Chapter 30

3.4K 105 2
                                    

Napakunot ang noo niya nang mapagbuksan si Thylane ng pinto. Wala siyang kasama sa bahay kundi ang isang kasambahay. Kinuha kasi ng ina ni Byron ang dalawang bata at doon muna daw ng ilang gabi.

"Hello Ate",malapad ang ngiting bati nito sa kanya.

"Hi",tangi niyang nasambit. "Napadalaw ka?"

Weird. Tuwing gusto nitong makipagkita sa kanya ay tatawagan muna siya nito. Marahil ay nawala lang sa isip ng pinsan.

Pinatuloy niya ito at magkaharap silang naupo sa malaking sala. Hindi na ito nagpaligoy-ligoy pa at agad na sinabi ang sadya.

"Ahm,yayain sana kitang mag overnight sa resort. Wala akong kasama e, kailangan ako doon kasi kasali ako sa event. Eh, sa resort yung venue", napakamot ba ito ng tainga na akala mo kinakabahan.

"Eh Thylane ano kasi, baka kasi hindi ako pwede. Alam mo na may pamilya na ako. Tsaka baka hindi ako payagan ni Byron", kagat labing paliwanag niya. Ayaw naman sana niya itong biguin pero hindi na kasi siya katulad noon na kahit saan siya magpunta ay wala siyang ibang responsibilidad kundi sarili niya.

"Magpaalam ka kaya muna sa kanya, sige na ate please..." Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay na nakikiusap sa kanya. "Wala naman kasi si Addy para yayain ko. Si Wrena naman bawal pa daw isama sabi ni Daddy."
Malakas na lang siyang napabuntung-hininga at walang choice na inabot ang kanyang cellphone na nakapatong sa mesa. Nakita niya kung paano magningning ang mga mata nito.
Kaagad siyang nagdial na mabilis namang sinagot nang nasa kabilang linya.

"Hello babe," masiglang bati ni Byron sa kabilang linya.

"Hi babe, busy ka ba?" Kagat labi niyang tanong.

"Uhm, I have  free ten minutes left before the conference meeting. May problema ba?"

"Uhm, magpapaalam sana ako e. Tutal wala naman dito ang dalawa. Isasama ako ni Thylane sa event na pupuntahan niya."

"Okay lang babe, you can go. "

Nadismaya siya sa sagot nito. Umaasa kasi siyang hihigpitan siya nito at pagbabawalan.

"Okay lang sayo? Overnight 'yon, babe."

"Okay lang talaga babe, minsan okay lang talaga na mag enjoy ka."

"Nang hindi kayo kasama?" Taas ang kilay na sabat niya.

"It's really okay babe. You can go. Oops, I really need to go. I love you."
At nawala na ito sa kabilang linya.

"So ano na?" Excited na tanong ni Thylane.

"Okay daw", matabang niyang sagot.

"Oh e di okay! Tara na!" Sabay tayo nito.

"Hindi ba ako magdadala ng bihisan?"

"Uhm, one pair is enough. Uuwi din naman tayo bukas ng hapon e", paliwanag nito.

Mabigat ang katawan na umakyat siya sa silid nila at nagligpit nang ilang pares na damit. Bakit feeling niya okay lang kay Byron kahit hindi niya ito makasama?

Sa inis niya ay pinatay niya ang kanyang cellphone. Bago sila umalis binilinan muna niya si Mira na hindi siya makakauwi ng gabi.

______

Dapit hapon na ng makarating sila sa Misref Resort. Agad niyang inilibot sa paligid. Napamangha siya nang makita ang arrangement ng resort. Parang pinaggastusan talaga ng malaki ang event na yon. Naaabot ng kanyang tanaw ang dekorasyon malapit sa dagat. Maraming nakahilerang bangko at mayroong mini-stage. Parang beach wedding ang arrangement.

"Halika na ate, deretso na tayo dun sa kwarto natin. Okay lang ba sayo na may mga kaibigan akong makikisaya mamaya sa room natin?"

"Ha? Bakit sa suite mo pa?" Takang tanong niya. Hindi naman sa ayaw niyang makihalubilo sa mga kaibigan nito ngunit nakapagtataka naman kung sa silid pa mismo nito makikisaya ang sinasabi nitong kaibigan.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon