Chapter 5

2.9K 112 3
                                    


"Bakit mo ipinagkait sa akin iyon Mommy?" May hinanakit niyang sumbat sa ina. Kasalukuyan silang nasa silid niya at kapwa hilam ang mga mata ng luha. Pagkatapos ng natuklasan niya kanina ay hindi nakapaghintay pa ng umaga at pilit na nagpahatid kay Mang Romeo sa bahay nila.
Naghalo ang hinanakit at panghihinayang sa kanyang puso. Bakit nagawa ng ina na itago sa kanya ang katotohanan na iyon nang kanyang pagkatao?
Ayon sa ginang, hindi alam ng kanyang ama na nabuntis nito ang kanyang ina noon.
"Natakot ako noon anak, na kapag nalaman ng mga magulang niya ang tungkol sayo ay kukunin ka nila sa akin."

"Nandun na tayo sa puntong iyon mommy. Pero sa paglaki ko hindi niyo man lang ba tinangkang sabihin sa akin ang totoo? Kahit man lang nung nagdebut ako? Mommy, ang sakit. Ang sakit, sakit na saka mo lang makikilala yung dahilan kung bakit ka nabuo ay huli na. Ni hindi ko man lang nasilayan kahit sa huling sandali man lang. Ang lupit niyo po", saka siya humagulhol nang iyak. Tangka siya nitong lapitan ngunit umiwas siya.

"I tried to find him Serene,para sana malaman mo. But.... But it was too late. Si Mrs. Gatchalian na lang ang nakita ko then she said that your father had passed away from colon cancer. Hindi ko na sinabi sayo dahil alam kung kamumuhian mo lang ako!"

"Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon mommy! Kung hindi pa ako napadpad sa bahay na iyon. Kung hindi ko pa nakilala si Millie hindi ko malalaman kung sino ang tatay ko!"

"Anak.... Patawarin mo ako", umiiyak na sabi nito.

"Mommy... Saan po ba ako nagkulang? Naging masunuring anak naman po ako 'diba?' Yung katiting lang na karapatan sana na pwede mong ibigay sa akin ay nagawa mo pang ipagkait."

Humihikbi lang ito. Mabuti na lang tulog na ang lahat kaya hindi naririnig ang sumbatan at iyakan nilang dalawa.

"I want to sort out some things. Can you leave me alone now? Please....?"

Sapo ang dibdib itong tumayo at mabilis ang hakbang na nilisan ang kanyang silid. Saka niya pinakawalan ang malakas na hagulhol. Hagulhol nang isang anak na nananaghoy.

------
Masakit ang kanyang mata kinaumagahan dahil sa magdamag na pag-iyak. Tiningnan niya ang oras sa kanyang cellphone para lang mapakunot ang noo sa dami nang miss calls galing kay Mrs. Gatchalian at sa isang unregistered number. Ala-una na ng tanghali. Ibig sabihin kaninang umaga pa ang tawag.
Agad siyang nagreturn call sa ginang. Ngunit iyak ni Millie ang agad niyang narinig nang sagutin nito ang tawag.

"Millie? SweetPea? What happened?", kinakabahang tanong niya. Hindi normal ang iyak nito na tila ba nasaktan ito ng husto.

"Mommy, uwi ka na!",nagwawala ito. "You told me you are not going to leave me! Mommy! Mommy!"

"Sweet pea, can you calm down? Stop crying okay, may inasikaso lang si Mommy na importante", malumanay niyang wika.

"I want you to go home now, please?"

Nakinig naman ito sa kanya ngunit humihikbi pa rin ito.

"Okay.... I- I just need to take a bath. And promise me, you're not going to cry like that again."

"Daddy, can you pick up mommy for me, please?"
Nandoon din pala ang lalaki

"Sure...of course", boses ni Byron.

"Ahm.. okay na ako kay Mang Romeo", tanggi niya.

"I insist. We need to talk."

"Okay", sang-ayon niya. Siguro nga kailangan nilang mag usap. Ang hirap ng sitwasyon niya. Hindi pa ba sapat ang dalawang taon na naghirap siya? At 'eto na naman mas kumplikado pa kesa sa unang problema niya. Mababaliw na siya sa kakaisip kung alin ba ang uunahin. Sabay-sabay ang mga realisasyon na natuklasan niya.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon