Prologue

8.5K 169 17
                                    

She is happy. Abot-tenga ang kanyang ngiti dahil sa sayang nararamdaman. In just count of days it'll be her big day! She can't wait that day will come.

Competing in America's Got Talent is her biggest dream. And as the Philippines representative, the overjoy she is feeling right now is indescribable.
Kagagaling lang niya sa kanilang studio para sa orientation nang kanyang paglipad patungong Los Angeles sa susunod na linggo. Napatingala siya sa langit at buong pusong nagpasalamat sa itaas dahil sa malaking opurtunidad at talentong pinagkaloob nito sa kanya. Pikit matang ninamnam ang kaligayahan na hindi niya kailanman inaasahan na mararamdaman niya. Kahit sa gabi na sa labas parang ang liwanag pa rin para sa kanya.

Binansagan siyang 'Queen of Ballet' nang bansa dahil sa kakaibang galing sa pagsayaw at pagbalanse. She spent her life on stage and focussed on her goal. To perform on biggest stage. She'd won a lot of competition along Asia. And this will her first time to perform outside Asia. Oh, she can't wait to meet Simon,Howie and Heidi.

Pakanta-kanta siyang tinungo ang kanyang sasakyan. Excited na siyang ibalita sa pamilya niya ang magandang balita. Kahit audition pa lang 'yon sigurado siyang panalo na siya para sa mga ito. Her family is her number one fan. Manalo man o matalo she will always be a champion for them.

Nasa kasagsagan na siya nang Quezon Avenue nang tumawag ang kapatid na si Aegus. Nasa dashboard ang aparato kaya medyo hirap siyang abutin iyon lalo pa at nahahati ang atensyon niya sa pagmamaneho. Dahil sa harap lang siya nakatingin hindi niya napansin na nasa crossing lane na pala siya. Tuloy hindi niya napaghandaan ang paparating na sasakyan galing sa kanan. Sa bilis nang kanyang pagpapatakbo, huli na para magawa niyang ikutin pa kaliwa ang manibela. Narinig na lamang niya ang salpukan nang sasakyan at ang kanyang sariling sigaw nang sumalpok ang rumaragasang kotse sa kanyang sasakyan.
Saglit siyang nabingi at hindi alam ang gagawin. Ang nagpabalik lang sa tino nang kanyang isip ay ang cellphone niyang patuloy pa rin sa pag-iingay. Pilit niya iyong inaabot kahit hirap siyang igalaw ang kaliwang braso dahil napasok iyon sa bilog na parte nang manibela. Pilit niyang iginagalaw ang paa ngunit pati iyon namanhid na.
Nakatuon pa rin ang kanyang tingin sa aparatong nag iingay.

"Aegus ....", naluluhang sambit niya sa pangalan nang nakababatang kapatid.

'Oh God, am I gonna die?'

She just cried helplessly.

Wala siyang magagawa para iligtas ang sarili dahil namamanhid ang buong katawan niya dagdag pa ang sakit sa banda sa kanyang ulo at sikmura.
Tanging nagawa na lamang niya ang umiyak at tinatawag ang pangalan nang Diyos at kanyang mga magulang. Hanggang sa unti-unti na siyang nanghihina at nanlalabo na ang kanyang paningin.

-------

Hirap siyang igalaw ang mga mata. Bakit masakit ang talukap nang kanyang mga mata? Nakapiring ba siya? Sinubukan niyang iangat ang kamay para tanggalin ang sagabal sa kanyang mga mata ngunit pati iyon mabibigat din. Bakit?

May naririnig siyang tila bubuyog na bumubulong. Kahit masakit pinilit siyang buksan ang mga mata para lang mapapikit ulit dahil naging sensitibo sa liwanag sa paligid.

"Anak?",anang boses sa kanyang tabi. "Gising ka na ba?"

Napangiti na lang siya sa lambing nang boses nang kanyang mommy Gwyneth. Gusto niyang tumugon ngunit walang lakas ang kanyang bibig na magsalita. Nanunuyot din ang kanyang lalamunan.

"Anak.... Miss na miss ka na namin", pagpapatuloy nang ginang. "Gumising ka lang masaya na kami."

Nagtaka siya. Saan ba siya pumunta at parang pangungulila ang nababasa niya sa boses nito? Ano ba kasi itong nakalagay sa kanyang bibig at hindi niya maibuka?

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon