita na lang tayo mamayang uwian ah. Bye!" nag lakad na ito papalayo sa akin. kinuha ko yung earphone ko sa bag ko sumandal sa puno at nakinig ng music. hilig ko pakinggan ang Hindi tayo pwede ng The Juans.

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible

Wala lang sa tuwing pinakikinggan ko ang kantang to parang ginawa ito para sa akin. kasi alam ko naman na kahit kelan hindi siya magiging akin.

Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Hermes POV

Ako si Hermes Luke Mendelev, 22 years old ano pa bang gusto niyong malaman sakin maliban sa best friend ako ni Courtney. Meron kaming sariling Business ng family ko kaya ayos ang pamumuhay namin.

Habang nag lalakad ako papunta sa room nila Courtney malayo pa ko natatanaw ko ng ang daming nakasilip sa pintuan ng classroom nila kaya naman tumakbo ako papunta dun. Pag dating ko ay pinilit kong makapasok kahit na ang daming tao at nadatnan ko si Kenneth na hawak hawak ng mahigpit nag kamay na Ysabelle.

"Kenneth! anong ginagawa mo bakit ang higpit ng hawak mo sa kamay ni Ysabelle" Agad akong lumapit sa kanila at tinanggal ang pag kakahawak ng kamay neto kay Ysabelle. Mag sasalita na sana ako ng nag salita bigla si Courtney.

"Hermes tama na, walang ginagawang masama si kenneth kay Ysabelle" sabi neto saka kinuha ang bag at tumakbo palabas. Naiwan kaming tatlo at si Ysabelle hawak niya ang parte ng kamay nya na kinapitan ni Kenneth.

"Tss. Pakialmero" sabi ni Kenneth saka tumalikod at umalis.

Mamaya ko na lang kakausapin si Courtney. Sa ngayon si Ysabelle ang mahalaga.

"Ysabelle ayos ka lang ba anong nangyari?" pag aalala kong tanong sa kanya.

"Ayos lang ako pero sa susunod pag sabihan mo yang kaibigan mo. Sinaktan niya ko dahil lang sa nag mamagandang loob ako na makatulong sa klase." Sinaktan siya ni Courtney? Shit. Courtney bakit.

"Pasensya ka na ako ng bahala sa kanya" kinuha neto ang gamit niya at nag lakad paalis.

Hindi na ako nag abalang hanapin o itext si Courtney. Saka na lang siguro kami mag uusap pag mahinahon na ang lahat.

Courtney's POV

Habang nakikinig ako ng kanta ng The Juans nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin pag lingon  ko si Kenneth pala. Tinanggal ko yung earphones ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

"Wala nag papahangin lang masama ba?" sagot naman neto.

"Hindi naman"  sumandal ulit ako sa puno at pumikit.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya ulit.

"Oo naman okay lang ako, salamat pala kanina ha. Kung di ka dumating baka nasaktan na ko ni Ysabelle, sa totoo lang di ko alam bakit siya nagalit sakin eh pero hayaan mo na yun okay lang yun. Oo nga pala bakit ka bumalik kanina?"

"Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na mag kita tayo mamayng uwian para pag usapan yung gagawin natin."

"Ah ganun ba, salamat pa din." saka ko ngumiti sa kanya.

By Your Side (COMPLETED)Where stories live. Discover now