Chapter 6

2.8K 96 6
                                    

Agad siyang napatingin sa lalaking pumasok na hindi makapaniwalang tiningnan ang paligid sanhi ng katangahan niya.

"Ahm I---I....",nauutal na tangi lang niyang nasambit. Damn! Ano nga ba kasi ang sasabihin niya?

"Get out of here and get inside the car!",dumagundong sa lahat ng sulok ang boses  nito. Napakagat na lang siya ng labi.

"Pero paa---"

"I said get out!", ulit nito. Napalunok naman siya at pilit ikinurap ang mga mata para hindi siya maiyak. Saka nagmamadaling lumabas para sundin ang sinabi nito.

------

"I wonder why you became a ballerina despite of your clumsiness", inis na sabi nito habang nagmamaneho na. Tiningnan niya ang oras, alas quatro na ng hapon. Medyo malapit na sila sa sementeryo kaya panatag na siyang hindi sila aabutin ng takip-silim bago makarating doon.
Hindi niya alam kung anong ginawa nitong pakipag-usap sa nagbabantay ng flower shop at nagawa agad nitong ayusin ang katangahang ginawa niya.

"Have you really manage to balance yourself? Hindi mo ba alam na nakakaperwisyo ka ng ibang tao? Sa akin?" Singhal ulit nito sa kanya.

"Look", aniya sa malumanay na boses. "I was trying to get your attention  to lend me some cash because they don't accept any credit cards."

"It's not my problem. And have you ever think that wearing  a sunglass was inappropriate on that place?"

"I'm sorry", hingi niya ng paumanhin. "Don't worry I'll pay you back."

Napatawa ito ng pagak. "I wish you could pay also the mess that you've made before. Get out."

Napatingin siya sa paligid. Nakarating na pala sila. Dali-dali niyang tinanggal ang seatbelt at lumabas na ng sasakyan.
Napalitan ng kaba at lungkot ang kanyang nararamdaman nang papasok na sila sa gate. Nagpatiuna ang lalaki sa paglakad. May iilan namang nandun at may iba rin namang pauwi na.

"I doubt if you bring a lighter with you", sabi nito sabay lingon sa kanya.

"Huh?" Takang tanong niya. Para saan naman 'yun?

Tumawa ito ng pagak at napapailing na lang. "I knew it."

Inisip niya ng maigi kung ano ang tinutukoy nito. Napapitik na lang siya sa hangin ng mapagtanto iyon. Paano nga ba nila masisindihan ang kanilang kandila kung wala silang pansindi? Sigurado siya wala ding dala ang lalaki dahil hindi nito inaaasahan ang lakad na iyon.
Nagpahuli siya sa paglalakad, nagbabakasakaling may makasalubong siya para mapagtanungan ng pansindi sa kanilang dalang kandila.

"Can you make it quick? It's looks like it'll going to rain", inis na sabi nito habang nakalingon sa kanya. Napairap na lang siya sa hangin.

'Lagi na lang galit!Kuuu!
Daig pa nito ang PAG-ASA, alam na uulan.'

"Serenity!" Mas malakas pa na sigaw nito.
Binilisan na lang niya ang paglalakad para matigil na ito. Bakit ba kasi ito pa ang pinasama sa kanya ng ginang? Nape-pressure siya ng todo.

-----
Servino Gatchalian
Born 19**-20**
Mileena G.Ortega
Born 19**-20**
Baby boy Ortega

Basa niya sa bawat lapida. Tahimik namang nagsindi ng kandila ang kanyang kasama. May dala pala itong pansindi kaya hindi na sila nagtanong pa sa ibang nandoon.
Nauna itong nagsindi sa puntod nang kanyang ama. Magkakatabi lang ang tatlo.
Siya naman nauna sa puntod nang anak nito. Walang nakalagay na petsa sa lapida nito. Tahimik siyang nagsindi ng kandila at naupo sa damo.

'Hi baby boy, I'm your tita. Patawarin mo sana ako baby sa kawalan ko ng ingat kaya pati ikaw nadamay. If I could just turn back the time I rather choose to die to make you live.'

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon