Chapter 7

2.8K 101 4
                                    

After stretching his body, he decided to go out from his room and want to grab some coffee in the kitchen.
Ngunit natigil siya sa gitna ng sala ng makarinig nang tila nanginginig na ungol. He try to find that sound ngunit napakunot siya nang noo ng wala namang tao sa sala.

'Where is she?'

Sinundan niya kung saan nagmumula ang naririnig na ungol. Nandon ang babae nakahiga ng pabaluktot sa carpet at nanginginig. Hindi niya agad ito nakita dahil nasa gilid ito nang mababang center table. Bakit ito doon nahiga?May guessroom naman siya bakit hindi ito doon natulog?

'Why, did you offered her a room?'

Kahit na. Alam na nito ang gagawin. Dapat ba asikasuhin niya itong parang bisita? No way.

Napapansin niya kagabi na may dinaramdam ito pero pinilit niyang ignorahin ang kagustuhang tulungan itong tumayo.

Because you're being an ass to her! Do you think Mileena is happy seeing you like this? This is not you Byron!

Napasabunot na lang siya sa kanyang buhok. Gaano ba siya kasigurado na ito ang may kasalanan sa nangyari? Ang tanging pinanghahawakan lang niya ay ang talas ng kanyang pakiramdam. Ngunit paano kung mali siya?
May kasalanan man ito o wala, dapat ba ganito niya ito tratuhin? Gulong-gulo ang isip niya at hindi niya alam kung alin dapat ang sundin.

He is also pissed hearing his daughter calling her mommy. Pero hindi niya ito nagawang sitahin  dahil may parte ng kanyang pagkatao natutuwa sa pagbalik sigla ng kanyang anak dahil dito.
Millie was never fond of people. Kahit sa mga magulang niya ay ilag ang bata. Kaya nga hindi niya ito maiwan sa mga magulang niya dahil ayaw nito roon.

Oo, maaaring tinakot niya ito ng husto pero hindi niya kayang pumatay katulad nang iniisip ng dalaga sa kanya. Natigil lang ang paglalakbay nang kanyang isip ng muli itong umungol.

"Daddy.....", nagdedeliriyong sambit nito. Agad niya itong nilapitan para gisingin ngunit napapiksi siya nang idantay niya ang kamay sa braso nito.

Gracious! She has a fever!

Dali-dali niya itong binuhat at dinala sa guest room. Dalawang kwarto lang ang nando'n, guest room at ang silid niya. Kahit tinakpan niya ito ng makapal na kumot ay patuloy pa rin ito sa panginginig.

'What should I do? She's quivering for goodness sake!'

------

Mabigat ang talukap ng kanyang mga mata ngunit pinilit niyang imulat iyon. Para lang masilaw sa liwanag na galing sa salaming bintana. Agad siyang napatingin sa pinto nang bumukas iyon.
Wait? Dito ba siya natulog kagabi? Ang naalala niya ay sa carpet na siya dinalaw ng antok at hindi na magawang iakyat ang sarili sa sofa.

"Oh, good that you're awake", anang lalaking bagong pasok. Sino 'to? Sa pagkakaalala niya ay si Byron ang kasama niya kagabi. "How do you feel?"

"Who are you?" Mahinang usal niya. Kinapa niya ang noo para tanggalin ang telang nakapatong roon. Basang bimpo.

"Oh, I'm your doctor  today.  I'm Drake Madrigal . And maybe you hadn't remember that you're quivering last night because of high fever."

Umiling lang siya. Tuyo ang kanyang lalamunan at nilalamig pa rin siya sa kabila nang pamamawis ng kanyang noo.

"How do you feel, hmm?" Masuyong tanong nito. Sa lahat ng doctor na nakilala niya ito na yata ang may pinakamalambing na boses.

"Ahm... I'm hungry..." Bukod sa panghihina ng katawan ay mahapdi din ang kanyang sikmura.

"Wait here and I will get a hot soup for you", saka ito tumayo.

"Wait", pigil niya rito nang nasa bungad na ito nang pinto. "Where is Byron?"

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon