Chapter 28

3K 91 1
                                    

Pagkagaling nila sa Tagaytay, dumeretso agad sila sa bahay nina Tita Michelle. Sinaway niya si Byron kanina ngunit hindi ito nagpapigil. Gusto agad nitong ibalita sa anak na okay na sila.

"Hey sweetpea",nakangiting bati niya nang maabutan itong nakaupo sa sala. Nagtaka pa siya nang hindi ito sumalubong sa kanya. Dati-rati naman ay masayang ngiti agad nito ang kanyang nabubungaran kapag pumupunta siya roon.

Ngunit nabura ang ngiti niya nang bigla itong tumayo at hindi siya pinansin. Nag-aalalang napalingon siya  kay Byron na nasa likod lang siya.

"What just happened?" Takang tanong niya.

"I don't know", kunot-noong sagot nito. Pareho nilang sinundan ng tingin ang  batang wala yatang balak kausapin sila.

"Millie", tawag nito sa anak. "It's not proper way of treating elders."

Lumingon ito sa kanila. Nabahala siya ng mapansin ang pamamasa ng mga mata nito. "You killed my mother."

Nanigas siya sa kinatatayuan. Napasapo siya sa dibdib. Makikita sa mga mata nito ang galit sa kanya. "SweetPea", sambit niya. Nag umpisa nang manubig ang kanyang mga mata.

"Millie!" Mataas ang boses na saway ng ama nito.

"Why dad? It's because you love her okay lang kahit siya ang naging dahilan ng pagkamatay ni mommy?"

"And you, stop calling me sweetpea. I hate you! I hate you!"

Saka mabilis itong umakyat sa hagdan. Nayakap niya ang sarili at pilit na pinipigilan ang luhang pilit na umaagos.

"Don't worry, I'll talk to her",nag-aalalang sambit ng lalaki. Sabay yata silang napahinga ng malalim. Inakay siya nito paupo sa sofa at saglit na iniwan para sundan ang anak nito.

"Byron",pigil niya dito nang nasa kalagitnaan na ito ng pag akyat. "Be gentle to her."
Tumango lang ito at tumuloy na sa pag-akyat.

______

Napatayo siya nang makitang bumaba ang lalaki. Laglag ang balikat nito.
"Anong nangyari?" Agad niyang tanong sa katipan. Kinakabahan siya sa reaksiyon ng mukha nito.

"Let's give her time and space, babe",sagot nito sa kanya. Inabot ang kamay niya at masuyong hinalikan.

"Byron, that's not what I want to hear. I mean, where did she got the idea?"

"I will talk to her again,okay? Don't be upset."

Tumango lang siya ngunit sa loob niya ay hindi niya maiwasang mabahala.
"I'm sorry about that Hija", napabaling siya kay Tita Michelle. "Someone fed her up with some false information. Hindi ko naalalang may iba siyang nakausap tungkol diyan. I swear to God, it wasn't me."

"I know Tita. I know", aniyang nag-iinit ang gilid ng mga mata. Ito ba ang kapalit ng ilang araw nilang saya ni Byron sa Tagaytay? Bakit hindi yata sang-ayon ang tadhana na magiging masaya siya?

"Can I go home now?" Baling niya kay Byron. Tumango lang ang lalaki. Pansin sa anyo ng lalaki na may nagpapabagabag dito.

"Si Brix?" Naitanong ng Ginang.

"Ahm,nasa kay Tita Hera po",magalang niyang sagot.

Ngumiti lang ito at hinawakan siya sa balikat. "Everything will be alright Hija, 'wag kang mag alala. I will try to make her understand about it."

Huminga siya nang malalim at malamlam na sinalubong ang mata nito. "Salamat po. Maraming salamat po. Although I don't deserve your kindness---

"Oh silly, don't say that. Nobody deserve any hatred okay? Let's leave the past behind and face what future up to", nakangiting saad nito. Sabay kabig sa kanya ng yakap. "Everything happened for a reason, remember that."

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon