Chapter 10

2.9K 102 11
                                    

Kinatok ni Byron ang pinto ngunit walang sumagot. Kaya napilitan siyang pumasok sa loob. Iniwan niya muna si Millie saglit habang kumakain ito nang hapunan. Kahit labag sa loob na pagsilbihan ang dalaga ay wala siyang magagawa dahil isinama nila ito. Kung sakaling magkakasakit ito, siya ang sisihin ng kanyang biyenan.

"Serenity", may kalakasang boses na tawag niya rito ng nasa paanan na siya ng kamang kinahihigaan nito. Ngunit walang sagot. Napilitan siyang lumapit dito at bahagyang alugin ito sa balikat.Natigilan siya nang makita ang nangingilid nitong mga luha. Umiiyak ang babae habang tulog. Wala sa loob na inabot niya ang pisngi nito at pinahid ang likidong umaagos mula sa mga mata nitong nakapikit.
Parang napapasong binawi niya ang kamay at mahigpit na ikinuyom ang mga palad.

No, it couldn't be. Sting. He felt sting at the left side of his chest while seeing her in that situation. Is he being hard to her? Napasobra ba siya kanina?

'You're being cruel to her since day one!'

Masisisi ba siya kung sakali? Kung malakas ang paniniwala niyang naging pabaya ito noon? Dahil kung hindi, bakit ito takot na takot sa kanya tuwing malapit siya?

It's because you frightened her dude! Kontra ng kanyang isip.

Napakurap siya ng bigla nitong buksan ang mga mata. Hindi agad siya nakatinag ng saglit siyang mawala sa mga malalim nitong titig.

"I'm sorry.... I'm sorry.... Hindi ko sinasadya", paulit-ulit na sambit nito. Tingin niya ay iniisip nitong panaginip lang siya dahil walang tigil ang pag iyak nito habang paulit-ulit na sinasambit ang mga katagang iyon.
Nang humagulhol ito ay tuluyan na siyang nabahala.

"Serenity! Serenity! Wake up goddamn it!"

Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at ibinangon ang katawan nito. Tila binabangungot ito dahil habol-habol nito ang hininga habang walang tigil sa pag-iyak.

Mas lalong tumindi ang lakas ng hagulhol nito at nababahala siyang marinig iyon ng anak niya. Hindi niya alam ang gagawin.
Isa lang ang paraang alam niya para tuluyan itong magising. Agad niyang sinunggaban ang bibig nito at kinuyumos ito nang halik. Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa gulat. Nang sa tingin niya ay nahimasmasan na ito ay agad niya itong binitiwan. Taas baba ang kanyang dibdib.

"Now you're awake? We're having a dinner. It's up to you if you'll eat or not", saka nagmamadaling lumabas sa silid na iyon. Nang maisarado niya ang pinto ng silid nito ay naiumpog niya ang ulo doon. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya ang bagay na iyon.

'Damn! Those lips!'

No. A big No. Hindi niya dapat isipin iyon.

________

Hindi siya makatulog. Kaya ang ginawa niya tumambay muna sa sala katabi ang heater. Kahit papaano bumabalik na sa normal ang kanyang kaliwang binti. Nalagpasan din niya ang hapunan na hindi bumabagsak sa sahig kahit paika-ika ang kanyang mga hakbang.

Kanina pa tulog si Millie at marahil ganon din ang ama nito. Agad niyang ipinilig ang ulo ng biglang lumitaw sa kanyang imahe ang ginawang paghalik nito sa kanya. Buong akala niya ay nananaginip lang siya. Nahimasmasan lang siya kanina nang bigla siya nitong sunggaban ng halik.

Pilit niyang itinuon ang pansin sa pinapanood na Korean nobela. Gusto niyang alisin ang imaheng paulit-ulit na rumerihistro sa kanyang utak.

"Do you even understand them?"

Malakas siyang napasinghap nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay agad din niyang iniwas ang tingin dahil tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nito pababa sa hubad nitong dibdib. Hinuha niya ay galing ito sa swimming pool. Hindi lang niya narinig ang pagbukas nito nang sliding door dahil nakatuon ang kanyang pansin sa pinapanood.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon