Chapter 13(Spg)

3.4K 105 4
                                    

"Hide and seek?" Takang tanong ni Serene kay Millie nang pasukin siya nito sa silid nila. Simula ng iwan niya ang dalawa kanina ay hindi na siya lumabas pa ulit. Hanggang ngayon tumatakbo pa rin sa isip niya ang sinabi ng lalaki.

'Your mom is more beautiful than her.'

Totoo naman iyon pero bakit parang may konting kudlit sa kanyang puso ng ipagkumpara siya nito sa yumao nitong asawa? Bakit parang big deal para sa kanya iyon?

"Mommy please? I'm so bored. I'm tired of watching my iPad", pagpapadyak pa nito.

"How can we play? Only two of us?"

"Dad agreed already. In fact...... He agreed to be the first bet!" Masayang wika nito.
Malakas na lang siyang bumuga nang hangin at napipilitang tumayo para pagbigyan ito.
Naabutan na nila si Byron na nakahanda na sa laro nila dahil nakatalikod na ito at nakasandig sa pader.

"Are you two ready?"

"Ano ba napasok sa isip mo at pati larong pambata pinatulan mo na?" Hindi niya maiwasang sita. Nakakapagtaka na ang ugali ng lalaki sa totoo lang. Kaya hindi niya maiwasang kabahan tuwing maganda ang approach nito sa kanya.

'Ano ba talaga Serene! Natatakot ka naman kapag galit siya? Ngayon kinakabahan ka naman kapag mabait sa' yo?'

It confused her, really.

"She's irresistible, what will I do?" Kibit balikat na sabi nito sabay talikod ulit.  Idinikit ang mga braso sa pader at nagsimulang bigkasin ang larong gusto ni Serene.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng tatlo mag---

"Anong tatlo? Sampo! Paano pa kami makapagtago kung hanggang tatlo lang?" Hindi niya mapigilang puna.

"Geezz! Fine! Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang ko ng sampo magtago na kayo. Isa, dalawa,tatlo...."

At nagpatuloy ito sa pagbilang. Wala siyang maisip na pagtaguan maliban sa likod nang pinto sa bandang kusina. Maya-maya pa ay si Millie ang una nitong nakita bago siya. Ngayon si Millie na naman ang taya at silang dalawa ni Byron ang magtatago.

Sa kakahanap niya nang mapagtaguan ay hindi agad siya nakagalaw nang may biglang humila sa kanya papunta sa masikip na gilid ng devider. Himalang nagkasya silang dalawa ng lalaki doon. Gusto niya itong sitahin dahil dikit na dikit ang kanilang katawan at pati yata hangin hindi na makakadaan.

Mas lalong tinambol ng kaba ang kanyang puso nang maramdamang ang katawan nitong dikit na dikit sa katawan niya. Pati hininga nito ay amoy na amoy niya. Napatanga siya nang walang anumang abutin nito ang kanyang panga at paraanan ng mabining haplos.

"Byron..." Mahinang anas niya.

"Sshhh!" Anito sabay lagay ng hintuturo sa bibig nito. Hindi na niya naitago pa ang mariing paglunok lalo na nang unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Hinanap niya ang pagtutol sa kanyang isip ngunit hindi niya mahaligap, bagkus ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang paglapat ng mga labi ng lalaki sa kanyang bibig.

Buong puso niyang tinanggap ang init ng halik nito. Kahit nang bumaba ang kaliwang kamay nito sa kanyang beywang at ipasok ang kamay nito sa kanyang blusa ay malugod siyang nagpaubaya.

"Oh Serene, you are making me crazy", bulong nito nang bumaba ang labi nito sa kanyang tenga. Nanindig ang balahibo niya sa batok nang bahagya nitong kagat-kagatin iyon.

"Si Millie", kinakabahang wika niya. Nasa paligid lang ang bata at baka makita sila sa ganoong tagpo.

"She will not see us here", bulong nito. Bahagya pa siya nitong hinila papasok. Madilim nga sa bahaging iyon kaya malabong makikita sila ni Millie lalo pa at may mga nakaharang na poste ng devider. Hindi iisipin ng sino man na magkakasya ang tao doon.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon