Chapter 19

2.8K 106 12
                                    

"Hija, kumain ka na", pakiusap ng kanyang tiyahin nang pasukin siya nito sa guestroom. Ito ang naisip niyang tawagan kagabi ng wala siyang maisip na lapitan. Ayaw niyang makita siya ng ina niyang ganoon dahil hindi ito nagkulang ng paalala sa kanya. Pero sadyang matigas ang kanyang ulo.

"Hindi po ako nagugutom, Tita", mahinang sagot niya habang nanatiling nakahiga sa kama.

"Pero hindi ka na nakapaghapunan kagabi", nag-aalalang wika nito. Nagawa niyang ikuwento paisa-isa ang dahilan nang pagkakaganoon niya. Higit kanino man, silang dalawa ni Aegus. Ang tiyahin lang nila ang tanging nalalapitan nila kapag emotionally unstable sila. Ito kasi ang unang nakakaunawa sa kanila at hindi sila nakakarinig ng kahit anong sermon mula dito.
Nanatili siyang walang imik. Narinig niyang malakas itong bumuntung hininga. "Kung hindi ka kakain, mapipilitan akong tawagan ang mommy mo. 'Diba ayaw mo yun?"

Sukat sa sinabi nito ay mabilis siyang bumangon at agad na tinungo ang banyo para maghilamos. Kahit ayaw talaga ng kanyang panlasa ang kumain ay pinilit niyang lunukin iyon gamit ang tubig na panulak para deretso lunok.

"Tita, mayroon po ba kayong green grapes? Para po kasing nanlalagkit 'yung laway ko. Gusto ko po' yung maasim", sabi niya sa tiyahin kapagkuwan. Bahagyang napakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Bakit po?"

"Uhm, wala naman. Pero walang green na grapes. Papabili na lang ako kay Marlon", tukoy nito sa driver.

"Sige po, salamat", kiming ngiti niya. Pilit niyang inubos ang pagkaing dala nito kahit na gustong gusto ng tumimbuwal ng kanyang sikmura. Nang lumabas ito bitbit ang tray ay mabilis niyang tinakbo ang banyo at sinuka lahat ng kanyang kinain. Nanghihinang napayupyop na lang siya sa gilid ng lababo. Hindi nagustuhan ng sikmura niya ang omelette na hinanda nito. Lalo tuloy tumindi ang kagustuhan niyang makakain ng ubas na maasim.
Guminhawa lang ang kanyang pakiramdam kinahapunan ng mapagbigyan ang hinahanap ng panlasa.

Isang gabi papatulog na sana siya nang kumatok ulit ang kanyang tiyahin. Nag aalalang tumingin ito sa kanya.

"Bakit po, Tita?" Takang tanong niya.

Tumikhim muna ito. "Ang mommy mo tumawag. May mga pulis daw sa bahay ninyo at may pinakitang warrant of arrest para sayo."

Wala sa loob na bumangon siya. "Alam po ba niyang nandito ako?"

Tumango ito. "Pinuntahan ka daw sa condo unit mo pero wala ka doon. Kaya naisip niyang nandito ka. Hindi na ako nagsinungaling pa."

"Tita, ano pong gagawin ko?"

Mabilis itong lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Papakiusapan ko si Byron",wika nito.

Marahan siyang umiling. "Galit po siya sa akin. Galit na galit."

"Gusto ko na pong umuwi Tita", aniya kapagkuwan. Kailangan niyang harapin ang konsekwensiya nang pagiging pabaya niya. Kung naging matapat lang sana siya noong una ay maaabswelto pa sana siya. Pero hinintay pa niyang umabot sa ganitong punto bago nagsalita.

"Sigurado ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.

Tumango siya. "Ayoko naman pong maging wanted. Kailangan ko pong harapin ang kasalanan ko."

"S-sige. Ikaw ang masusunod. Sasamahan na kita."

______
Wala siyang nagawa kundi ang sumama sa mga pulis ng gabi ding iyon. Ngayon pangalawang araw na niya sa bilangguan at hindi na niya nakikilala ang sarili dahil wala na siya ayos at lagi siyang tulala. Magang-maga na rin ang kanyang mga mata dahil sa magdamag na pag-iyak.

.

Nagpumilit ang mommy niyang magbayad ng piyansa ngunit pilit siyang tumanggi. Mas lalong hindi siya matatahimik kung patuloy niyang tatakasan ang nangyari. She deserves good sleep. And happy life. At mangyayari lang iyon kung mapapatawad siya ng mga taong pinagsinungalingan niya.Baka sakaling mapatawad siya ng mga ito kung nakakulong na siya.

Off Balance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon